“Kayo bang dalawa ay manonood o magtatalo lang? Kung ayaw ninyong manood, doon na muna kayo sa labas?” maawtoridad nang singhal ni daddy sa amin. Pareho kaming nagpapalitan ng masamang tingin ni Kuya bago ito nagbawi ng mga mata. Ngunit bago pa man iyon ay inirapan na niya ko at parang may binubulong-bulong. Bumigat naman ang dibdib ko at napalingon pa ako kay Joyce nang pisilin niya ang isang kamay ko. Hindi ko namalayang hawak na pala niya iyon at nakatunghay siya sa akin na may tinging nakauunawa. Napabuntong-hininga ako. Nang sumunod na araw ay hindi ko pa rin kinakausap si Kuya. Kahit noong tanungin niya kung sasabay ako sa kaniya ay mabilis akong tumanggi. Naiinis pa rin ako kasi nga napaka-judgemental niya. Hanggang ngayon din naman ay hindi ko pa ginagamit ang sasakyan na inirega

