Sa isang high-end restaurant na halatang napakapribado ng setup ang pinuntahan namin. Walang open tables bagkus ay naka-cubicle ang lahat ng mga kakain. Fully airconditioned naman ang bawat puwesto kaya kumportable pa rin. “Grabe, may mga ganito palang klase ng restaurant. Halatang yayamanin talaga,” bulalas ko habang nakatitig sa magandang painting na nakasabit sa dingding. “Yeah. And this place is very discreet that you need to have a VIP card to be able to dine here,” simpleng tugon niya. Napatango lang ako. “Eh, iyong mga crew nila gano’n? Siyempre kilala ka ng mga iyan. Tapos makikita nilang magkasama tayo ngayon. What if masabi nila sa iba?” agad siyang umiling. Iyon kasi ang pumasok sa isip ko kanina. Oo, pribado nga itong lugar pero siyempre iyong mga nagtatrabaho, nakikita nil

