Chapter 2 Dating Game

1252 Words
Kinaumagahan ay nagising ako sa walang tigil na pag-ring ng cellphone ko. Naiirita na nga ako dahil gusto ko pa sanang matulog dahil super late na akong nakatulog kagabi dahil pinilit kong tapusin iyong dalawang modules. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ba itong istorbong ito, ang aga-aga naninira ng tulog. “Vera Zen!” tili ng kaibigan kong si Joyce ang sumalubong sa tainga ko at lalong nagpairita sa akin. Marahan kong hinilot ang gilid ng sentido ko na biglang sumakit. “Joyce, ano ba?! Ang aga-aga nang-iistorbo ka! Ano ba’ng problema mo?” inis na tanong ko. “Maaga? 9:30 na ano! Tanghali na! Saka may good news ako sa iyo!” excited na sagot nito. Napamulagat ako nang marinig ang sinabi niya. s**t! Alas nuwebe ang usapan namin ni Lordwin. Bigla akong nataranta at kinabahan dahil pumayag nga pala akong mamasyal sa kaniya dahil birthday niya ngayon. “Naku, Joyce, kung ano man iyan, mamaya na lang kasi male-late na ako. May lakad kami ni Lordwin ngayon. Tinanghali na ako ng gising!” Nagmamadali akong bumangon at inilapag sa kama ang cellphone ko na naka-loud speaker na ngayon. “Bahala ka! Mamaya sure ako wala ng slot!” napahinto ako sa sinabi niya. “Anong slot?” kunot-noong tanong ko. “Alam mo hindi ako makapaniwalang hindi mo ito alam samantalanag baliw na baliw ka kay KC,” sagot nito. At sa pagkabanggit niya ng pangalan ni KC ay agad kong nakalimutan ang pagmamadali ako. “Bakit? Ano’ng meron sa kaniya?” agad kong tanong. “Alam mo iyong Online Love na show sa TV ‘di ba? Si KC ang guest nila sa next episode. At ang masuwerteng mananalo ay makaka-date ni KC Del Cueva sa isang private island for three days! Besh three days iyon!” kilig na kilig na pagbabalita nito at ako man ay kulang na lang mapatili rin sa narinig. “Kung gano’n ano’ng gagawin ko?” tanong ko sa kanya. “Mamayang alas onse ang registration at iyong first 100 na makakapag-register lang ang isasali para na naman sa online draw para sa top 20. Then from top 20, doon manggagaling iyong top 5 na tatanungin nila for final selection ng winner!” mabilis na paliwanag nito. Ang bilis ng t***k ng puso ko at parang sasabog na ito sa matinding excitement. Ito na ang chance para makita ko si Keister sa totoong buhay! And I will never let this opportunity slip from my grasp. “Pero sabi mo may lakad ka, ‘di ba? So, paano iyan?” paalala nito at napahawak ako sa noo ko. Siguro naman maiintindihan ako ni Lordwin. Babawi na lang ako. Bibili ako ng regalo niya para maibigay ko mamaya sa dinner celebration ng birthday niya. Minsan lang kasi ang ganitong opportunity at ayoko ng palampasin. “Don’t worry, ika-cancel ko na lang iyon. Siyempre si Keister pa rin ang pinakamahalaga sa akin ‘no!” sabi ko sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “Okay, papunta na ako riyan sa bahay niyo para sabay tayong magregister,” sabi nito. “Ikaw din?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. Kasi hindi naman ito mahilig sa mga ganito kaya nakakapagtaka kung bigla na lang siyang sasali. “Hay naku, ikaw din ang ire-iregister ko, ano ka ba? Para more chances of winning, ‘di ba?” Lalo akong napangiti sa sinabi niya. Magandang suggestion nga iyon. Pagtapos ng tawag ko kay Joyce ay agad kong tinawagan si Lordwin. “V, nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito sa meeting place natin,” masiglang tanong nito. Halata ang saya sa boses niya kaya lalo lang nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko. “Lordwin, pasensiya na, ha? Gustuhin ko man, kaya lang biglang nag-message ang professor namin na may online class daw kami mamayang eleven. Sorry Talaga. Babawi na lang ako next time. Saka pupunta naman kami sa party mo mamayang gabi kaya magkikita pa rin tayo,” pang-aalo ko sa kani ya. Bahagyang tumahimik ang kabilang linya at dinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng ilang ulit bago nagsalita. “Okay, V. See you later,” malungkot na saad nito kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nilalamon ako ng konsensiya ko. “Sorry Talaga ha?” dagdag ko pang paumanhin. Pero ‘okay lang’ ang sagot niya at tinapos na ang tawag. Nalulungkot din ako para kay Lordwin dahil itinuturing ko rin siyang bestfriend gaya ni Joyce. Pero hanggang doon lang talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko naman talaga gustong nasasaktan siya pero wala naman akong magawa. Nakahanda na ang laptop ko at gayun din ang kay Joyce. Mas mabilis kasing mag-type kapag laptop ang gagamitin. Ang tanging panalangin lang namin ngayon ay huwag sanang magloko ang internet. “Nga pala, saan ba kayo pupunta ni Lordwin? Magde-date ba kayo? Uy! Sa wakas na-develop ka na rin sa kaniya!” kinikilig na tanong at tudyo ng kaibigan ko kaya inirapan ko siya. “Hindi ‘no! Birthday niya kasi ngayon kaya pinagbigyan ko. Kaya lang ganito naman ang sitwasiyon…” sabi ko. Napaawang ang bibig nito sa sinabi ko. “Birthday niya? OMG! So anong dinahilan mo kung bakit hindi kayo matutuloy?” usisa nito. Halatang naawa rin siya kay Lordwin. “Sabi ko may biglaan tayong online class,” mahinang sagot ko. Hindi rin ako makatingin nang maayos sa kaniya dahil pakiramdam ko ang sama-sama ko sa ginawa ko kay Lordwin. “Grabe! Mahal na mahal mo talaga si KC, ‘no? Kaya mong iwan ang lahat para sa kaniya!” sabi nito sa napaka-OA na paraan. I just rolled my eyes. Well, it’s true! Unang beses ko pa lang makita sa YouVid si Keister mahal ko na siya. Hindi lang ako basta fan kasi love ko talaga siya! At gagawin ko ang lahat para manalo sa game show na ito. Ito lang ang tanging paraan para makilala niya ako. Kahit suntok sa buwan ito basta may pag-asa kahit konti lang panghahawakan ko. “Huwag na nga nating pag-usapan iyan. Lalo lang ako nagi-guilty kay Lordwin,” pakli ko sa kaibigan. “Ano pa ba kasing ayaw mo ro’n? Guwapo, napakabait, matalino at kahit paano may kaya rin naman sila sa buhay,” pagpaptuloy pa ni Joyce. Hindi pinansin ang sinabi ko. “Wala ngang spark besh! Kahit ano’ng gawin ko wala akong maramdamang kakaiba para sa kaniya!” katuwiran ko. Sinubukan ko naman talagang gustuhin siya dati o kahit iyong ibang lumiligaw sa akin kaya lang wala talaga, eh. Ayoko namang pumasok sa isang relasiyon na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Mahirap magpaasa ng tao kasi alam kong masakit iyon. Nang dumating ang go signal para sa pag-fill out ng online forms para sa registration ng contest, halos hindi na ako humihinga sa bilis ng pagta-type ko ng mga information na kailangan at saka ko pinasadahan ng isang beses. Nang mapagtanto kong tama naman lahat ang nailagay ko ay sinend ko agad ito. Gayun din ang ginawa ni Joyce at sabay kaming napatili nang magreply sa amin na kami ay pang 89 at 90 participants. Ang tindi ng kaba ko. Akala ko hindi na kami aabot. Bukas pa raw namin malalaman kung sino ang mapipili through online draw para sa top 20 candidates kung saan mapipili ang lima for question and answer portion. At ang Q and A na iyon ay live na gagawin sa TV. Si Keister mismo ang magtatanong at pipili ng tatanghaling winner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD