“Kaya lang, baka may makakita sa atin,” may pag-aalalang saad ko. Nakatunghay lang sa amin ang kaibigan ko. Pati nga siya ay tila napapa-isip din. “I will be on disguise. Then, I will use different car. Say yes, please…” pakiusap pa niya kaya ayan na naman si Joyce na parang bulateng namimilipit sa kilig. Kinuha niya ang isang unan ko at niyakap na animo ay nangangarap na ewan. “Pumayag ka na, gaga,” mahinang udyok ni Joyce na hanggang ngayon ay pinandidilatan pa rin ako. “S-sige…” sa wakas ay tugon ko. “That’s it! See you tomorrow, baby. Sleep tight and dream of me, okay?” malambing pang sabi ni Keister. Muli na naman akong napangiti. “Ikaw din. Bye,” kumakabog ang dibdib kong tugon. Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Mabilis na tumayo si Joyce at tuwang-tuwang nagtitili sa harap

