Chapter 24 Bestfriend’s Confession

1570 Words

“Jusmiyo, Vera, ang daming tao sa labas at gustong makita itong bisita mo. Mabuti na lamang pala at may kasama kayong mga bodyguards at sila na iyong pumipigil doon sa mga tao para hindi makapasok dito.” Mariin akong napapikit. Gustong-gusto kong batukan itong si Keister dahil siya ang may kasalanan nito. Ang kulit-kulit kasi. Hindi ko masabayan ang trip niya. “Magandang hapon po. Ako po si Keister Claude Del Cueva. Ikinagagalak ko po kayong makilala.” Tumayo si Keister at binati si mama. Saglit lang na natigilan si Mama bago ngumiti at tumango sa kaniya. “Magandang hapon din, Hijo. Ako naman si Marie, ang mama ni Vera. Mamayang hapon pa darating ang papa niya galing sa trabaho. Naku, kilala na kita kasi ang kuwarto nitong anak ko ay puno ng mga mukha mo!” natatawang pambubuking ni mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD