Pero hindi ito sumagot at tila nahahapong naupo roon sa sofa. Nawalan na nga ako ng pakialam kahit nababasa na iyong sofa dahil nag-aalala ako. “Tanya, pahingi ng towel please. Nandyan sa drawer sa bandang taas ng cabinet,” hiling ko. Agad naman itong tumango at sumunod. “Keister, okay ka lang? Bakit ganiyan ang hitsura mo?” puno ng pag-aalalang tanong ko. Sobrang lungkot kasi ng mukha niya. He looked so hurt and devastated. “Sumama ako doon sa mga bangka na nagre-rescue ng mga na-trap sa iba’t ibang barangay na malapit dito. I saw a lot of dead people everywhere. But the most devastating of all are the children.” Pumiyok pa si Keister nang ikuwento iyon habang ako naman ay napasinghap at nanlaki ang mga mata. Now he’s crying like a heartbroken child. Nagkatinginan kami ni Tanya at ma

