Kahit medyo mapait pa rin ang panlasa ko at hirap pa rin ako ay sinikap kong makakain ng marami. Ayaw kong mag-alala ng husto sa akin si Keister. Pagkatapos ng hapunan ay nag-toothbrush ako at naghilamos bago muling bumalik sa higaan. Kahit gusto ko mang tingnan kung ano ang update sa bagyo ay wala namang signal ang internet kaya itinabi ko na lang ulit ang cellphone ko. “O? Bakit nakaupo ka pa? Hindi ka pa ba matutulog?” sumimangot ako. “Halos maghapon na akong natutulog kaya hindi pa ako inaantok,” sagot ko. “Ikaw matulog ka na. Alam kong napagod ka rin kakaasikaso sa akin.” Ngumiti naman siya at tumabi sa akin. Katatapos lang niyang mag-shower at ang fresh niyang tingnan. Masarap din sa ilong ang amoy ng shower gel niya. “Not yet. You need to take off of your pajamas. It’s time to

