Vera’s POV Nagtataka man ay tumango pa rin ako kay Keister nang sabihan sila ng doktor na lumabas muna. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan ako o ano. Pero base sa mukha ni Keister ay parang may alam na siya sa kung ano ang problema sa akin. “Vera, I know this might sound awkward to you, but I need to check your v****a to see if you need more medicines for it,” banayad ang pagsasalita at nakangiti si dok nang sabihin iyon pero napanganga ako. Totoong namilog talaga ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. “B-bakit ni’yo naman po gustong makita, Dok? May problema po ba?” kinakabahang tanong ko. Pakiramdam ko tuloy lalong tumaas ang lagnat ko. “Well, dapat ay bumaba na ang lagnat mo ngayon dahil dalawang beses ka nang uminom ng gamot at ilang beses ka na ring nabanyusan.

