Pagdating namin sa sinasabing presidential suite ay napangiti na rin ako. Kahit papaano ay maganda naman ito at maluwang. Pumasok na ako pagkatapos na ipagbukas ako ni Aaron ng pintuan. Inilapag ko sa kama si Vera at iniayos siya roon. Tinanggal ko na rin ang sapatos niya kasunod ang jacket. “Aaron please get me a small towel and water. I need to help her reduce her fever,” utos ko sa PA ko. Mabilis naman itong tumango at sumunod. Ilang sandali lang ay nakabalik na siyang may dalang maliit na planggana at may puting bimpo. Inilapag niya iyon sa lamesang nasa gilid ng kama. “Keister… hmm…” napalingon kaming pareho nang iungol ni Vera ang pangalan ko habang nakakunot ang noo. “Sige, ako na ang bahala sa kaniya.” Inumpisahan ko na ang pamumunas sa mukha niya. Nagpaalam na rin si Aaron a

