Kinabukasan ay nagising pa rin ako ng alas-sais kahit pasado alas kuwatro na ulit kami nakatulog ni Keister pagkatapos kumain. Napag-usapan kasi namin iyong ilang pasyalan na pupuntahan namin dito. Sabay-sabay pa kaming nag-almusal dahil alas-nuwebe pa naman iyong graduation rites. Pagkatapos ng almusal ay nakatanggap ng tawag si Keister. Tungkol yata sa negosyo nila kaya saglit siyang lumayo sa kinaroroonan ko. “Keister, mauna na ako sa kuwarto para magbihis,” paalam ko sa kaniya. Nag-flying kiss lang ito sa akin kaya napangiti na lang ako. May ilan nang nag-aabang sa harap ng elevator nang marating ko iyon. Paglabas ko sa palapag kung nasaan ang kuwarto namin ay nagulat ako dahil naroroon sa labas si Rodney. Nakaharap siya sa may pintuan at may hawak na maliit na kahon na nakatago sa

