“Yaya? Nakahanda na ba?” narinig kong tanong niya. Ako naman ay mabilis na bumangon at inayos ang sarili. Hindi nakikita itong kama mula sa pintuan pero nahihiya pa rin ako kasi kapag pumasok siya at dito ako maabutan ay siguradong iba ang iisipin niyang ginagawa namin. “May bisita ka sa baba!” tila sinadya ni Yaya Sonia na hinaan ang boses pero nakaabot pa rin iyon sa pandinig ko. “Sinong bisita?” may talim namang tanong ni Keister. “Si Mary Joy. Akala ko ba nasa London ang babaeng iyon? Saka wala na kayo, ‘di ba? Ano pa bang ginagawa ng babaeng iyon dito? Tapos, paano niya nalaman na dito ang bahay mo, eh, hindi mo pa naman siya dinadala rito, ‘di ba?” narinig ko ang sunod-sunod na tanong ni Yaya Sonia. Tumambol naman agad ang puso ko at aaminin kong nakaramdam ako ng pangamba. Kahit

