Vera’s POV Kanina pa ako napapangiti habang inililipat ang bawat pahina nitong pang-apat na photo album na hawak ko. Grabe, iyong huling tatlong malalaking photo album ay puro baby pictures lang ni Keister. Mayroon doon iyong family pictures nilang tatlo ng daddy at mommy niya na may nakalagay na caption: Little Keister’s first family photo. May mga pictures na karga siya ng mommy niya at iyong iba naman ay daddy niya ang may buhat-buhat sa kaniya. Super cute niya noong baby siya at kamukhang-kamukha niya ang mommy niya. halos lahat ng features ng mukha niya ay nakuha niya sa mommy niya maliban sa kulay ng mga mata at kutis. Mestisong-mestiso kasi si Keister dahil nga Espanyol ang daddy niya. Grabe, hindi man lang nakaranas pumangit ng taong iyon. Ngayon naman ay ang mga pictures niya s

