“Do you like it?” narinig kong tanong niya, pero natagpuan ko na lang ang sariling naluluha sa sobrang galak dahil sa ganda ng setup na nasa harapan ko ngayon. Ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko akalaing makakaranas ako ng ganito. Sa bandang itaas ay may mga nakalambitin na maliliit na ilaw kasama ng mga hugis-pusong mga hanging lampshades. Ang mga ito ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid na animo ay nakikiayon sa dami ng mga bituin sa langit. Ang bilog na lamesa ay mayroon ding magandang lightshade sa gitna at sa magkabilang gilid nito ay may dalawang transparent na vase na parehong may mga tigatlong rosas. May mga talulot din ng kulay pink na roses sa buong lamesa kung saan nakahain ang masasarap na pagkain at ang isang bote ng red wine. Sa tabi nito ay may dalawang eleganteng tal

