Hindi agad ako nakahuma sa matinding pagkabigla nang tanggapin ko ang sampal na iyon. Doon ko lang din napansing marami pa palang kasama itong si Lanie na lahat ay masama ang tingin sa akin. “It’s good that you know me!” mataray na saad nito. Si Lanie Ferrer ay isang make-up vlogger at presidente ng fans’ club ni Keister na KCnatics. Actually, sa lahat ng fans club ni Keister ay ang grupong ito ang pinakamalaki at pinakamaimpluwensya dahil karamihan ng mga miyembro ay mayayaman at galing sa mga prominenteng pamilya. “Bakit ka ba nananampal? Ano bang ginawa ko sa iyo?” hindi ko na napigilang maisumbat. Parami na rin nang parami ang mga estudyanteng nagkukumpulan at nakikiusyoso sa amin. “Maang-maangan pa, Lanie. Ang sarap kalbuhin ng malanding babaeng iyan!” gigil na sabi naman ng babae

