
Nag simulang tignan ni Reymark ang mga antique na bagay sa antique store ni Tony.
Karamihan mga Antique na Vase, Upuan, aparador, may mga antigue rin na ilang mga bagay na nilimot na ng panahon.
Ngunit...
Isang Board Game ang nakaagaw pansin kay Reymark.
Medyo Inaalikabok na ito, pero maayos pa rin ang kahon nito bahagyang pinunasan ito ni Reymark upang makita niya itong ng maayos.
"Penalty Board Game? Paanong may ganito sa antique Shop? Mukhang hindi naman ito antique? Inaalikabok lang."Nasabi na lamang ni Reymark.
Agad dinala ni Reymark ito kay Tony para ipakita.
"Curious lang po ako rito sa board game na ito? Bakit may ganito kayo sa antique Shop? Hindi naman ito Antique?" Tanong ni Reymark.
