Dumiretso na ako sa opisina ni Mikael matapos kung makipag-usap kay Theo. Nag-ayos ulit a
Maaga akong bumangon sa kama dahil di rin naman naging maayos ang tulog ko ng gabing matuklasan ko ang ginagawa ni Mikael sa akin. Naghilamos ako at nagsuklay upang maging maayos ang itsura ko bago bumaba sa hapag-kainan upang mag-almusal. Hinayaan ko lang na nakalugay ang kulot kong buhok bago bumaba.
Nakita ko na nakahanda na ang agahan at nakaupo na rin si Mikael sa pwesto niya habang umiinom ng kape. Nang makita ko siya ay muli ko na namang naalala ang mga nangyari kagabi. Nakasuot na siya ng damit pampasok sa opisina samantalang ako ay nakapantulog pa. Mukha akong stress sa itsura ko ngayon samantalang siya ay napakagwapong tingnan sa suot.
"Good morning." pormal na bati ko bago umupo sa sa upuan na nasa harap niya.
"Good morning." ganting bati niya sa akin sabay baba ng tasa ng kape at tumingin sa akin. Biglang kumunot ang noo niya ng masilayan niya ang itsura ko.
"Are you okay?" bigla niyang tanong sa akin at inilagay ang kamay niya sa noo ko.
Peke akong ngumiti sa kanya bago sumagot. "Yes. I am okay. Bakit? May dahilan ba para hindi ako maging okay?" tanong ko sa kanya sabay alis ng kamay niya sa noo ko.
"Hindi ko alam sa'yo. Pero bakit parang walang kabuhay-buhay yang mukha mo? Nakatulog ka ba ng maayos?" nag-aalalang tanong niya.
"Ang kapal din naman talaga nito na magtanong kung okay lang ako. Try niya kayang lumugar sa posisyon ko na niloloko ng asawa kong magiging okay ba ang lahat." bulong ko sa sarili ko.
"Di nga ako masyadong nakatulog. Nanood kasi ako ng pelikula kagabi kasama si Abby. Yung The Unmarried Wife yung title. Bida si Angelica Panganiban, Dingdong Dantes and Paolo Avelino. Maganda yung movie, try mo panoorin, baka makarelate ka."
"I saw the trailer once nung nanonood ako sa t.v. I don't like the plot of the movie." sagot niya sa akin.
"Bakit? Maganda naman ah. Yung plot ng kwento, pwede mangyari sa totoong buhay." sarkastiko kong sabi sa kanya. "Kung sa akin nangyari yung role ni Angelica, iiwan ko yung asawa ko. Di ako magtitiis sa lalaking manloloko. Mas gugustuhin kong maging tapat siya sa akin kahit masasaktan ako kaysa paniwalain niya ako sa isang bagay na di naman totoo. Ayokong mabuhay sa perpektong ilusyon."
He look at me intently bago siya magsalita. "That's good. Were both the same sa bagay na iyan. Ayaw ko rin sa babaeng manloloko."
"So, pagnagloko ako, iiwan mo ako?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya bago sumagot sa akin. "Hindi, dahil hindi mo gagawin yun sa akin."
"Paano ka nakakasiguro?" hamon ko sa kanya.
"Dahil di ko hahayaan na gawin mo yun. At huwag mo nang isipin na gawin ang bagay na iyon dahil di mo gugustuhin ang kaya kong gawin sa lalaking 'yun, at sayo." tiim-bagang niyang sagot sa akn.
"Anong gagawin mo? Papatayin mo siya? Papatayin mo ako? Dahil kong iyon ang kaya mong gawin kapag niloko ka, di mo rin alam ang kaya kong gawin kapag ako naman ang niloko mo. Baka makapatay ako." gigil kong sabi sa kanya. Nangigigil talaga ako kapag naaalala ko ang nangyari kagabi. Gusto ko siya komprontahin ngayon pero di sapat ang ibidensya ko laban s kanya. Di ko kasi nakayang sundan sila nung babae sa loob ng hotel. Kapag ngayon ko siya komprontahin ay baka itanggi niya lang ang paratang ko.
Bigla niyang inilapat ang dalawang kamay niya sa mukha ko bago magsalita. "Relax. I will not do thatt hings to you." mahina at malambing niyang sabi sa akin. Halata ang sinseridad niya sa sinabi niya ngunit natabunan ng nakita ko kagabi ang tiwala na meron ako para sa kanya.
"Paano kung gawin mo?" mahina kong tanong.
"Ako mismo ang makikipaghiwalay sayo." diretso niyang sagot sa akin.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng takot ng sabihin niya na handa siyang makipaghiwalay kapag ginawa niya na lokohin ako. Para bang ayaw kong gawin niya ang bagay na 'yun.
"Mikael." mahina kong banggit sa pangalan niya.
Inalis na niya ang dalawang kamay niya na nakahawak saa pisngi ko. "Paano, kailangan ko nang umalis." sabay tayo sa upuan. "I'll see you later." paalam niya sa akin bago lumakad paalis ng dining area. Napatigil siya sa paglakad bago makalagpas sa pwesto ko. Dadaan muna kasi siya sa akin bago siya makalabas ng pinto. Hindi ko namalayan na hawak ko ang braso niya na dahilan upang mapatigil siya sa pag-alis. Nagtatakang lumingon siya sa akin. Bigla kong binitawan ang braso niya na hawak ko.
"Ahmm..." nag-iisip ako kung ano ang dapat kong sabihin. Di ko rin kasi alam ang dahilan kung bakit ko siya hinwakan na para bang pinipigilan ko siyang umalis. "Baka pumunta ako sa opisina mo mamaya."
"Bakit?' maikli niyang tanong sa akin.
"Wala lang. Naisip ko lang. Isang beses pa lang naman ako nakapunta sa opisina mo diba? Kaya, naisip kong pumunta. Bakit, ayaw mo bang pumunta ako?"
"Hindi naman, nagtaka lang ako at naisip mong pumunta sa opisina. Pero kung iyon ang gusto mo, ay okay lang sa akin na pumunta ka." nakangiti niyang sagot sa akin.
"Okay. Pupunta ako."
Tumango siya sa akin bago naglakad paalis. Nang tuluyang nakaalis si Mikael ay napabuntong hininga na lamang ako. Kahit ako ay nagtataka sa sarili ko kung bakit ko siya nagawang hawakan sa braso upang pigilan sa pag-alis...
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang pumunta ng salon para magpaayos bago pumunta sa opisina ni Mikael. Nagpanatural make-up ako at nag-paayos ng buhok kahit alam ko naman sa sarili ko na kaya kung gawin ang mga iyon. Para bang gusto kong maging maganda ako sa paningin ni Mikael kapag makita niya ako mamaya. Nagpahatid ako sa driver namin sa opisina ni Mikael. Masaya akong bumaba ng sasakyan ng may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang taong tumawag sa akin na naglalakad papunta sa pwesto ko.
"Hi!" maiksing bati ko ng makalapit siya.
Ngumiti sa akin si Theo bago magsalita. "Kumusta?" tanong niya sa akin.
"Okay naman ako." nakangiti kong sagot. Tiningnan kong maiigi si Theo ng mga oras na iyon. Gusto kong maramdaman muli ang bilis ng t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya pero wala na. Wala na ang dating pagbilis ng t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya na labis kong pinagtataka.
"Ngayon lang kita nakita na pumunta sa opisina ni Mikael. Siya ba ang ipinunta mo dito?"
"Oo. Naiisip ko rin kasi na isang beses pa lang ako nakapunta dito."
"Okay lang ba sayo kung mag-usap tayo ngayon bago ka pumunta kay Mikael? Marami akong gustong sabihin sayo na di ko nasabi noon."
Gusto kong tumanggi sa alok niya pero naisip ko na oras na rin siguro upang makapag-usap ako ng sarilinan. Tama naman si Theo, may mga bagay kaming di napag-usapan pagkatapos niyang umatras sa kasal namin noon. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Siguro oras na nga para makapag-usap kaming dalawa ng matapos na ang lahat. nang magkaroon na ng closure ang nakaraan.
Sa isang restaurant kami pumunta ni Theo malapit sa opisina ni Mikael. Pagkatapos namin sabihin sa waiter ang order namin ay nagsimula nang magsalita si Theo.
"I know it is to late to say this, but, I' am sorry." malungkot niyang sabi sa akin. "Masyado akong naduwag na magpakita sayo dahil sa ginawa kong pagatras sa kasal natin noon."
Malungkot akong tumingin sa kanya. "Aaminin ko, sobra akong nasaktan sa ginawa mo. Hindi lang ako ang nasaktan kundi pati na rin ang pamilya ko. Pero naisip ko, hindi mo naman kasalanan ang lahat ng nangyari. Walang may gusto na mangyari ang lahat ng iyon. Nagmahal ka lang ng iba at umasa naman ako. Umasa ako sa pagpayag mong magpakasal sa akin noon na meron kang nararamdaman para sa akin."
Nagtatakang tumingin sa akin si Theo. "Yes, Theo. Mahal kita." bumakas sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko. "Mali pala." malungkot akong ngumiti sa kanya. "Hindi kita mahal... Dahil ang totoo, Minahal kita."
"Nicole." mahina niyang banggit sa pangalan ko.
"Nung pumayag kang magpakasal sa akin noon, sobrang saya ko. Sa wakas, maikakasal ako sa lalaking mahal ko. Isang pangarap ng kahit na sinong babae sa mundo. Umasa ako na mamahalin mo rin ako tulad ng nararamdaman ko sayo noon. Pero, I was wrong. Hindi ako ang minahal mo kundi ibang babae. Pero sabi ko sa sarili ko, okay lang iyon, ako naman ang pakakasalan, hindi siya. Atsaka, malabo na magkatuluyan kayong dalawa."
"Nicole, hindi ko alam..."
"Don't!" putol ko sa sasabihin niya. "Alam kong wala kang alam sa nararamadaman ko para sa iyo kasi sinadya ko na hindi ipaalam. Ako ang may kasalanan sa bagay na 'yun, hindi ikaw. Itinago ko ang nararamdaman ko sayo noon dahil dalawa lang ang maaring patunguhan ng nararamdaman ko. Either, mahalin mo ako or iwasan mo ako. At nang malaman ko na mahal mo siya, mas natakot ako. Dahil alam ko ang huli ang magiging tugon mo sa nararamdaman ko para sa'yo. Pero okay na ako. Okay na ako ngayon. You don't have to worry about me."
Hinawakan niya ako sa mga kamay na nakapatong sa lamesa. "I'm sorry Nicole. You don't deserved what I did to you before. I simply don't deserve a woman like you." kitang-kita ko ang lungkot at sinseridad sa mga mata niya. Wala na ang dating saya sa mga matang iyon.
"Paano, kailangan ko ng umalis, baka magtaka si Mikael bakit wala pa ako." saad ko sabay tayo sa upuan. Dahil sa pagtayo ko ay napabitaw na rin siya sa pagkakahawak sa kamay ko.
"Ihahatid na kita."
"Huwag na. Di na kailangan. Kasama ko ang driver, remember?' nakangiti kong sabi sa kanya.
"Salamat Nicole, salamat sa pagpayag na makausap ka."
"Salamat din. Salamat at nakapag-usap na rin tayo. Matagal ko ring hinintay na masabi ang lahat ng iyon sayo."
Malungkot siyang ngumiti bilang sagot.
Umalis na ako sa restaurant kong saan kami nag-usap. Pagkaupo ko sa loob ng sasakyan ay malungkot kong tinanaw ang labas ng restaurant. Nakita ko si Theo na nakatayo sa labas habang nakatanaw sa papalayo kong sasakyan. Pareho lang kaming nasaktan ni Theo sa mga nangyari noon. At mas nalungkot ako para sakanya. Dahil nagawa ko nang maging masaya sa kabila ng lahat. Samantalang siya, ang pagkawala ng babaeng minamahal niya ay pagkasabay ng pagkawala na rin ng saya sa kanyang mga mata. Kailan ko kaya makikita? Kailan ko ulit makikita ang saya sa mga matang iyon? Sa mga matang dating masayang tumitingin sa akin.ko at nagretouch bago sumakay ng elevator paakyat sa 25th floor kung nasaan ang kwarto ng opisina ni Mikael.
Paghinto ng elevator sa 25th floor ay lumabas na ako at dumiretso sa table kung saan nakapwesto ang secretary ni Mikael. Mukhang bata pa ang sekretarya, maganda at makinis ang mukha. Huminto ako sa harap niya at ngumiti ng iangat niya ang tingin sa akin.
"Hi! Nandyan ba si Mikael?" nakangiti kong tanong.
"May I know you name first and if you have an appointment with him?" magalang na tanong niya sa akin.
"Actually, wala akong appointment pero inaasahan niya ang pagdating ko. I am Nicole. His wife." sagot ko sa kanya.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nakaawang pa ang labi niya habang nakatingin sa akin. Pero mabilis din siyang nakabawi at dali-daling tumawag sa telepono na nasa table niya.
"Hello Sir. Yes.. But.. it's your wife...Your wife is here...Yes Sir... " Ibinaba niya na ang telepono matapos makipag-usap at ngumiti sa akin. "Pwede na po kayong pumasok." Aakma siyang tatayo upang ihatid ako sa pinto ng opisina ni Mikael ng pigilan ko siya.
"You don't have to. Di mo na ako kaylangang ihatid. Ako na lang, salamat." Lumakad na ako palapit sa sa pinto at ipipihit ang siradura ng bigla itong bumukas. Masayang mukha ni Mikael ang nabungaran ko habang nakatingin sa akin.
"Goldiee!" masayang bungad niya. Para bang masayang-masaya siya na makita ako.
"Bakit ang saya mo? Parang ngayon lang tayo nagkita ah!" nagtatakang sabi ko sa kanya. Hinila niya ako papasok sa loob ng kwarto ng opisina niya at bigla niya na lang akong niyakap ng mahigpit. Nsgtataka na talaga ako sa kinikilos niya.
"Masama bang maging masaya." sagot niya sa akin habang nakayakap. "I just missed you so much and I am happy na pinuntahan mo ako dito sa opisina."
"Eh diba, sinabi ko naman sayo kanina na pupunta ako?"
"Yes pero di ako umaasa na gagawin mo nga. Mahirap na kung umasa ako sa wala." Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at pinaupo ako sa visitor's chair. Umupo rin siya sa upuan na nasa harap ko.
"What do you like? Coffee, juice?" tanong ni Mikael sa akin.
"Coffee na lang." sagot ko.
"Anong gusto mong kainin? Magpapaorder ako?" sunod niyang tanong.
"Hindi na kaylangan. Busog pa ako. Katatapos ko lang kumain kasama si Theo." sagot ko ulit sa kanya. Napansin ko na parang biglang napahinto siya sa pagkilos niya at tumingin sa akin na puno ng pagtataka.
"Nagkita kayo ni Theo?" nawala ang saya sa mga mata niya at bigla siyang sumeryoso.
"Oo. Nagkita kami sa parking area nitong building."
"Nakipagkita ka sa kanya?!" biglang tumaas ang boses niya.
"Hindi. Its just accident na nagkita kami and we decided to talk. Pag-usapan ang mga bagay-bagay na dapat matagal na naming pinag-usapan. To have a closure." mahinahon ko na sagot kahit nagtaas na siya ng boses sa akin.
"Pero hindi ka dapat nakipag-usap sa kanya na ikaw lang mag-isa. You can talk to him with me. Hindi yung ikaw lang at siya lang!" di pa rin nagbabago ang tono ng pananalita niya. At puno na rin ng galit ang mga mata niya.
"Mikael, Theo is your cousin and your best friend. Pero sa inaakto mo, para bang napakasama niyang to para di ko siya kausapin ng ako lang mag-isa." paliwanag ko sa kanya pero naiinis na ako sa tinuturan niya.
"Dahil alam kung hindi mo siya kayang harapin ng ikaw lang mag-isa!" sagot niya sa akin.
"Bakit ba sinasabi mo na di ko kaya? Nakaya ko naman diba? Naharap ko nga siya, eh!' napatayo na ako. Nainis na talaga ako ng tuluyan sa inaasal niya ngayon sa harap ko.
"Because I know na mahal mo pa rin siya!" tumayo na rin siya habang nakaharap sa akin. "Tell me, masaya ka ba na makita mo siyang muli? Kaya ba ayaw mo siyang tingnan nung nandoon tayo sa family reunion dahil natatakot ka. Natatakot ka na makita ng mga tao na siya pa rin ang gusto mo kahit kasal na tayo!"
"Oo!" ganting sigaw ko sa kanya. "Mahal ko pa rin siya!"
I saw hurt in his eyes pero saglit lang. Ngumiti siya sa akin ng sarkastiko. "You love him, but he doesn't love you back. And the sad part is, you are married to another man. What a pathetic woman."
Bigla ko siyang sinampal matapos kong marinig ang sinabi niya at halata na ikinabigla niya rin ang ginawa ko. Sobra niya na akong sinasaktan. Hindi ko inaasahan na sa kanya ko pa maririnig ang mga salitang binitiwan niya. "You know what?... Damn you!"
Hindi ko na kaya pang makipag-sagutan sa kanya. Dali-dali akong umalis at binuksan ang pinto. Pasakay na ako ng elevator ng marinig kong tinatawag ni Mikael ang pangalan ko. Sasara na ang pinto ng elevator ng makita ko si Mikael na lumabas ng kwarto ng opisina niya. Mabilis kong pinindot ang closed button para di niya ako maabutan.
"Nicole... wait!" pasigaw na tawag niya sa pangalan ko.
Di ko siya pinansin at hinayaan ko lang na magsara ang pinto. Pagkasara ng pinto ay pagkasabay ng pagtulo ng luha ko. Akala ko maaayos na ang lahat, pero nagkamali ako. Nagkamali na naman ako.
ANONG GUSTO MONG INUMIN? Tanong sa akin ni Abby bago tumayo upang umorder. Pagkaalis ko sa opisina ni Mikael ay tinawagan ko siya na magkita kami sa Starbucks sa Gateway Mall. Sobra akong nasaktan sa huling sinabi ni Mikael. Pinilit kong nilibang ang sarili ko sa pagshoshoping pero di ko rin nagawa. Wala akong nagustuhan sa mga damit na nakikita sa mall. Para akong nanghihina matapos kong makipagdiskusyon sa kanya. Pagod na pagod ang puso at isip ko.
"Hindi ko alam. Ikaw nang bahala." sagot ko sa kanya. Maya-maya ay dumating na rin si Abby dala ang dalawang fraps na inorder niya.
"Choco chips 'yan. Baka kasi di ka makatulog kapag coffee ang inorder ko para sa'yo." wika niya sabay abot sa akin.
"Salamat."
"Ano bang nangyari at namumugto 'yang mga mata mo?"
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "Nag-away kami ni Mikael."
"Bakit?" maikling niyang tanong sa akin.
"Hindi ko rin alam." Napasuklay ako sa buhok ko at tumitig kay Abby. "Sinabi ko lang naman sa kanya na nagkita kami ni Theo at nag-usap. Tapos bigla na lang niya akong sinigawan at sinabihan ng kung ano-ano. Napapagod na ako, Abby."
"Saan ka naman napapagod?" mahina niyang tanong sa akin.
"Napapagod na akong magmahal ng mga taong di naman ako kayang mahalin." naiiyak na sagot ko.
"Nicole." malungkot na banggit niya sa pangalan ko. "Hindi naman porke't nag-away kayo ni Mikael ay di ka na niya mahal."
"Bakit, mahal ba niya ako? Never naman niyang sinabi sa akin na mahal niya ako, eh. Hindi ba, kaya lang naman kami nagpakasal dahil sa negosyo at kagustuhan ng mga parents namin. Hindi naman namin mahal ang isa't isa kaya kami nagpakasal."
"Pero mahal mo siya?" mahina niyang tanong.
"Sapat na ba 'yun? Sapat na ba na mahal ko siya para maging masaya kaming dalawa? Abby, hindi sapat 'yun. Nagagawa lang niya akong saktan. Nasaktan na niya ako noon, nagagawa niya pa rin akong saktan ngayon."
"Why don't you talk to him?" tanong niya sa akin.
"Para saan pa?" ganting tanong ko sa kanya.
"Para itanong kung mahal ka ba niya? Mahirap maniwala sa isang bagay na di mo naman alam kung totoo." sagot niya sa akin sabay higop ng inumin.
"He never said that he loves me Abby." malungkot kong sagot.
"Because you never asked him if he loves you. You just assumed." saad niya.
"Nagawa niya akong saktan, Abby! Ang sakit ng mga salitang binitawan niya sa akin."
"Bakit? Kapag mahal ba natin, di na natin kayang saktan?," hinawakan niya ako sa dalawang kamay bago muling magsalita, "Nicole, hindi porke't nasasaktan natin ang isang tao ay di na natin mahal. Minsan, nagagawa nating silang saktan dahil sobra natin silang mahal."
"Hindi ko alam kung kaya ko pang gawin ang sinasabi mo." malungkot kong sagot.
"Wala nang mawawala sayo kapag tinanong mo siya. Nasaktan ka na, di ka na niya kaya pang saktan ulit dahil nasasaktan ka na ngayon."
Napaisip ako sa sinabi ni Abby. May punto siya. Never kong tinanong si Mikael sa nararamdaman niya para sa akin. Siguro, natakot din ako, natakot na marinig ang isasagot niya. Pero kung paiiralin ko ang takot sa puso ko, walang mangyayari sa aming dalawa. Matatakot lang ako sa isang bagay na di ko naman alam ang sagot.