"Mikael." rinig kong banggit sa pangalan ko sabay tapik sa balikat ko. Umupo siya sa stool na katabi ng inuupuan ko. Di ko siya pinansin, diretso lang ako sa pagtungga ng baso ng alak na nasa kamay mo.
"Tinawagan ako ni Justin." sabay tingin ko sa bartender na nagseserve sa akin ng alak. "Marami ka na raw naiinom."
Napabuntong hininga ako bago magsalita. "I hurt her." saad ko pero di pa rin ako tumitingin kay Alex. Nasa baso ng alak lang ang tingin ko. Gulong-gulo ang isip ko at di ko alam ang gagawin.
Alam ko na alam niya kung sino ang tinutukoy ko. They know me so much para maitago sa kanila ang nararamdaman ko.
"What stupidity have you done para masaktan mo siya?" tanong ni Alex sa akin.
"I said something na dapat di ko sinabi. Mas pinalala ko lang ang sitwasyon naming dalawa imbes na ayusin. Nakipagkita siya kay Theo ng di ko alam."
"Pare, alam mo naman na wala kang dapat ipagaalala sa kung magkita silang dalawa. Alam naman natin kung sino ang mahal ni Theo. And Theo has no feelings toward your wife."
Sarkastiko akong ngumiti bavo sumagot. "Si Theo walang feelings sa kanya, pero ang asawa ko, meron. Alam naman natin kung sino talaga ang mahal ni Nicole di ba? Hindi ako kundi ang pinsan ko!" galit na sabi ko sabay tungga ng alak sa baso. "Isa pa nga!" sigaw ko sa bartender.
Sumenyas na rin si Alak sa bartender para humingi rin ng alak. "Imbes na uminom ka at lunurin ang sarili mo sa alak, bakit di la umuwi at ayusin mo ang gusot niyong mag-asawa."
"Paano?" tanong ko at tumingin sa kanya.
Napasapo si Alex sa noo. "Mag-sorry ka." kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Hindi nakakabawas sa p*********i ang pagsorry. Mas mabuti ng ikaw ang magsorry kaysa mawala pa siya sayo ng tuluyan."
"Do I need to bring her chocolates and flowers?" tanong ko ulit.
Kumunot ang noo niya bago ngumiti. "Dagdagan mo na rin ng life size teddy bear para mas maganda."
"I'm sorry. Di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nasabi ko ang mga bagay na iyon. Di ko sadyang saktan ka." saad ko habang palakad-lakad sa sala. "Okay na ba yun? Baka kulang pa?" tanong ko sa sarili ko.
Tulad ng bilin ni Alex, bumili ako ng life size teddy bear, flowers and chocolates sa loob ng mall. Halos pinagtitinginan na ako ng tao sa pagbitbit ko sa mga pinamili ko. Hirap na hirap ba naman akong buhatin anv teddy bear na nabili ko dahil sa sobrang laki.
"Anong ginagawa mo?" nabigla ako ng may narinig akong nagsalita. Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya di ko napansin na merong pumasok.
Paglingon ko ay si Nicole ang nakita ko. Tumingin siya sa mukha ko bago gumawi ang tingin niya sa teddy bear na nakaupo sa upuan kasama ang flowers and chocolates.
"Nicole." banggit ko sa pangalan niya. Tinaazan niya lang ako ng kilay at di na nagsalita.
Di ako magkaumayaw sa pagkuha ng life size teddy bear, flowers and chocolates para iaabot sa kanya.
"Im sorry." tanging nasambit ko sa harap niya.
Sarkastiko siyang ngumiti sa akin at di siya kumilos para kunin ang mga hawak ko. "Sorry? Sa tingin mo, makukuha kitang patawarin dahil lang sa sorry mo? May pateddy bear, flowers and chocolates ka pa. Sa tingin mo, makukuha mo agad ang kapatawaran ko sa mga iyan?" inis na saad ni Nicole sa akin.
"Nicole, di ko sinasadyang saktan ka. Bigla nalang akong nakaramdam ng galit ng malaman kong nakipagkita ka kay Theo. Nakapagsalita ako ng mga bagay na di ko dapat sabihin. Nasaktan din ako." mahinahon kong paliwanag sa kanya.
Malungkot na tumingin sa akin si Nicole. "Bago ko kunin ang mga iyan, may gusto akong malaman, Mikael. Gusto kong maging tapat ka sa akin. Huwag mong iisipin na masasaktan ako sa maari mong isagot. Mas maganda na masaktan ako sa totoo kaya maging masaya sa hindi naman totoo."
Tumango ako bilang sagot.
Bumuntong hininga si Nicole bago muling magsalita. "Mahal mo ba ako?" diretso nitong tanong na ikinabigla ko.
"Nicole..." mahina kong sambit sa pangalan niya.
"Yung totoo, please, nakikiusap ako." nagsusumamong saad nito sa akin.
Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Mahal kita. Mahal na mahal."
Bigla itong napahikbi nang marinig nito ang sagot ko sa tanong niya. Umiiyak itong tumingin sa akin at dahan-dahan na lumapit sa akin.
Napakabilis ng t***k ng puso ko. Di ko alam kung ano ang gagawin niya ngayong alam na niya na mahal ko siya.
Nagulat ako at napabitaw sa mga hawak ko nv bigla niya akong yinakap.
"Gago ka talaga! Kaylan pa?" tanong niya sa akin habang yakap ako.
"Di ko rin alam. Bigla ko na lang naramdaman na iba na ang tingin ko sayo." sagot ko sabay yakap na rin kay Nicole.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin ng nakangiti. Pinunasan ko anv mga luha na dumadaloy sa mga mata niya. "Mahal din kita, kahit gago ka."
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Sobrang saya na marinig sa taong mahal mo na mahal ka rin niya.
"Totoo?" tanong ko.
Tumango ito bilang sagot. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon."
"Hindi ko malalaman kung di mo sasabihin." saad nito.
"Sobrang saya! Mahal na mahal kita, Nicole." madamdaming saad ko.
"Mahal din kita." sagot nito sa tinuran ko.
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa labi na buong puso naman nitong tinugon. Nang ibuka nito ang bibig ay mas pinalalim ko ang halikan naming dalawa.
Napaanas siya ng sapuin ko ang pang-upo niya.
"Tonight." I said to her huskily when I remove my lips to her. "Will be our honeymoon."