Chapter 7

1931 Words
*Current Time* Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng isang coffee shop kung saan nakatambay ng mga oras na iyon si Nicole. Kasama niya sa loob ang kaibigang niyang si Abby na masarap na humihigop ng mainit na kape. Nasa labas ang tingin niya at pinagmamasdan ang mga tao sa labas ng cofee shop kung saan nagpapatila ang mga ito sa ulan. Wala siyang dalang payong at kotse kaya tinatamad din siyang sumulong sa ulan upang magtawag ng taxi. "Bakit hindi ka na lang makipaghiwalay sa kanya?" narinig niyang tanong ni Abby sa kanya. Tinatamad na lumingon siya rito at bumuntong-hininga bago sumagot. "I can't. Itatakwil ako ng pamilya ko kapag ginawa ko iyon. Baka sa kangkungan mo pa ako mapulot kapag nagkataon." "Eh di, kausapin mo si Mikael. Pakiusapan mo siya na siya na ang gumawa ng hakbang para makipag-hiwalay sayo." "Ginawa ko na rin 'yan pero di siya pumayag. Siya naman daw ang malalagot sa pamilya niya kapag ginawa niyang makipag-hiwalay sa akin. Tatanggalan din daw siya ng mana kapag ginawa niya ang bagay na iyon." Mataman itong tumingin sa kanya na tila nag-iisip. Nagtatakang nagtanong siya dito. "Bakit? Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" "Tapatin mo nga ako Nicole, bestfriend mo naman ako diba? Yung buong katotohanan lamang. May nangyari na ba sa inyong dalawa ni Mikael?" diretso nitong tanong sa kanya na ikinagulat niya. "W-wala!" Bulalas niia. "Walang nangyayari sa aming dalawa. Alam mo naman kung sino talaga ang gusto ko di ba? At saka, hindi ako ang tipo ng babae ni Mikael." "Kung wala? Nakakaya niya?" kunot-noong tanong nito. "Ha?" nagtataka kong sagot dito. "I mean is, nakakaya niya na walang nangyayari sa inyong dalawa sa kama. He is Mikael for all we know. Bago kayo ikasal, which is isang taon ng lumipas, nakaya niya na walang s*x?eh, alam naman natin kung gaano ka active yun sa sexlife niya. " "Aba! Malay ko sa kanya! Ano ba 'yang pinag-sasabi mo Abby. Nakakahiya sa makakarinig." Bigla nitong hinampas ang lamesa na ikinagulat ko. "Imposible! Sa tingin ko Nicole, nagtataksil sa'yo ang asawa mo. Tiyak, may ibang babae 'yun. Malabo pa sa putik na makakatiis 'yun na walang sex." Dinilatan niya ito ng mata bago sumagot. "Pwede ba, Abby! Tumigil ka na. Ang lakas pa ng boses mo. Nakakahiya. At kung may babae man siya, wala akong pakialam." Ngumiti ito bago magsalitang muli. "Alam ko na ang solusyon sa problema mo." Nagtatakang tumingin siya dito. "Ano naman?" "Hulihin mo siya sa akto ng pambababe niya. Ang pagtataksil sa asawa ay isang valid reason para mag file ng divorce. Kapag lumabas sa pamilya mo na nagloloko ang asawa mo, itatakwil ka pa ba nila kung makikipaghiwalay ka? Nag-iisa ka lang na anak, Nicole. At nasisguro kong di papayag and daddy mo na ang unica-hija na ay niloloko." Tumitig siya bago ngumiti. "Ang galing mo talaga Abby!" masayang sabi niya dito. "matalino ka rin pala?" pang-aasar niya dio. "Oo naman. Bobo lang ako sa pag-ibig. Gago kasing Alex 'yun, nandito naman ako, naghanap pa ng iba." "Oh, baka kung saan na naman mauwi iyang pagbabalik tanaw mo. Pero... paano ko pala patutunayan 'yun?" "Bes, ang bobo mo. Alam mo ba 'yun?" nang-aaasar na sabi nito sa akin. "Kainis ka naman eh. Paano nga?" Kumuha ka ng private investigator. Oh di kaya, ikaw. Sundan mo ang asawa mo 24/7. tapos kunan mo ng mga pictures ot videos kapag may nakita kang kahina-hinala or may kasama siyang ibang babae. Mas maganda, kung mahuhuli mo sila na nagsesex." "Grabe! Ang halay talaga ng bibig mo. Pero mas maganda nga, kung ako ang gagawa. Mas gusto ko na ako ang makahuli sa pagtataksil niya." "Good. Kaylan mo sisimulan?" "Bukas. Bukas na bukas din." nakangiti kong sagot bago humigop ng kape at tumingin sa labas. Mukhang di pa titila ang ulan sa lakas nito. Pero may solusyon na ako sa problema ko. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba galing?" bungad na tanong sa akin ni Mikael pagkapasok ko pa lang ng bahay. Prenteng nakaupo ito sa sala habang nanonood ng t.v. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa t.v. nakatutok ang mga mata nito. Nakaputing sando lang at khaki short ang suot nito. "Sa labas." maikli kong sagot. Naiinis na tumingin ang itim nitong mga mata sa akin. "Alam kong sa labas ka galing Nicole, kaya wag pilosopo. Ang tanong ko, saan ka galing sa labas?" "Bakit mo 'ba tinatanong?" "Bakit di ka sumasagot?" balik tanong nito sa akin. "Sa coffee shop. Masaya ka na?" naiinis na sagot ko sa kanya. "Hndi. Tamang oras ba ng uwi ng may asawa ang 7pm? Imbes na dito ka sa bahay para salubungin ako sa trabaho, katulong ang naghihintay. Isumbong kaya kita sa papa mo na di mo inaasikaso ang asawa mo?" "Ang kapal mo rin no! Hoy! Wala sa usapan natin na maging isang mabuting maybahay ako sayo. Sa iisang bahay lang tayo nakatira pero di tayo mag-asawa sa loob ng bahay na 'to. You signed a contract, remember?" "Kontrata na ikaw rin naman ang sisira." kontrang saad nito. "Umakyat ka na sa kwarto at magbihis. Pupunta tayo sa ina mama at papa." "Bakit?" nagtatakang taong ko. "Wedding anniversary nina mama at papa ngayon. Nakalimutan mo?" "Oh my God! Nakalimutan ko! Bakit ngayon mo lang sinabi?' naiinis akong lumapit sa harap niya. "Hindi tuloy ako nakabili ng regalo para sa kanila." "Hindi na iyon kaylangan pa. Ang mahalaga ay nandun tayo." "Nakakainis ka talaga!" gigil kong sabi sa kanya sabay hampas sa balikat niya. Mabilis akong umalis sa harap niya at umakyat sa kwarto upang magbihis. Pagkatapos kung magbihis at mag-ayos ay lumabas ako ng kwarto ko. Hindi kami sa iisang kwarto ni Mikael. Kasama sa napagkasunduan naming dalawa ang magkaroon ng sariling kwarto bago kami ikasal. Isa iyon sa mga kondisyon na pinirmahan namin sa isa't isa. Nakasuot ako ng kulay beige na sleeveless dress na di aabot sa tuhod ang haba habang si Mikael naman ay nakaputing t-shirt lang na printed sa harap at pants. Di man lang nag-ayos ang lalaki para sa wedding anniversary ng parents niya. Wala naman daw kasing ibang bisita ang mga magulang nito kundi mga kamag-anak lang. "You look so beautiful hija." nakangiting bungad sa amin ng mama ni Mikael na makapasok kami sa mansyon na tinitirhang ng mga ito. "Habang lumilipas ang taon ay lalo kang gumaganda." "Kayo rin po, mama. Parang di kayo tumatanda. Maganda pa rin po kayo." nakangiti kong saad sa kanya. "Tama na iyang bulahan niyo sa isa't isa 'Ma. Nasaan si papa?" singit na saad ni MikaeL. "Ano ka ba naman anak. Totoo naman ang sinabi ko. Di ba at lalong gumaganda ang asawa mo bawat taon?" tanong nito sa anak na si Mikael. Tumingin sa akin si Mikael bago sumagot. "Oo naman mama, pipili ba naman ako ng asawang pangit." nakangiting sagot nito sabay pisil sa pisngi ko. Sarkastikong ngiti ang ibinigay ko rito sa sagot niya. "Tingnan mo 'Ma, yung ngii ng asawa ko pigil. Halata namang kinikilig." nakangiting dagdag pa nito. "Ang cute niyo talagang dalawa tingnan. Masaya ako at kayong dalawa ang nagkatuluyan. Bagay na bagay talaga kayong dalawa sa isa't isa." nakangiting saad ng mama nito. "Nasaan na si papa 'Ma?" balik na tanong ni Mikael. "Nandoon sa munting opisina at kausap ang tito Alfredo mo. Politika at negosyo na naman ang usapan ng mga iyon." sagot nito sa tanong ni Mikael. Ang munting opisina na sinabi nito ay nandoon rin naman sa loob ng mansyon sa ikalawang palapag. Tumingin sa akin si Mikael. "Dito ka muna, samahan mo muna si mama. Pupuntahan ko lang si papa sa opisina niya." Tumango ako bilang pag sang ayon. Mabilis na humalik sa labi ko si Mikael bago umalis. Nasanay na ako sa paghalik niya sa labi ko kapag kaharap namin ang mga pamilya ng bawat isa. Humalik naman si Mikael sa pisngi ng mama niya. "Maiwan ko na muna kayo 'Ma. Babalik din po ako. Kakausapin ko lang po si papa." paalam nito. "Bumalik ka agad at baka mainip ang asawa mo." Tumango rin ito bilang pag sang ayon bago naglakad paalis papuntang opisina ng papa nito. Ilanng minuto na ang lumilipas at halos nagsipag datingan na rin mga kamag-anak nina Mikael. Halos kilala ko na rin ang mga ito dahil bata pa lang ako ay mag-kakakilala na ang pamilya namin ni Mikael. Halos masayang nagkwekwentuhan ang lahat sa hardin kong saan ginanap ang handaan para sa anniversary ng mga magulang ni Mikael. "Theo, buti at nakarating ka." narinig kong sabi ng mama ni Mikael at nagpaalam sa amin saglit upang batiin ang paparating na si Theo. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang pangalan na binanggit nito. Hindi ko magawang tumingin sa likod kung saan paparating ang bisitang tinutukoy nito. Biglang nagsitahimik ang lahat. Tumingin sa akin si Lila, isa sa mga pinsan ni Mikael. Alam kong alam halos lahat ng pamliya ni Mikael kung ano ang naging papel ni Theo sa buhay ko. Ngumiti na lamang ako kay Lila at nagkunwaring hindi ako apektado sa pagdating ni Theo. Sa nakalipas kasi na isang taong pagsasama namin ni Mikael ay ngayon lamang ulit sumipot si Theo sa mga okasyong ganito kung saan ang halos lahat ng kamag-anak nila ay imbitado. Halos apat na taon ko ring di nakita si Theo. Mula ng umurong siya sa kasal naming dalawa at makipagtanan sa iba ay di ko na siya nakita pa. Nang mamatay ang babaeng mahal nito ay bumalik ito sa pamilya nito at tinanggap naman ito ng buo. Kinalaban nito sa pagkaalkade ang papa ng babeng pinakamamahal nito at si Theo ang nanalo. Sa kasalukuyan ay Mayor ito ng kanilang lugar at naging abala sa trabaho bilang mayor. Taglay pa rin nito ang kagwapuhan at kakisigan na hinahanggaan nang halos lahat ng kababaihan sa kanilang lugar ngunit bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. Kalungkutan na kahit ako ay di kayang tanggalin sa kanyang mga mata. "Kamusta ka na Nicole?" tanong ng isang pamilyar sa akin na boses. Si Theo. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. Katabi nito ang mama ni Mikael na alanganing nakangiti sa akin. Alam kong hinihintay ng lahat ang isasagot ko lalo;t alam nila ang ginawa nitong pag-urong sa kasal namin noon bago pa ako ikasal kay Mikael. Ngumiti ako dito bago sumagot. "Okay naman ako. Ikaw?" ganting tanong ko dito. Hindi ko ipinahalata na apektado pa rin ako sa presensya hanggang ngayon. "I'm also okay. Masaya akong makita kang muli Nicole." nakangiting sagot nito Halata ang sinseridad sa boses at mukha nito. 'kung hindi lamang ito nagkagusto sa iba ay baka si Theo pa ang... "Theo!" banggit ni Mikael sa pangalan nito. Mabilis naglakad ito palapit sa amin ni Theo. Halata sa mukha ni Mikael ang kasiyahan na makita muli ito na pumunta sa ganitong okasyon. Magpinsan ang dalawa at matalik na magkaibigan. Hindi naging hadlang ang nangyari sa amin noon ni Theo upang di magpansinan ang dalawa. Alam ko rin na madalas rin naman magkita ang dalawa lalo na at parehong miyembro ng isang club ang dalawa. Kasunod ni Mikael ang papa nito at si Tito Alfredo, ang papa ni Theo. "Mabuti naman at nakarating ka." saad ni Tito Alfredo sa anak. "Wala na rin naman akong mahalagang ginagawa sa cityhall at alam kong mahalaga kay Tita ang okasyong ito." nakangiting tumingin ito sa mama ni Mikael. "Masaya ako at nakarating ka iho." ganting saad ng mama ni Mikael. Ang pagkakaalam ko ay paboritong pamangkin nito si Theo. "Dito ka na umupo sa tabi ko Mikael." saad ni Lila sabaay turo sa kaliwang upuan na katabi ng kinauupuan nito. Umupo naman si Mikael sa kanang upuan na kinauupuan ko ngayon. Magkaharap kami ni Lila habang magkaharap naman si Theo at Mikael. Mukhang magiging mahaba ang gabing ito para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD