Chapter 8

2005 Words
"Good morning. Saan ka pupunta?" bungad na tanong ko kay Mikael pagkapasok ko ng dining area upang mag-agahan. Nakabihis siya ng pang business attire at kasaluukuyang humihigop ng kape. Nagtatakang tumingin siya sa akin. Magulo pa ang kulot kong buhok ng mga oras na iyon dahil di pa ako nagsusuklay. Nang makita ko kasing ala-syete na ng umaga ay mabilis akong bumangon upang maabutan si Mikael. Nakapantulog pa ako at di pa nakapaghilamos. "Sa trabaho. Bakit?" maikling sagot at tanong niya sa akin. Umupo ako kaharap ng upuan niya. "Manay, isang kape nga po." bilin ko sa katulong na naglapag ng isang plato sa harap ko. Nakahanda na ang pang-agahan sa lamesa bago ako umupo. "Anong oras ka pala uuwi?" tanong ko ulit sa kanya. Alam kong nagtataka siya sa inaasal ko dahil di ko naman gawain ang gumising ng maaga at magtanong kung saan siya pupunta at anong oras siya uuwi. "5pm ang out ko sa office." kunot-noo siyang tumingin sa akin. "Di ko alam kung matutuwa ako sa pagtatanong mo ngayon o dapat akong kabahan." "Masama bang itanong sa asawa ko kung saan siya pupunta at anong oras siya uuwi?" may diin ang pagkakabanggit ko nang salitang asawa. Ngayong araw ko kasi balak simulan ang plano ko sa kanya. "Walang masama sa pagtatanong mo ngayon kung normal tayong mag-asawa kaso hindi tayo ganoon. Bakit di mo na rin sagarin ang pagiging housewife mo at bigyan mo naman ako ng goodmorning kiss kahit halata sa ayos mo ngayon na di ka pa nagtotothbrush." sagot niya bago humigop ulit ng kape. "Kapal nito. Hoy! Kahit di ako magtoothbrush mabango pa rin ang hininga ko. Bugahan pa kita diyan." naiinis ako. Alam ko naman na mukha akong mangkukulam dahil sa buhok at di pa ako naghihilamos pero di naman niya kailangang ipagduldulan pa iyon sa akin. "Paano, aalis na ako at may meeting pa akong dadaluhan." pag-iiba nito ng usapan sabay tayo. "Okay. Ingat." naiinis kong paalam sa kanya. Di na ako nag-abala pang tumayo upang ihatid siya sa pinto. Tumingin muna siya sa akin ng matagal bago umalis upang pumasok sa trabaho. Pagkaalis ni Mikael ay agad kong tinawagan si Abby sa cellphone. Dalawang ring bago siya sumagot. "Hello." tinatamad na sagot niya sa phone. "Magbihis ka. Samahan mo ako ngayon." utos ko sa kanya. "Bakit ba? Saan mo naman ako balak dalhin?" naiinis na tanong niya sa akin. "Ngayon ko blaak simulan ang plano ko." sagot ko. "Eh bakit kasama pa ako?" "Dahil ikaw ag nakaisip ng planong ito at kaibigan kita. Kaya dapat samahan mo ako." "Badtrip ka naman Nicole eh. Ang aga-aga. Tinatamad ako." "Huwag ka ng tamarin. Ililibre kita ng isang kape sa starbucks." suhol niya dito. Tuaad niya kasi, ay isang coffee addict si Abby at mahliig sa kape ng starbucks. "Anong tingin mo sa akin, madadala ng isang kape. Isang buwan na supply ng kape sa starbucks, baka pumayag pa ako na samahan ka ngayon." "Grabe ka! Ang mahal nun. Parang di tayo magkaibigan ha. Half-half na lang. Kalahating buwan na supply ng kape sa starbucks. Deal?" . "Okay. Deal." "Bakit ba tayo nandito sa labas ng biulding ng opisina ni Mikael?" nagtatakang tanong ni Abby sa akin. "At saka, mukha kang baliw dyan sa ayos mo. Magsukay ka nga. Sumasabog yang kulot mong buhok. Nakashades ka pa." "Di ko kasi mahanap yung tali ko sa buhok kanina bago umalis. At saka, di ko naman kaylangan magpaganda eh si Mikael lang naman ang pinunta ko dito." sagot ni Nicole dito. "Ay sus! Parang di ko naman alam na kay Mikael ka unang nagkagusto bago kay Theo." pang-aasar nito sakanya. "Pwede ba, nakaraan na iyon. Huwag mo ng pilit pang ibalik. Past is past. Nakamove-on na ako. Si Theo na ang gusto ko." "Bakit kasi di mo na lang ibalik lang nararamdaman mo dati kay Mikael nang matapos na itong paghihirap mo." Tiningnan ko siya ng masama. :Ikaw kayang magmahal ng lalaking kada linggo iba ang babaeng kasama or dinedate. Kakayanin mo ba?" Tiningnan niya rin ako ng masama. "Ikaw kayang magmahal ng lalaking may mahal ng iba kaya halos mabaliw ka na, kakayanin mo ba?" "Nakaya ko di ba?" "Alin, yung kay Theo? Sus! Di mo naman talaga siya gusto mo. Ideal man mo siya, pero di mo siya gusto. Sige, sabihin na natin na gusto mo siya, pero di mo siya mahal. Kasi kung mahal siya at wala kang nararamdaman para kay Mikael ay di ka mapipilit na magpakasal kahit itakwil at tanggalan ka pa ng mana. Tsaka, para namang matitiis ka ng mga magulang mo, eh, nag-iisa ka lang nilang anak." Napaisip ako sa sinabi ni Abby. Totoo naman kasi na kay Mikael ako unang nagkagusto. Pero nang makita ko at laging iba-ibang babae ang dinedate niya at malayo ang itsura sa isang tulad ko na flat 5' lang ang taas at may katabaan, at laging sinasabihang babay face kung ikukumpara sa edad kong 22, malayong malayo talaga ang itsura ko sa malamodel nitong type. Kaya, tinanim ko sa puso at isip ko na malabo na ang isang katulad niya ay magkagusto sa tulad ko. Lalo na at sa tuwing makikita niya ako noon, ay pang-aasar lagi sa buhok ko ang ginagawa niya. Itinuon ko ang damdamin ko kay Theo na laging handa upang tulungan ako. Sa tuwing inaasar ako ni Mikael ay si Theo ang nagtatanggol sa akin. Lagi siyang handang tumulong. Si Theo ang tipo ng lalaking mamahalin mo dahil para siyang prinsepe. "Ayan na si Mikael, pasakay na siya ng kotse niya." sabi ni Abby habang hinihila ang braso ko. "Paandarin mo na itong sasakyan. Bilis. Sundan mo siya." utos ko kay Abby. Hindi kasi ako marunong magpaandar ng sasakyan kay kailangan ko talaga si Abby upang siya ang magmaneho habang sinusundan ko si Mikael. "Kainis naman! Kaya mo lang ako isinama para maging driver mo eh." saad niya bago paandarin ang sasakyan upang sundan ang sasakyan ni Mikael. "Sige na, kilos na Abby. Kalahating buwan na supply ng kape naman kapalit nito eh." "Eto na nga po. Umaandar na diba?." "Saan kaya pupunta yung mokong na yun, bakit south yung way niya eh sa north kami nakatira. Sabi ko na nga ba!" sabay hampas ng sasakyan. "May ibang pupuntahan ang Mikael na 'yun. Humanda talaga siya sa akin kapag nahuli ko siyan niloloko niya ako." Sa isang kilalang restaurant tumigil ang sasakyan ni Mikael at pumasok ito sa loob. Dali-dali ring bumaba ng sasakyan si Nicole at Abby upang sundan ito sa loob ng restaurant. Binati sila ng waiter na nakaabang sa pinto. "Good afternoon, Maam." "Table for two please." saad ni Nicole sa waiter. "Pwede yung medyo malapit dun sa table nung lalaking kapapasok lang." Ngumiti ang waiter bago sumagot. "This way po." sinundan namin ang waiter kung saang table kami pauupuin. Tumingin-tingin ako sa paligid upang hanapin si Mikael. Mabilis ko naman siyang nakita. Magaanda ang table na pinagdalhan samin nung waiter dahil tanaw na tanaw ko ang table ni Mikael. Nasa gawing kanan nito ang kinauupuan namin at dalawang lamesa ang nasa pagitan. Pareho na kaming umupo ni Abby. Binuksan ko ang menu habang panay sulyap ako sa gawi ni Mikael. "Mukhang nagutom lang ang asawa mo, Nicole kaya dito huminto." sabi ni Abby habang tumitingin sa menu. "sagot mo ba ang food?" tanong nito sa akin. "Oo." maiksi kong sagot habang hindi inaalis ang tingin kay Mikael. "Kakain lang, dito pa talaga sa mamahaling restaurant. May pagkain naman sa bahay." "Baka gusto niya ng ibang putahe." nakangising sagot ni Abby. "Speaking of ibang putahe..." May isang maganadang babae ang lumapit sa table ni Mikael. Tumayo ito at humalik sa pisngi ng babae at pinaupo sa kaharap nitong upuan. s**t! Mukhang nagdedate ang dalawa. Akmang tatayo ako at lalapitan ang dalawa ng pigilan ako sa braso ni Abby. Saan ka pupunta?" naguguluhang tanong nito sa akin. "Eh di sa table nang dalawang 'yun." naiinis na sagot ko sabay hila sa braso ko na hawak niya. Pero di ako binitawan ni Abby. "Nababaliw ka na ba? Mageeskandalo ka dito eh hindi pa naman tayo sigurado kong kabit 'yan ng asawa mo. Maghunusdili ka nga! Kaya nga natin siya sinundan para kumuha ng ibidensya diba?" "Okay." kalma ko sa sarili ko at bumalik sa pagkakaupo. Anong dapat kong gawin ngayon? Panoorin si Mikael habang nagloloko siya?" "Exactly. Yun naman talaga ang kaailangan mong gawin. Now, ilabas mo ang phone mo at kunan mo sila ng pictures." Inilabas ko ang cellphone ko at pasimple ko silang kinukunan ng pictures. Dumating na ang waiter upang ilipag ang mga inorder namin ni Abby kaya pinatay ko na rin ang phone ko at nilagay sa bag. Nang tingnan ko ang gawi ni Mikael ay kumakain na rin sila ng babaeng kasama niya. "Di mo ba kilala yung babaeng kasama niya?" tanong sa akin ni Abby. "Hindi. Pero pamilyar sa akin yung mukha." sagot ko. "She looks like a model. Baka napanood mo naa siya sa isang commercial sa t.v.." "Model man siya o hindi, patay talaga sa akin yang babae na 'yan kapag napatunayan kong kabit siya ng asawa ko." "Anong gagawin mo? Papatayin mo?" sabay tawa niya. Naiinis akong tumingin sa kanya. "Ni ipis nga di mo mapatay, tao pa kaya." "Pareho lang naman ang ipis at ang babaeng 'yan, pareho silang peste. Sarap apak-apakan." nangigigil kong saad. Habang pinapanood ko ang dalawa sa gilid ay unti-unti na rin akong kumakain. Si Abby ay maganang kumakain. Nang nakita kong tatayo na ang dalawa ay pinigil ko ang kamay ni Abby na ipangsusubo niya. "Bakit ba?" sabay alis sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Tumigil ka na diyan. Aalis na sila. Sundan natin." "Kainis ka naman eh. Di pa nga ako tapos kumain eh." "Akala ko na diet ka? Anong nangyari at halos simutin mo yung laman ng plato?" "Walang diet sa babaeng brokenhearted." Palabas n sa pinto ng restaurant si Mikael at ang babaeng kasama niya. Mabilis kong sinundan ang dalawa sa labas. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ng makita kong paandar na ang sasakyan ni Mikael na lulan ng dalawa. Mabilis namang nakasunod sa akin si Abby. "Kainis ka. Ako pa talaga pinagbayad mo." saad niya habang pinapaandar ang kotse. "Ikaw naman yung maraming nakain eh." sagot ko na di tumitingin sa kanya. Doon lang nakatutok ang mga mata ko sa sasakyan ni Mikael.. "Anong gagawin mo kapag sa hotel pupunta ang mga 'yan?" biglang tanong sa akin ni Abby. Matagal bago ako sumagot. "Ang totoo, di ko rin alam. Dapat ko ba silang sugurin?" tanong ko sa kanya. Nag-isip si Abby bago sumagot. "Sugurin mo in a good way. Yung di ka lalabas na palengkera." Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Paano 'yun?" "Di ko rin alam. Hahaha.. Kausapin mo si girl, ask her kung may relasyon ba sila ni Mikael." "Paano kung tumanggi?" "Eh di, ilabas mo yung mga ibendensyang makukuha natin." "Paano kung umamin?" Ngumisi si Abby bago sumagot. "Sampalin mo ng kaliwa't kanan. Sabay suntok sa mukha." "Gagong Mikael 'yun. Pwede naman niya akong hiwalayan. Di na niya kaylangang magloko pa. Di ko naman siya pipigilan kung ayaw na niya eh. Di niya na ako kaylangan pang lokohin." niiayak na ako sa sama ng loob at inis na nararamdaman ko ng mga oras na 'yun. Tuluyan na akong napaiyak ng makita na huminto ang sinasakyan nito sa tapat ng kilalang hotel sa manila. "Huwag ka nang tumuloy." pigil ko sa akmang pagsunod ni Abby sa sasakyan ni Mikael. Tahimik lang na tumingin sa akin si Abby. "Di ko kaya, umalis na lang tayo." Mabilis namang sinunod ni Abby ang utos ko. "Okay ka lang? Gusto mo bang iuwi na kita sa bahay niyo?" maya-mayang tanong sa akin ni Abby. "Okay lang ako." pilit kong pinipigil ang pag-iyak ko. "Iuwi mo na lang ako sa bahay namin ni Mikael." "Are you sure?" "Oo. Kaya ko 'to." Tuluyan na akong napahagulgol sa pag-iyak. Mahirap pala sabihin na okay ka lang kahit ang totoo ay dinudurog na ang puso mo. Hininto ni Abby ang sasakyan sa tabi bago ako niyakap. "Huwag ka ng umiyak, di pa naman tayo sigurado eh. Malay mo, business associate niya yung babaeng 'yun ay may meeting sila sa hotel." "Business associate? Eh nakita mo nga kung gaano kaseksi yung suot nung babae. Kunting liyad na nga lang nun, kita na pati panty." "Anong balak mo?" "Di ko rin alam. Bahala na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD