"Hindi ka ba sasama?" tanong ni Froilan nang makabalik na kami sa bahay. Nandito na kami sa kuwarto, tapos na akong maligo saka magbihis ng pangtulog. "Hindi na... Para saan pa? Aalis na rin ako bukas. Kayo na lang ang pupunta roon sa lugar kung saan niyo kikitain si Grethel." Hindi siya makapagsalita agad sa tabi ko. Nakatalikod ako sa kanya habang nakahiga. Sobrang bilis nang paghinga ko habang dinaramdam pa rin sa kalooban ang pagbabalik ni Grethel bukas. "Where are you staying? Babalik ka ba sa hotel mo? Are you gonna remain in there?" "Yeah... I need to work in my Hotel. Babalik ako roon," pagsisinungaling ko pa dahil sa totoo lang hindi na talaga ako babalik sa Hotel na 'yun lalo na't alam niyang doon rin ako pupunta. Sa ngayon hindi ko alam kung saan ko itatago ang anak ko.

