Kung alam ko lang na ito ang mangyayari sa akin sa pagpapakasal ko kay Froilan hindi na sana ako pumayag na magpakasal sa kanya ngunit sino ba ako para tumanggi kung sa panahon na 'yun bina-blackmail at tinatakot ako ni Froilan na patayin. Pero sa paglipas ng mga buwan. Napagtanto ko na hindi pala ito gaanong ka delikado pagdating sa akin. He treated me well, pinalasap niya sa akin kung ano'ng pakiramdam na pinahalagahan ka. Inaaala ka, inaalagaan, binigay lahat ng gusto ko, tinuruan ng mga bagay para maging matapang ako sa hamon ng buhay. Siya lang ang makapagbigay ng lahat ng 'yun. And only Froilan Monarez can make me feel so happy when we're still together. Kahit sa simpleng hawak niya sa akin. His gesture melts my heart. Kaya siguro ang hirap niyang kalimutan. Kaya siguro, nahihirap

