RENA SALAZAR'S POV "Hindi pa ba gising ang babaeng 'yan?" "Hindi pa gumising, Master Sullivan. Halos limang oras na itong tulog." "What did you do to her?" "Tinurokan ng pampatulog ni Clifford." Ramdam ko ang pananakit ng ulo at rinig ko ang dalawang taong nag-uusap sa harapan ko. Kalaunan bigla akong tinapik sa pisnge. "Gising na siya Master Sullivan!" hiyaw noong lalaking tumapik sa akin. Minulat ko ang mga mata. Palinga-linga ako sa paligid. The dim red light ang sumalubong sa paningin ko. I'm in the red room with nobody. Hindi ko alam kung saang lugar ito. Inikot ko ang paningin sa paligid. Halos maubusan ako ng dugo nang namataan ko ang mga armadong lalaki sa harapan ko. Kagaya noong mga bodyguards ni Froilan naka-itim rin silang lahat at may dalang mga baril. Tila nagis

