Nakatulog ako sa byahe sa pagkat sobrang layo talaga ng pinuntahan namin. Pagod na rin ang isipan ko sa daming nangyari sa araw na ito kaya lupaypay ang katawan ko. Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. All I know is I was so tired. Hinayaan naman ako ni Froilan na matulog sa kotse. Nagising na lang ako nang niyogyug nito ng marahan ang aking braso. "Wake up. We're here," he whispered. Minulat ko ang mga mata. Hinagod ko ang talukap para mawala ang panlalabo ng paningin. "Froilan? Where are we?" Nakita kong lumabas na ito ng kotse, hindi na sinagot ang katanongan ko. Sumunod na rin ako sa kanya at agad akong nalula sa mala-palasyong bahay na nasa harapan ko. I roamed my eyes all over the place. It was so dark, but I can see how beautiful the outdoors, the wishing well i

