"Crawl wife. Let's go to the back door. That's our only way to get the hell out of here!" Kinuha niya ang bag na nilagyan ko ng mga importanteng gamit. Nilagay niya sa kanyang likuran habang sumusunod sa akin. Ginapang ko ang sahig. Nagtatago sa kitchen counter para hindi kami matamaan ng baril. Sunod-sunod pa rin ang pagputok ng bala galing sa labas. Froilan guided me on what to do. Maabot na namin ang back door ng rest house. Sakto namang may granada na tinapon sa mismong harapan ko. Namutla ang mukha ko, tila nabato ako sa pagkakadapa. Hindi ako makagalaw sa takot. Naramdaman ko na lang na kinuha ni Froilan ang granada saka tinapon pabalik sa labas. Sumabog 'yun at agaran naman akong hinila ni Froilan patakbo sa pintuan sa likod. Panay takbo kami hanggang sa makarating kami sa kagub

