RENALYN SALAZAR'S POV I decided to go back in my room. Hindi ko na hinintay na matapos sa pag-uusap ang mag-lolo sa meeting room. Mukhang hindi rin ako handa na harapin si Lolo Rufino lalo na't alam kong galit siya kay Froilan dahil muntik na kaming mapahamak sa Isla. Pagkabalik ni Froilan sa kuwarto, pinaalam niya sa akin na umalis na raw ang Lolo niya at pinagsabihan siya na sana raw hindi na maulit na mapapahamak ako. Nagulat rin ako nang sinabi niya sa kanyang Lolo na hindi ako buntis at nagsisinungaling lang kami. Pero mukhang may bumabagabag pa sa kanya dahil lumalalim ang kanyang pag-iiisip na tila ba may malaki itong problema. "Mas okay nang sinabi ko kay lolo ang totoo. I don't want to lie anymore between us," seryoso niyang sabi na ka agad ko lang tinanguan. "Paano 'yung ka

