FROILAN MONAREZ POV "Where's my wife?" tanong ko nang magising sa isang puting kuwarto. I'm in the hospital. Tinanggal ko ang nakalagay na dextrose sa aking pulso. Nawawala na ang pamumula ng aking balat. Mukhang wala na naman akong allergy nang tinurukan ako ng doctor ng gamot dahilan para makatulog ako. "I said where is my wife? Why she's not in here?" ulit kong tanong nang wala silang balak magsalita. Huminga ako nang malalim sabay tingin sa dalawang tauhan. Iritado ko silang pinagmasdan. "Lumabas muna siya boss. May binili." Umusbong ang galit ko nang balingan ko sila isa-isa. "Bakit kayo nandito? Why did you leave her alone? It's very dangerous!" "Sabi niya kasi boss babalik rin siya agad. Bibili lang daw siya ng makakain. Hindi na raw niya kailangan ng kasama." "Both of yo

