"In order to save my grandpa. We need to rescue him. Isa lang ang alam kong kakampi ni Grethel. Ang Yakuza clan." Tinuldokan ni Froilan ang pangalan ng grupo ni Mr.Hiroshima sa white board. Nandito kami ngayon sa hide out. Ka uuwi lang namin ni Froilan galing probinsiya, itong pakikipaglaban sa mga Yakuza ang hinarap namin. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Froilan. Kalahati sa mga tauhan nito ang nandito at kasama namin sa rescue Operation mamaya. Isa-isang ng pinaliwanag ni Froilan ang mga dapat naming gawin at kung saan kami patungo. At kung saan kami pupwesto. Susugurin namin sa hating gabi ang Organization ng Yakuza Clan. Hindi raw ito magiging madali lalo na't malakas ang kalabanin namin. Isa raw ang Yakuza clan ang nangunguna sa Organization pagdating sa mga Yakuza

