Chapter 1

3007 Words
Lumipas ang isang taon ay simple lang ang pahuhumay namin ni Scarlett. Gaya ng ibang magkapatid ay ganun ang ginagawa namin ni Scarlett. Minsan gumagala kami sa ibang lugar at dinadala niya ako sa iba't ibang beaches sa buong pilipinas. Halos lahat ng lugar siguro sa pilipinas ay na libot na namin. Masaya masyado ang 17th birthday ko kasi doon kami sa Boracay nag celebrate. Medyo engrande ang celebration na 'yon kasi na imbitahan lahat ng mga friends niya. Nahihiya nga ako kasi halos ng mga kaibigan niya ay mayayaman at naka alahas lahat. Parang taga ibang bansa ang mga taong yon at ako naman ay normal lang na tao. Pero hindi ko iyon ininda kasi sa lahat ng pagsasama namin ni Scarlett ay masaya masyado. Nararamdaman ko talaga sa kanya na kapatid ko siya at swerte ako na nakilala ko siya. Nasa condo ako ngayon at gumagawa ng assignment. Nag paalam kanina si Scarlett na umalis kasi may ime-meet daw siyang investor ngayon. Sa pagkakaalam ko lang ay ang business niya ay isang construction site atsaka siya daw ang CEO dito kaya medyo busy siya. Habang gumagawa ako ng assignment ay hindi ko maiwasang maalaala yung pamilyar na lalaki na dumalaw dito noon. Simula nong pumunta siya dito ay hindi na siya dumalaw ulit. Hindi din ako nakapag tanong kay Scarlett kung sino 'yon kasi mukhang magiging chismosa ako kapag mag tanong pa ako. Atsaka wala din naman akong karapatan para mag tanong kasi hindi niya naman ako ka ano-ano pero na ku-kuryoso talaga ako sa lalaking 'yon. Kahit na hindi kami magkakilala ay may nararamdaman akong hindi ko alam sa gitna ng katawan ko. Umiling-iling nalang ako binalewala ang pakiramdam na iyon. Nag focus ako sa pag sagot ng mga katanungan sa assignment ko. Dapat matapos ko ito ngayon kasi bukas ito ipapasa. Nang mag hapon na ay nag luto na ako ng hapunan atsaka hinintay sa dining area si Scarlett. Hindi pa siya dumating kaya hihintayin ko nalang siya. Lumipas ang ilang minuto at dumating na nga si Scarlett. May dala siyang isang box at kahit ano pa na hindi ko alam. Agad ko siyang tinulungan sa mga dala niya at nilapag iyon sa lamesa ng living room. Mukha siyang pagod pero ngumiti pa din siya. "Nakapag luto na ako ng hapunan at hinintay kita." sabi ko. She smiled. "Thanks Sunny and anyway, may regalo ako sa'yo." biglang sabi niya sabay kuha ang isang bag. Binigay niya sa akin iyon kaya tinitigan ko muna ito ng sandali. "Open it. That's my gift for you." nakangiting sabi niya. Tumango ako at binuksan iyon. Nagulat ako sa laman non kasi isa iyong Chanel Bag. Tinitigan ko si Scarlett pero nakangiti lang siya habang hinahaplos ang buhok ko. Kinuha ko ang bag na iyon at tinitigan ng maayos. "S-Salamat dito." sabi ko sabay yakap sa kanya. She hugged me back. "You're welcome. Alam mo namang para na kitang kapatid diba?" sabi niya sabay tawa. Natawa din ako sa kanya habang tinitigan ang bag. Hanggang sa nakaramdam kami ng gutom kaya tumungo na kami sa kusina para kumain. Nakahanda na lahat doon kaya nag simula na kaming kumain. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nag salita ulit si Scarlett. "By the way, Sunny. Malapit na ang 18th birthday mo, next month. Nakapag plano ako na kung pwede maging engrande ang celebration kasi this time you're finally legal!" sabi niya. Uminom ako ng tubig bago mag salita. Oo nga malapit na ang birthday ko at ngayon ay magiging legal na ang edad ko. Hindi ko alam kung ano ang mga plano ko kaya sasang-ayon nalang ako kay Scarlett. "Pwede din," sagot ko. She nodded. "Sige, gusto mo ba sa Red Sox Hotel I he-held ang party? then ang after party ay dito sa condo tapos mag iimbita ako ng ibang guy friends ko para sa eighteen roses mo." panimula niya. Tumango ako. "Okay lang. Wala din naman akong mga kaibigan na lalaki sa school kaya ikaw nalang ang bahala." sabi ko. She smiled. "Great! tatawagan ko muna ang designer ko para pagawan ka ng gown. Ano ba ang gusto mong kulay? Pink? Red? Violet?" agad niyang tanong. "Pwedeng pink nalang," sabi ko. "Sige, bukas ng hapon ay pupunta 'yon dito para sa plano natin. Mag-papa assist nalang din ako kay Ray para tawagan ang hotel." sabi niya. Hindi na ako nakapag salita kasi mukhang okay naman yung plano niya. Kaso nahihiya na ako minsan sa kanya kasi lahat nalang ginagawa niya kaya gusto ko din siyang suklian pero hindi ko alam kaya bibili nalang ako ng regalo sa kanya. Kinabukasan ay gaya ng sabi ni Scarlett ay pinapunta niya ang designer na sinasabi niya. Madami ang tanong nong designer at buti nalang si Scarlett ang sumasagot. Nag tanong din siya tungkol sa gown at si Scarlett na ang bahala sa lahat. Busy kami sa pag uusap kanina at pinapili niya din ako ng mga food para sa kakainin ng mga bisita sa hotel atsaka sa after party na magaganap sa condo. Busy masyado sa pakikipag usap ni Scarlett sa cater at mukhang nag dobdoble siya sa oras niya. Masyadong mahaba ang usapan na naganap kaya gabi nang naka-uwi ang pinapunta niyang designer. Ibibigay daw sa akin next week ang design na gown para ipakita sa akin kung maganda ba o hindi kaya sumang-ayon na din ako. Maaga din akong nagising para umalis ng bahay. May group work kami ngayon at nag paalam na din ako kay Scarlett na umalis para pumunta sa pupuntahan ko. Sabado ngayon kaya wala siyang trabaho at pag alis ko kanina ay may kausap pa siya sa telepono kaya hindi ko na siya nakausap. May balak din akong bumili ng regalo para sa kanya kaya nang natapos ang group work namin ay dumiretso ako sa Mall para bumili ng ballpen. Wala akong alam sa mga regalo-regalo at hindi ko alam kung ano ang gusto niya kaya ito nalang ang na isipan kong bilhin. Binili ko iyon at pina balot na. Hindi niya naman birthday ngayon pero ibibigay ko ito sa kanya. Sumakay na ako sa jeep pauwi at nakarating ako na hindi pa gumagabi. Pumasok na ako sa condo at nakita kong makalat sa loob. May mga ibang tao din doon na parang kakilala ni Scarlett. Nang nakita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. "Siya, siya ang mag bi-birthday kaya mukhang bagay naman sa kanya 'yon right?" agad na sabi ni Scarlett. Tumango ang bading na kasama niya at ngumiti sa akin. "Ang ganda niya ma'am pero kailangan niya lang ng light make-up para mas lalong gumanda siya." sabi ng bading. Scarlett smiled at him at sa akin din. Nag usap-usap din sila tungkol sa birthday na magaganap kasi malapit na daw. Nakikinig lang ako sa kanila at minsan tinatanong nila ako tungkol sa nararamdaman ko ngayong 18th birthday ko. Nang natapos ang ginagawa namin ay nag paalam na ang ibang tao na umuwi na kaya kami nalang ang naiwan ni Scarlett. Nag linis din ako sandali dahil sa makalat masyado ang living room. Nag kwe-kwento lang si Scarlett tungkol sa magiging birthday ko. Excited na daw siya masyado kaya na-iisip ko na mas excited pa siya sa akin. Excited din naman ako at alam ko ito ang ang halos pangarap ng lahat na babae at isa na ako doon. Pangarap ko na maka ramdam ng isang 18th birthday at noon din akala ko na hindi na ako makakaramdam ng ganyan kasi nga mahirap lang kami noon pero binago ulit iyon ni Scarlett kaya nagpapasalamat ako sa kanya ng marami. Nang matapos kaming kumain ay nasa living room lang kaming dalawa. Kanina ko pa nakikita di Scarlett na wala sa sarili kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Napalingon siya sa akin at ngumiti. "M-May regalo ako sa'yo." nauutal kong sabi. Nanlaki ang mata niya. "Wait, you sure?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako at binigay sa kanya ang binili ko kanina sa mall. "Alam kong hindi yan kasing ganda ng mga binibigay mo sa akin pero ito lang ang alam kong regalo para ibigay sa'yo." mahina kong sabi. Nakita kong may namumuong luha sa mata niya at tinanggap ang regalo ko. "Thank you Sunny! This is beautiful," sabi niya sabay yakap sa akin. "You're welcome. Sana nagustuhan mo." maliit kong saad. Natawa siya at kumalas ng yakap. Pinunasan niya ang kanyang luha at tinitigan ang regalong binigay ko. "Of course, I love it!" she said. Ngumiti ako ng lubusan dahil sa sinabi niya. Magaan sa kalooban ko na nagustuhan niya ang binigay kong regalo kaya masaya ako. Nag kulitan kami sandali ni Scarlett kaya pagod kaming umupo sa couch dahil sa pawis. Nag ikutan kami kanina matapos kaming kumain ng snacks kaya sumasakit ang tiyan ko. "Sunny, If ever na may taong manakit ng damdamin mo. Anong gagawin mo?" Tumingin ako kay Scarlett na ngayon nagsasalita. Manakit ng damdamin? "Pakikinggan ko muna ang explanation niya bago ako humusga." sabi ko. "Paano kung malala masyado ang ginawa sayo? mapapatawad mo pa din ba siya?" tanong ni Scarlett. Napahinto ako sa tanong niya. "H-Hindi ko alam, pero makikinig pa din ako sa explanation niya kung bakit niya iyon nagawa. Bakit mo natanong? may umaway ba sa'yo?" tanong ko. She chuckled at umiling-iling. "W-Wala. Tinanong ko lang," sabi niya. Tumango tango ako. Lumipas ang ilang araw ay nakapag schedule si Scarlett sa training na magaganap ko para sa sayaw ng eighteen roses. Kanina pa kami dito nag pra-practice at nahihiya ako sa mga lalaking kasayaw ko. May ibang ka office workmate ni Scarlett dito at mga kaibigan niya rin daw. Hindi naman masyadong stressful ang practice na iyon at nakakaya pa din ng oras ko. Malapit na din ang birthday ko kaya na e-excite ako. Madaming pumupuri sa akin na kaibigan ni Scarlett at minsan tinatanong nila kung may lahi ba akong mestiza pero ang tanging sagot ko lang ay hindi kasi sa pagkakaalam ko ay wala kaming ibang lahi. Na e-enjoy din ako na kasama sila kasi makukulit sila at ang iba naman ay joker kaya natatawa ako sa mga jokes nila. Minsan nang-aasar sila at namimikon ng ibang kaibigan nila. Busy din si Scarlett sa pakikipag usap sa organizer sa hotel at nakita ko din kung paano niya talaga ako alagaan. Invited si Tiya sa eighteen birthday ko pero nag text siya sa akin na baka hindi siya makapunta kasi may business siyang gagawin sa ibang bansa. Huling kita ko sa kanya ay noon pa at kahit wala siya sa tabi ko ay na mi-miss ko din siya. The next week ay naging busy ako sa exam at naalaala ko na bukas na ang eighteenth birthday ko kaya kinakabahan ako. Mabuti nalang at naayos ko ang lahat ng sagot ko sa exam at wala akong fail sa lahat ng subject ko. Masaya si Scarlett sa balita na binigay ko sa kanya. Mataas ang score ko sa lahat ng quiz at test kaya kumain kami sa mamahaling restaurant bago umuwi. Nag kwentuhan din kami para bukas at sinabi ko sa kanya na kinakabahan na ako sa magaganap bukas. Kinabukasan ay hindi ako mapakali sa kwarto ko. Maaga akong nagising dahil sa ginising ako ni Scarlett. Mas nauna pala siyang nagising kesa sakin kaya kinakabahan pa din ako kahit ngayon. Sabi niya sa akin na maligo na daw ako at mag ayos kasi pulunta na kami sa venue. Lumipas ang ilang oras ay nakapag ayos na ako kaya pumunta na kami sa hotel. Sabi ng organizer four hours nalang ay mag sisimula na ang party kaya inayusan na nila ako. Sinuot ko na ang gown na pinagawa ni Scarlett at halos pumungay ang mga mata ko sa nakita ko. Maganda ito masyado atsaka hindi ko maiwasang magustuhan ito dahil may mga glitters din ito sa ibaba at lalo na sa ibang bahagi ng katawan ko. May butterflies din. Off shoulder style ang gown at hanggang sa paa ko talaga ang huling tela ng gown kaya parang nasa prom ako nito. Nilagyan din ako ng light make-up at inayos ang buhok ko. Nilagyan nila ng diamond crown ang ulo ko kaya pag tingin ko sa salamin ay hindi ko maiwasang magandahan sa sarili ko. "Oh my! ang ganda mo Sunny!" napalingon ako sa nag salita at nakita ko si Scarlett naglalakd patungo sa akin. Nakasuot din siya ng spaghetti strap dress kaya kitang kita ko ang hubog ng katawan niya. Hindi ko maiwasang magandahan din sa kanya at siguro mas lalo siyang gumanda sa suot niya. "Salamat." sagot ko na nakangiti. Hinaplos niya ang aking pisngi at natigil iyon dahil tumunog ang cellphone niya kaya agad niya itong tinitigan. Sandali niya itong tinitigan at agad na sinagot at lumayo sa akin ng kaunti. Humarap ako sandali sa salamin at tinitigan ang katawan ko. Masama kaya kung magustuhan mo ang sarili mong mukha? Hindi naman siguro. Nang matapos akong tumingin ay naglakad na ako papunta kay Scarlett. Napahinto ako sa paglalakad ng narinig ko siyang nagsasalita. "W-Wait, j-just let her finish. Tapos pwede niyo na siyang kunin. Y-Y-Yes. F-Fine! Oo okay na lahat." Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya kasi maliit lang ang boses niya kaya nilapitan ko na siya kaya agad siyang tumingin sa akin at in off na ang cellphone niya. Namumutla siya ngayon habang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo kong tumingin sa kanya. "Okay kalang ba? May sakit ka?" nag-alala kong tanong. Agad siyang umiling at ngumiti sa akin. "T-Tara na. Hatid na kita kasi mag sisimula na ang party." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at sumunod na. Gaya ng sinabi niya ay nag simula na nga nag emcee at nag sasalita na ito sa harap. Rinig na rinig ko din ng mga tao na nagsasalita at masyadong malamig ang kamay ko pero hinawakan iyon ni Scarlett kaya gumaan ang kaba ko. "And now, let's all welcome. Our debudant. Sunshine Diaz!" Bumukas ang malaking pintuan sa hotel at ang lahat ng light ay naka-tuon sa akin kaya tinitigan na ako lahat ng mga tao sa paligid. Nag simula na akong maglakad papuntang gitna na kasama si Scarlett, nakangiti ako habang naglalakad kasi narardaman kong ayos ako kapag kasama ko si Scarlett. Huminto na ako sa gitna at bumulong si Scarlett na aalis na siya kaya tumango na ako at nag hintay sa susunod na gawin. Ito iyong practice namin at buti nalang memories ko lahat ng iyon. Pagkatapos ng welcome ay nag pa eighteen roses na kami at isa-isang tinawag ang mga lalaki na sasayaw sa akin kaya masaya ako ngayon araw na ito. Nagtawanan ang ibang tao nang malapit madulas ang isang lalaki na kasayaw ko at buti nalang nahawakan ko siya. Kinantyawan pa siya ng ibang tao kaya natawa na din ako. Ramdam na ramdam ko ang saya sa puso ko at nagpapasalamat ako kay Scarlett kasi dumating siya sa buhay ko at lalo na ay hindi niya ako pinabayaan at ang tanging ginawa niya lang ay ang tanggapin ako bilang ako. Nang matapos ang eighteen roses ay nag proceed kami sa next activity at masayang masaya ako kasi parang ito yung araw ko ngayon at ramdam na ramdam ko na ang araw na ito ay espesyal masyado. Kahit na hindi nakapunta si Tiya ay ayos lang kasi nagpadala din naman siya ng regalo. Nang matapos ang activity ay nag sayaw-sayaw na ang ibang tao sa gitna at pinasayaw din nila ako kaya sumasayaw ako muna doon. Kanina ko pa hinahanap si Scarlett pero hindi ko siya makita kaya nagalala na ako sa kanya. Pero sinabihan ako ng organizer na wag mag-alala kasi may pinuntahan lang daw muna iyon ng saglit kaya tumango nalang din ako. Masaya ang naging sayawan kaya nakangiti ako habang sumasayaw. Marami din ang bumati sa akin na mga kabigan ni Scarlett at yung ibang kaibigan niya ay yung mga kaibigan niya na nasa 17th birthday ko noon. Lumalapit sila at binabati ako at binabalusan ko sila ng salamat at ngiti bilang respeto. Tinawag ako ng emcee kaya nag paalam muna ako sandali para pumunta doon. May surpresa daw silang gagawin kaya dapat ay nasa gitna ako, maganda ang surpresa na binigay nila sa akin. Kanina ko pa hinahanap si Scarlett pero hindi pa din siya nagpapakita sa akin at kinakabahan na ako kung saan na siya. Nagtataka din ako kasi kanina pa siya wala dito at sabi ng emcee na babalik naman daw siya pero wala pa si Scarlett. Habang lumalalim ang partido na nagaganap ay biglang nag brown-out sa lahat ng paligid. Kumabog ng malakas ang aking dibdib ng namatay lahat ng music at ilaw sa lahat ng hotel. Nag ingay ang mga tao sa paligid at mas lalo pa talagang umingay iyon. Biglang may pumutok na hindi ko alam kaya nag hiyawan ang mga tao sa paligid. Dahil sa hindi ako makakita ay nag takbuhan sa kung saan ang mga tao at nasalampak ako sa gilid ng nabangga nang kahit na sino. Wala akong makita at gusto kong umalis na din pero hindi ko alam kung saan pupunta, pero kailangan kong hanapin si Scarlett kaya nag hintay muna ako sandali doon at niyakap ang sarili ko. Maingay pa din sa loob dahil sa pumutok na iyon kaya hindi ako makapagsalita at kahit na sinong tao na nasasalimuha ko ay natataranta o natatakot. Gusto ko man lumakad sa gilid ay hindi ko magawa dahil sa madilim masyado. Huminga ako ng malalim at pinatatag ang sarili ko. Dapat mahanap ko muna si Scarlett bago ako makalabas dito. Nag-lakad ako ng dahan-dahan kahit na hindi ako makakita. Hanggang sa may natapakan akong hindi ko alam kaya natakot ako doon ng kaunti. Kinapa-kapa ko iyon sandali at tumayo ulit. Maglalakad na sana ako ng may biglang humatak sa akin at tinabunan ang mukha ko gamit ang isang panyo. "Hmpp!" Nag pumiglas ako sa kanya pero unti-unti akong nahihilo dahil sa baho na na-aamoy ko. Hindi ko alam kung ano nangyari na sunod nang biglang nag blanko ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD