Prologue
Mainit na araw ang dumapo sa aking pisngi habang naglalakad ako patungo sa apartment. Tanghali ng araw ay lumabas ako galing sa apartment dahil sa tiyahin ko, nag pa utos siya sa akin na bumili ng sigarilyo sa ibaba kaya bumili ako.
Habang naglakakad ako ay hindi ko maiwasan na mahiya sa ibang tao. Isa lamang akong ulila na bata at mulat na mulat na ako sa lahat na bagay na nangyayari sa buhay ko.
Six years old ako nang iniwan ako ni nanay dahil sa ibang lalaki. Twelve years old ako nong naranasan ko na si tatay ay nagkasakit dahil sa isang cancer kaya ngayon ay ako nalang mag-isa sa buhay. Buti nalang ay kinupkop ako ni Tiya at siya ang nag aalaga sa akin ngayon.
Malupit si Tiya kaya minsan ay natatakot ako sa kanya, kahit pagod ako sa klase ay ginagawa ko pa din ang lahat para magawa ang lahat ng gawain sa bahay. Masakit sa damdamin ko kung bakit naging ganito ako pero kinakaya ko pa din kasi may pag-asa pang mabuhay si tatay.
"Hoy! narinig mo ba ang sinabi ko?! sabi ko labhan mo ang susuotin kong damit kasi may pupuntahan ako mamaya!" singhal ni Tiya sa akin.
Napakagat ako sa labi at tumango-tango. Binigay ko sa kanya ang sigarilyo na pinabili niya kanina. Umalis siya sa harapan ko at pumunta na din ako sa banyo para mag laba.
Fifteen years old ako pero alam ko na lahat ang mga gawain sa bahay at marunong na din ako mag luto. Halos lahat ng gawain sa bahay ay alam ko na dahil ako naman talaga ang gumagawa non. Kahit na ganito ang buhay ko ay gusto ko pa din na may malayang buhay na kasama ang pamilya ko.
Simula nong umalis si nanay ay wala na akong balita tungkol sa kanya kasi pinagkamuhian siya ng lahat ng pamilya ni tatay at galit na galit sila sa nanay ko. Ang sabi nila kaya iniwan ni nanay si tatay dahil napilitan lang ito noon na ipakasal kay tatay dahil sa akin. Hindi kami mayaman gaya ng ibang tao, galing lang kami sa putik kaya galit na galit noon ang magulang ni tatay kay nanay.
Hindi din nila ako matanggap kasi isa lang daw ako basura kaya kasama ko ngayon ang pinsan ni nanay na si Tiya, kahit malupit siya sa akin at walang pakialam ay tinuturing ko pa din siyang pamilya.
Nang matapos akong mag laba ay pinatuyo ko kaagad 'yon at binigay kay Tiya. Nanonood siya ng Tv ngayon at nang nakita niya naman ako ay agad niya akong inirapan. Alam kong galit si Tiya sa akin dahil galit siya kay nanay.
"Buti naman at agad mo itong tinapos. Akala ko pa naman kagaya ka sa nanay mong tamad at malandi." sabi niya sabay hablot ang damit na binigay ko.
Napayuko ako sa sinabi niya, minsan ay minumura niya si nanay sa harapan ko at minsan din ay nag sasabi siya ng kahit ano tungkol kay nanay kaya nasasaktan ako minsan. Kahit iniwan ako ni nanay ay gustong-gusto ko siyang makita.
Lumipas ang isang taon ay nag grade ten ako sa isang University. Nakakuha ako ng scholarship kaya naka pasok ako doon. Masaya ako na nakapasok ako kasi alam kong dito ko makukuha ang gusto kong gawin pag-laki.
Habang naglalakad ako sa isang palengke ay nahulog ang isang wallet ng babae na katabi ko kaya napatingin ako doon. Parang hindi niya 'yon namalayan kaya kinuha ko ito at inabot sa kanya.
"M-Miss, nahulog yung wallet mo." maliit na sabi ko sa kanya.
Mukha naman siyang nagulat nang inabot ko ito sa kanya. Napalunok ako nang tumingin sa kanya, maganda siya masyado atsaka may mga kulay lupa na mata.
"Omg! thank you! akala ko kinuha na kung sino." sabi niya sabay tawa at kinuha sa akin ang wallet.
Ngumiti lang ako sa kanya at pinag-patuloy ang pag bili ng mga kamatis at sibuyas para mamaya sa lulutuin ko.
Kinabukasan ay pa-uwi na ako galing sa school kaya nag hihintay ako ng jeep pa-uwi ng apartment. Masyadong madami ang tao at nag siksikan sila para lang makasakay kaya nag dalawang isip ako kung sasakay ba ako o maglalakad nalang.
Kasi kung isiksik ko ang sarili ko doon baka matilapon lang ako dahil sa gaan ko. Hindi na ako nag atubili at nag simula nang mag lakad pa-uwi, sayang din naman ang pamasahe ko kaya ilalagay ko nalang ito mamaya sa alkansya ko.
May biglang bumisina sa gilid ko kaya napalingon ako doon. Isang galanteng sasakyan agad ang nakita ko, hindi ko alam kung anong brand non pero mukhang pangmayaman. Napahinto ako sa paglalakad at naghintay kung sino 'yon. May bumaba na babae sa front seat at nakasuot din ito ng mamahaling damit.
Tinanggal niya ang kanyang sunglasses at nakita ko ang kanyang mukha. Pamilyar siya sa akin at napaisip kung sino siya.
"Hi!" she greeted.
Napalunok ako.
Kilala ko siya! Siya yung babae kahapon sa palengke. Nagtataka ako kung bakit nasa palengke siya non tapos nandito siya sa harapan ko at mukhang mayaman.
"U-Uh, h-hello." nahihiya kong bati.
She smiled.
"Nakita kita kanina na naghihintay ng jeep pa-uwi pero wala kang masakyan kaya naglalakad ka nalang ngayon." sabi niya.
Tumango-tango ako sa kanya at ngumiti ng maliit.
"P-Parang ganon na nga pero p-paano mo nalaman?" tanong ko.
Ngumiti siya ng mapakla.
"I know it's sounds weird pero kanina pa kita tinitigan sa malayo. But don't worry ha! hindi ako kidnapper!" sabi niya sabay halukipkip.
Nagulat naman ako sa sinabi niya pero hindi ko 'yon ininda at tumango nalang.
"Ahh...ganon ba,"
"By the way, nandito ako kasi gusto kong personal na magpasalamat sa 'yo sa nangyari kahapon. Akala ko talaga na nanakaw na yung wallet ko at buti nalang nakuha mo. Thank you so much." she sincerely said.
I smiled.
"Walang anuman, ganoon naman talaga dapat ang gawin." sabi ko sabay ngiti.
"Gosh, you're so cute. My name is Scarlett." sabi niya sabay lahad sa akin ng kamay.
"S-Sunny." mahinhin kong sabi at kinamayan siya.
She smiled.
"Cute name!" she said.
"S-Salamat."
"Do you mind if pwede kitang ihatid pa-uwi sa inyo?" agad niyang tanong.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"N-Naku, h-hindi na. Nakakahiya, pwede naman akong maglakad pauwi." nauutal kong sabi.
She laughed.
"Sige na! pambawi nalang ito dahil sa tulong na ginawa mo sa akin." sabi niya.
Napalunok ako.
"H-Hindi na talaga Scarlett, okay lang ako." sabi ko.
Ngumuso siya.
"Nakakatampo ka naman. Gusto ko lang kasi na bumawi kasi nakikita ko na mabait ka." nakanguso niyang sabi.
Napalunok ako ulit sa sinabi niya.
Mukha siyang matanda na pero mukhang iiyak na siya. Hindi ko alam kung sino siya o ano siya pero nararamdaman ko din na mabait siya.
"S-Seryoso kaba?" tanong ko.
She smiled and nodded fastly.
"Yes! please? I hope you say yes." sabi niya.
Napakagat ako sa labi at um-oo nalang kaya tumalon talon pa siya sa saya nang nahatid niya ako. Medyo gabi na din ng nakauwi ako, habang nasa biyahe kami kanina ay madami siyang tanong tungkol sa akin at buti nalang na sasagot ko siya agad.
Nang nakarating na kami sa apartment ay agad niya akong niyakap at nagpasalamat sa akin. Gusto ko sana siyang sabihan na dapat ako ang mag pa salamat pero mukhang siya talaga ang nagpasalamat sa akin.
"Thank you Sunny! Alam kong hindi pa tayo masyadong magkakilala pero sana ay maging kaibigan kita?" she said.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Sa halos na taon kong nakasama ang ibang tao ay siya lang ang una na nag tanong kung pwede ba makipag kaibigan sa akin. Wala akong kaibigan ni kahit sino sa University kaya naninibago ako sa kanya.
"O-Oo naman." sagot ko.
She smiled.
"Thanks."
Nag paalam ako sa kanya na umalis na para pumasok sa apartment. Masaya siyang kausap kaya na bibohan ako sa kanya. Akala ko maarte siya o maldita pero hindi. May something sa kanya na gusto ko kaya gusto ko din siyang makaibigan.
Sumunod na araw ay naka-uwi ako ng maaga dahil sa vacant ang last subject namin sa school kaya nakauwi na ako ng maaga. Nang nakarating na ako sa apartment ay nagulat ako nang nakita ko si Tiya at Scarlett nag-uusap.
Nang nakita niya ako ay agad siyang ngumiti at bumati sa akin.
"Buti naman at naka-uwi kana. Kanina pa kita hinihintay." bati niya.
Nataranta naman akong ngumiti tapos lumingon kay Tiya, nakataas ang kilay niya ngayon.
Ngumiti ako ng kaunti kay Scarlett.
"U-Uh, a-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong.
"Well, gusto ko lang gumala dito atsaka hindi mo naman sinabi na may Tita ka pala so ayun nag kwento-kwento kami sandali." nakangiti niyang sabi.
Tumango-tango ako sa kanya, nilingon ko din ang maliit na living room namin at merong mga gamit doon na nakahandusay sa iba't ibang parte ng upuan.
"Oh, kaya talaga ako pumunta dito kasi gusto lang kitang makita, and then nakita na kita so okay na ako. Don't worry, mabuti ang intensyon ko sa inyo atsaka gusto kong tumulong sa inyo. Next time ulit tayo mag usap, bye Sunny." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
Napahinto ako sa ginawa niya at tumango-tango sa ginawa niya. Ngumiti siya ulit at naglakad na palabas, nang nakalabas na siya ay kinurot agad ako ni Tiya sa gilid.
"Hindi mo naman sinabi na may kaibigan kang mayaman!" sabi niya.
"H-Hindi naman po kailangan sabihin na mayaman siya Tiya." mahina kong sabi.
Sumingkit ang mata niya.
"Anong hindi? baka siya na nga ang maka tulong sa atin para maka ahon sa hirap. Jusko! mag isip ka nga ng mabuti Sunny!" singhal niya sabay talikod sa akin.
Hindi ko alam kung biro ba yun ni Tiya pero hindi ko nalang pinansin.
Lumipas ang buwan ay palaging pumupunta si Scarlett sa apartment namin kaya nakilala ko siya ng unti-unti. Palagi siyang pumupunta kahit na busy siya at minsan nakikita ko sila ni Tiya na nag-uusap ng masinsinan.
Hindi ko alam kung swerte ba ako sa kanya pero isa lang ang alam ko.
Mabait siya.
Habang nag-wawalis ako ay tinawag ako ni Tiya kasi kakain na daw. Nang kumain na kami ay nagsasalita si Scarlett tungkol sa negosyo nila atsaka sa mga business na ginagawa niya sa ibang bansa.
This time ay naging mabait si Tiya sa akin kaya nagtataka ako kung bakit pero binalewala ko 'yon kasi ang importante tanggap niya na ako at huminto na siya sa pagmumura kay nanay.
Nakikinig lang ako kay Scarlett habang kumakain kasi wala pa naman akong alam sa mga ganyan na bagay.
"Anyway, Sunny. Nag-usap na kami ng Tita mo at may gusto akong offer para sa'yo." biglang sambit ni Scarlett.
Huminto ako sa pag-kain at tinitigan siya.
"Ano yon?" tanong ko.
"Well, as you can see. Kailangan ko ng kasama sa condominium at natatakot kasi ako kung ako lang mag-isa doon kaya na-isipan ko na pwede bang sumama ka sa 'kin." panimula niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumingin kay Tiya, tumango-tango lang si Tiya na para bang sang-ayon siya sa plano ni Scarlett.
"H-Huh?" nauutal kong tanong.
Sumeryoso ang mukha ni Scarlett at tumingin sa akin.
"Nag ka-sundo na kami ng Tiya mo at sang-ayon siya sa offer ko. Ang offer ko ay sumama ka sa condo ko atsaka ako na ang bahala sa lahat ng expenses mo para sa school. Don't worry, makikita mo pa naman ang Tiya mo pero doon ka muna sa akin atsaka pwede din magtrabaho ka sa akin bilang katulong para pwede din kita ma swelduhan. Pero ang main point ko dito ay maka sama ka kasi nagugustuhan ko ang kabaitan na binibigay niyo sa akin kaya gusto kong tumulong ulit." she said.
Napa-isip ako sandali sa sinabi niya. Hindi ko alam kung papayag ako o hindi kaya lang ay natatakot ako na baka iiwan ako ni Tiya ulit pero pinaliwanag ni Tiya sa akin na okay lang at sang-ayon siya sa plano nila kaya napa-oo ako sa kanila.
Masaya ako kasi masaya din sila. Naging malapit kami sa isa't isa ni Scarlett atsaka gaya ng sinabi niya ay siya ang gumastos lahat ng expenses sa school at lalo na sa lahat ng mga activities na gagawin ko sa school.
Habang lumilipas ang buwan na nakakasama ko siya ay nakikita ko na hindi talaga lahat ng mayayaman ay maarte atsaka maldita. Si Scarlett ang nag papatunay non kasi nakikita ko sa kanya ang kabutihan niya.
Kahit na busy siya atsaka minsan nagagalit na dahil sa mga co-workers niya ay bina-balanse niya ang temper niya at pilit na ngumingiti pa din. Magaling siya sa lahat at tinuturuan niya ako sa iba't ibang bagay na hindi ko nagawa noon.
Minsan sinasama niya ako sa mall at bumibili kami ng mga damit, sapatos, perfume at kahit ano pa. Nahihiya na nga ako sa kanya pero sinasabi niya na ayos lang kasi tinulungan ko siya sa mga ginagawa niya atsaka wag daw akong mahiya kasi tinuturing niya na akong kapatid.
Masaya ako.
Kasi may tumuring sa akin na pamilya, sa lahat ng buwan at araw na nakakasama ko si Scarlett ay siya lang ang nag paramdam na isa akong tao at pamilya niya.
Kinabukasan ay sinabi niya sa akin na pupunta kami sa isang restaurant para doon kumain. Wala din naman akong ginagawa kaya sumang-ayon ako sa kanya.
Habang kumakain kami ay hindi niya mapigilan na mag kwento tungkol sa pagkabata niya. Ngumingiti lang ako habang nag kwe-kwento siya kasi ang saya saya niya.
"Noon pa Sunny nagtataka na talaga ako kung bakit kasama mo ang Tiya mo at hindi ang mga magulang mo? nasa ibang bansa ba sila?" tanong niya.
Nabigla naman ako sa tanong niya at huminga ng malalim.
"Six years old palang ako iniwan na kami ni nanay para sa ibang lalaki at wala na din akong balita tungkol sa kanya. Si tatay naman ay nasa hospital dahil may cancer siya kaya si Tiya ang kasama ko ngayon kasi siya lang ang kumupkop sa akin sa lahat ng pamilya namin." paliwanag ko.
Lumungkot naman ang mukha niya.
"I'm sorry, hindi ko alam." sabi niya.
Ngumiti ako.
"Okay lang. Para na din kitang ate kaya ayos lang na ma kwento ko sa'yo." sabi ko.
She smiled. "You're so brave. Hindi ko akalain na ganon ka kasipag para itayo ang sarili mo."
"Kailangan ko kasi para mabuhay ako." sabi ko.
She smiled and held my hand.
"Don't worry nandito ako ngayon at ako ang tutulong sa'yo." she said.
The next day, mahaba ang araw ko dahil sa exam na naganap kanina. Buti nalang nakapag study ako kasi mahirap-hirap pa din naman ang mga lessons namin.
Nang naka-uwi ako sa condo ni Scarlett ay nakita kong wala pa siya kaya nag linis muna ako sandali at nag-luto ng hapunan. Ginawa ko din ang assignment ko para doble ang ginawa ko.
Lumipas ang ilang minuto ay tumunog ang bell ng pintuan kaya agad akong pumunta doon para tignan kung sino iyon. Narinig ko agad na may kausap si Scarlett kaya hindi ko muna siya kinausap.
"Just wait! malapit na okay? hindi mo pa siya pwedeng kunin kasi under age pa siya! nababaliw kana ba? Fine! Just wait you f*****g bastard! Two years nalang kaya sana ay makapag-hintay ka!" rinig kong sigaw niya.
Napakagat ako sa labi ng sumigaw siya at in off ang kanyang cellphone. Nang nakita niya naman ako ay nagulat siya.
"K-Kanina kapa diyan?" nauutal niyang tanong.
Umiling-iling ako at ngumiti.
"Okay kalang ba?" tanong ko agad.
She sighed.
"Yes, I'm o-okay. N-Nag kagulo lang sa o-office atsaka may naka-away akong co-worker kaya naiinis ako sa kanya ngayon." she said fastly.
Tumango-tango ako.
"Nag luto ako ng hapunan. Tara kain tayo." masaya kong sabi.
She sighed again and smiled.
"You're so cute talaga." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nag hugas ng mga plato kasi mukhang pagod si Scarlett kaya ako na muna ang nag gawa ng mga gawaing bahay. Gabi na ng natapos ako sa lahat ng ginagawa ko at pumunta na ako sa kwarto ko ng matapos ako.
Naalimpungatan ako ng naramdaman kong may humahaplos sa ulo ko pero pagod akong imulat ang mata ko kaya pinabayaan ko nalang 'yon. Masarap ang pagkahaplos niya at mahinhin masyado hanggang sa nakatulog ako ulit.
Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Akala ko ay may klase ako ngayon pero naalaala ko na sabado pala. Nagmamadali pa naman akong maligo pero bahala na, nag suot ako ng white t-shirt at short.
Lumabas ako sa kwarto ko at nakita ko si Scarlett na nonood ng Tv sa living room. Nang nakita niya ako ay ngumiti siya.
"Good morning!" bati niya.
"Good morning."
"May pandesal at gatas diyan. Pinaghanda kita." nakangiti niyang sabi.
Tumango ako at kinuha ang pandesal at gatas na sinasabi niya sa kusina at bumalik sa living room. Nanonood siya ngayon ng Korean Drama at nilapag ko na din ang pagkain sa mesa.
Habang nanonood siya ay kumakain ako, kilig na kilig siya dito kasi gwapo masyado ang character na lalaki.
Gwapo naman talaga ang lalaki atsaka cute.
"Scarlett, pumunta kaba sa kwarto ko kagabi?" tanong ko.
Huminto siya at napakagat sa labi.
"H-Huh? p-pumunta?" nauutal niyang tanong.
Tumango-tango ako.
"Naramdaman ko kasi na may humahaplos sa ulo ko kagabi o baka panaginip ko lang kaya yun?." sabi ko sabay inom ng gatas.
Umiwas siya ng tingin at tumago-tango ng kaunti.
"O-Oo. Ako yun, hindi kasi ako makatulog kagabi kaya pinuntahan kita sa kwarto mo." sabi niya sabay ngiti.
I nodded.
"Ahh...hindi pala panaginip yun pero ang sarap nga ng pag haplos mo e, kaya hindi ko na minulat ang mata ko." masaya kong sambit.
Tumawa siya ng kaunti at tumango.
Magsasalita pa sana siya ng nag ring ang cellphone niya kaya nag signal siya sa akin na pumunta muna sa study room at tumango naman ako. Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan agad ang baso ko.
Nag linis ako sandali sa living room kasi medyo makalat doon kaya pinawisan ako sandali. Pinunasan ko ang pawis ko at pinag patuloy ang pag lilinis. Hindi pa bumaba si Scarlett kaya siguro tatapusin ko na muna ito.
Napahinto ako sa paglilinis ng biglang may nag door bell sa pintuan ng condo. Nagtataka ako kung sino 'yon pero binalewala ko ulit kasi baka delivery or something na in-order ni Scarlett.
Nag punas muna ako sandali ng pawis at binuksan ang pintuan para makita kung sino 'yon.
A tall, lean, mascular man is staring at me. Malaki ang katawan niya at may maganda siyang kutis. He has a sexy body, kissable lips, dark blue eyes, pointed nose and big biceps.
Napalunok ako sa nakita ko habang tinitigan ang katawan niya hanggang sa dumapo ang mata ko sa mata niya.
Nakatingin din siya sa akin, halos kumalabog ng malakas ang dibdib ko sa nakita ko. Hindi ko siya kilala pero mukhang may something sa kanya na hindi ko masabi.
"Sino ya—Holy f**k!"
Napatigil ako sa pag titig sa lalaking nasa harap ko nang narinig ang boses ni Scarlett. Dahil sa gulat niya ay nahulog niya ang cellphone niya at natarantang tumingin pabalik-balik sa lalaking nasa pintuan at sa akin.
"Okay kalang?" agad kong tanong sabay lapit kay Scarlett.
"U-Uh, Y-Yes. I-I'm okay. Sunny, pwede kabang bumili muna ng...ng b-beer sa convenience store? H-Here, 1,000 pesos." nauutal niyang sabi sabay dali-daling bigay sa akin ang pera.
Tumango ako at kinuha 'yon para bumili ng sinabi niya. Agad niya namang pinapasok ang lalaki na nasa pintuan at hindi ko maiwasang tumitig sa lalaki ulit pero umiwas agad.
Alam kong nakatitig siya sa akin na parang mag ka kilala kami.
Bago ako makalabas sa pintuan ay tinitigan ko ulit siya at kumalabog ang dibdib ko ng malakas nang nag tama ulit ang paningin namin.
I was sixteen when I first saw him.