“JERIC?” “Hmm…?” Pinakiramdaman ni Athena ang binata saka siya huminga ng malalim. Hindi pa rin sila umaalis sa posisyon nila. Nakaupo pa rin siya sa kandungan nito habang nakayukod ang ulo niya sa balikat ng lalaki at ito naman ay nakasubsob ang mukha sa bandang leeg niya. Yakap-yakap siya nito sa baywang at siya naman ay nakayapos sa leeg nito. Ilang beses siyang lumunok. Hindi niya alam kung ito ba ang tamang panahon na sabihin niya ito sa binata. Baka ma-trigger na naman ito at magwala sa galit. Ngunit alam niyang kailangan niyang subukan. “P-pumunta ulit ako sa hospital kahapon at ang sabi ng doktor, stable na raw ang kalagayan ng dad. Puwede na raw siyang ma-discharge anytime this week.” Naramdaman niya ang paghigpit ng mga kamay ni Jeric sa baywang niya kaya mas lalo siyang k

