NANG UMUWI NG PENTHOUSE SI JERIC ay nadatnan siya nitong naghahain ng hapunan sa mesa. Wala itong imik habang hinuhubad ang blazer saka umupo sa upuan. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Nang matapos siya ay bigla itong nagsalita. Naka-tiim ang mga bagang nito habang malamig na nakatingin sa kanyang mga mata. “Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi at itinuturo sa ‘yo ni Tom, pero ilang beses na kitang sinabihan na lumayo sa kanya, Athena.” Saglit siyang natigilan pero umupo siya sa katabi nitong upuan at saka lumabi. “Bakit? Ayaw mo bang ganito ako sa ‘yo?” “No!” Bahagya nitong inusog ang upuan palayo sa kanya. “You’re not the Athena that I know!” Ngumiti siya at inusog din ang upuan niya palapit dito. Inilapit niya ang mukha sa tainga ng binata at saka bumulong, “Paliligayahin

