“Aalis ka?” Mabilis na napalingon si Samantha at nakita si Madisson na nakatayo sa hamba ng pintuan ng kaniyang kuwarto. Kaagad na napaatras naman siya. “A-Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa kaibigan. Ngumiti naman ito at nilapitan siya. “Bakit parang kinakabahan ka?” balik tanong nito sa kaniya. Alanganing ngumiti naman siya at kinuha ang kaniyang bag. “M-May kailangan ka ba sa ‘kin? May lakad kasi ako,” aniya. “Saan? Mukhang importante iyan ah. Puwede mo bang i-cancel ‘yan? I need you right now, ang dami kong problema and issues recently. Ayaw kong umuwi sa bahay at nabibwesit lang ako kay, mommy,” saad nito. “Maddi, eh importante kasi ang lakad ko. Magkikita kami ngayon ng pinsan ko,” aniya rito. Kumunot naman ang noo ni Maddison. “Mas importante ba ‘yan kaysa sa ‘kin na

