Prologue
Mabilis ang kilos na binuksan ng dalagang si Ellerie ang pinto ng kuwarto ng amo niyang si Maddison at sumunod dito. Umupo ito sa mamahaling couch at kaagad na lumuhod naman si Elle sa gilid at maingat na hinubad ang suot na high heels ng amo.
“Elle, darating mamaya ang best friend kong si Samantha. Sabihin mo nasa veranda lang ako. Magdala ka na rin ng snacks namin,” saad nito.
Tumango naman ang dalaga.
“Yes po, Senyorita,” sagot niya rito at tumayo.
“Wait!” anito.
“Bakit po, Senyorita? May kailangan pa po ba kayo?” malumanay niyang tanong dito.
“Have you received the lipstick I bought for you?” usisa nito.
“Natanggap ko po, at maraming salamat,” sagot niya rito.
“Why are you not wearing it?” tanong nito.
Alanganing ngumiti naman ang dalaga. Nilapitan naman siya ng amo niya at nginitian.
“You’re ridiculous! May hindi pa pala mahilig sa cosmetics sa panahon ngayon. It will look good on you, I swear. Gamitin mo ‘yon, okay?” wika nito.
Nahihiyang tumango naman siya rito.
“Elle, you’re so boring. Magpaganda ka rin, okay?” sambit nito. Tumango naman ang dalaga.
“Sapat na po sa ‘kin na mapagsilbihan kayo, Senyorita. Okay lang po ako at hindi po talaga ako sanay na mag-ayos,” mabining sagot niya rito.
“Whatever Elle, ganiyan ka naman palagi. May plano ka bang maging barren someday?” anito at natawa. Napangiti lamang siya nang tipid sa amo.
“Elle, you’re old enough to have a boyfriend. Huwag mong ubusin ang oras mo sa ‘kin. Don’t be too hard on yourself. Iyong pagtulong ko sa ‘yo noon, matagal na iyon. Sa pagsisilbi mo sa ‘kin bayad na ‘yon,” sambit nito. Umiling naman si Elle.
“Nangako po akong magsisilbi sa inyo hangga’t kaya ko, tutuparin ko po iyon kahit pa hindi na ako makapag-asawa,” seryosong sagot niya.
“Hay naku, Elle! Sige na, mukhang marami ka pang gagawin,” saad nito.
“Opo, Senyorita,” sagot niya at maingat na isinara ang pinto ng kuwarto.
Para sa kaniya ang loyalty niya ay para sa kaniyang amo. Malaki ang pasasalamat niya sa among si Maddison Carter dahil nu’ng nagkaroon ng malaking problemang pinansiyal ang pamilya niya ay ito ang tumulong sa kanila. Binayaran nito ang kanilang hospital bill dahil sa pagkakasakit ng kaniyang lolo na tumayong ama niya noon pa man kasama ang kaniyang lola. Kaya isinumpa niya sa sarili na lahat ay gagawin niya para rito. Sa murang edad na desi-otso ay naninilbihan na siya sa pamilya nito at kusang nakiusap sa amo niya na pagsisilbihan ang nag-iisa nitong anak na si Maddison. Ngayon ay bente-kuwatro na siya at ginagawa niya ang lahat para rito.
“Ellerie, nag-almusal ka na ba? Mukhang inumaga ng uwi ang amo natin ah,” sambit sa kaniya ni Nica. Kasama niya sa mansion at nakatuka ito sa kusina.
“Huwag mo na lang sabihin sa Don at Donya na inumaga ang senyorita,” aniya rito.
“Oo naman, alam kong magagalit ka kapag napagalitan na naman ang senyorita. Siyempre, siya yata ang reyna ng buhay mo,” pabirong saad nito.
Natawa na lamang siya nang tipid at kumuha na ng pagkain niya. Mabilis ang kilos at babantayan niya pa sa labas ang pagdating ng kaibigan ni Maddison na si Samantha.
“Kumain ka nang marami para may lakas ka sa mga ginagawa mo. Huwag mo masiyadong madaliin ang sarili mo at mahirap magkasakit,” sambit ni Nica.
Tumango lamang siya at naghugas nang mabuti. Nang matapos ay lumabas na siya at hinintay ang pagdating ni Samantha. Ilang oras nga ay dumating na ito at may dalang pagkain. Kaagad na inabot niya iyon kay Elle at inabot naman ng dalaga sa kasama nitong kasambahay para maihanda.
“Magandang araw po, Ma’am Samantha. Hinihintay po kayo ni, Senyorita Maddi sa veranda,” wika niya.
“Hello, Elle,” bati nito sa kaniya at ibinigay ang mamahalin nitong bag.
Kinuha niya naman iyon at iginiya ito sa itaas. Maingat na inilagay niya ang bag nito sa upuan at kaagad na nag-usap naman ang dalawa. Bumaba na ulit si Elle at kinuha ang snacks nila.
Pagdating niya ay nagtatawanan ang dalawa.
“Maddie, I heard you had a fun night last night with Jacob. Ikaw ha, what if malaman ni, Enzo ang ginagawa mo? He proposed to you last month. Ikakasal na kayo,” wika ni Samantha.
“Sam, ang boring ni, Enzo. Alam mo naman kung gaano siya ka-boring kasama. He’s so stiff, mayaman nga pero busy naman masiyado sa trabaho niya. I’m just a girl, gusto kong magsaya. Isipin mo na lang, kapag nakatali na ako sa kaniya, how boring my life can be. Kung ano man ang mga ginagawa ko ngayon ay dahil lang din iyon sa pagkukulang niya sa ‘kin,” sagot niya sa kaibigan.
“If he’ll know about this, paniguradong magagalit iyon. Worst, baka iwan ka pa niya,” wika ni Sam.
Pinaikot naman ni Maddison ang mata niya sa kaibigan.
“Come on, Sam. Kilala mo si Enzo. Hindi nu’n kaya na wala ako. Isa pa, Jacob is a good catch. He’s not as wealthy as Enzo, but he’s good enough. Napapasaya niya ako and he satisfies me a lot, unlike Lorenzo,” saad nito.
Tiningnan naman ni Sam ang kaibigan niya at tiningnan si Elle. Tumawa naman ito.
“Don’t worry, mapagkakatiwalaan si Elle. What she heard today can’t go outside, right Elle?” ani Maddi.
Tiningnan naman ito ni Elle at nginitian nang tipid.
“You mean? Come on, Maddie. Papalapit na ang kasal niyo. What are you planning to do? Huwag mong sasabihing hihiwalayan mo si Enzo,” sambit ng kaibigan.
“Sam, habang papalapit ang kasal namin, lalo ko lang nare-realize na hindi siya ang kailangan ko. Hindi ko kailangan ang pera niya. I need attention. Hindi niya iyon kayang ibigay sa ‘kin. In two years being together, mabibilang ko lang kung ilang beses niya akong idinate sa labas. He’s always busy,” reklamo ni Maddie.
“Your parents will hate you,” sambit ni Sam.
“Magkikita kami ulit ni, Jacob. We already talked about this. Sam, you’re my best friend. Alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko,” mahinang saad nito.
“I know, pero bakit ka pa nag-yes sa proposal niya kung aayaw ka lang din pala?” usisa nito.
“Because I was pressured. Ayaw ko siyang ipahiya at naguguluhan din ako nu’ng time na ‘yon. You know how much my family wants us to be together lalo pa at kilala siya sa business industry,” sagot niya rito.
“Correction, killing-kilala. He’s not an ordinary man, Maddie. Nasa diamond ka na, bakit tatalon ka pa pabalik sa gold?” ani Sam.
“Sam, hindi nga ako masaya. Kahit nga sa ganito lang, okay naman ako. I can buy whatever I want, I can travel anywhere, and I’m privileged enough than other people. Ayaw kong itali ang sarili ko sa kasal na alam kong pagsisisihan ko lang. I don’t want to be his trophy wife,” saad nito.
“You know what, Maddie? Hindi pa rin kita ma-gets. You already got a long way for this. Naalala mo pa kung ano ang ginawa mong pagpapapansin sa kaniya noon? You’re one step closer sa lahat ng pangarap mo. The wealth, the fame...”
“Akala ko kasi noon ay sasaya ako roon. But I find it odd, tumatanda na nga yata ako. Small things make me happy now. He’s neglecting me na boyfriend-girlfriend pa lang kami, how much more kung mag-asawa na?” she said frustratedly.
“Basta, kung ano man iyang desisyon mo, know that I am always here for you,” sambit ni Sam.
“Yea, and he’s boring in bed too. Jacob gives me the thrill,” saad nito na ikinatawa ng dalawa.
Tahimik lamang si Elle sa gilid at naghihintay ng utos ng amo niya.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at kaagad na naghilamos. Kinuha niya ang pantali sa kaniyang buhok at kaagad na ipinusod iyon. Lumabas na siya at dumeritso sa garden sa harap para magdilig ng mga halaman. Hindi na muna siya nagbihis ng damit pangkatulong at maaga pa rin naman. Tulog na tulog din ang senyorita at inihabilin pa nitong huwag siyang didisturbuhin hanggang alas-tres ng hapon.
Kinuha niya ang hose at napatingin sa langit habang nagdidilig. Papalabas pa lang ang araw kaya napangiti siya sa ganda nu’n.
“Dari!” sigaw ng kasama niyang si Daboy nang lumukso ang aso papunta sa dalaga.
Nanlaki naman ang mata ni Elle nang dilaan siya ng malaking aso dahilan para mabasa siya ng tubig mula sa hose at natanggal ang kaniyang ipit sa buhok. Natawa naman siya nang ayaw umalis ang aso.
“Let him be.”
Natigilan naman siya at mabilis na napatayo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
“Dari! Come here boy,” saad nito.
Kumaripas naman ng takbo ang aso papunta sa amo nito. Kaagad na inamo naman ito ng binata at ibinigay kay Daboy. Nahihiyang napatingin naman si Elle sa binata.
“M-Magandang umaga po, Sir Lorenzo,” bati niya rito.
Tiningnan lamang siya ng binata ng isang segundo t’saka tinalikuran. Natigilan si Elle at kaagad na inayos ang buhok niya. Mahaba ang kaniyang itim na buhok at hanggang beywang iyon. Walang sino man ang nakakita ng buhok niya na nakalugay dahil hindi iyon puwede sa trabaho niya lalo pa at nakatuka siya sa kalinisan ng mga gamit at pagkain ng senyorita niya.
Si Lorenzo Rossi ay ang fiancé ng amo niyang si Maddison. Kilala itong bilyonaryo sa bansa. Halos lahat ng pinapangarap ng mga babae ay nasa katauhan na ng binata kaya hindi niya rin masiyadong maintindihan ang senyorita niya kung bakit nakuha pa nitong magloko sa kaniyang kasintahan gayong perpekto ito sa mata ng karamihan.