TRH-1

1679 Words
Mabilis ang kilos na naligo na ang dalgaa at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas at sumabay na ng kain sa mga kasamahan niyang katulong sa loob ng mansiyon. “Kapag may tapos na sa inyong kumain, pumunta kayo sa kusina. Dito kakain ng umagahan si Sir Lorenzo,” saad ng mayordoma nilang si Felipa. Napatingin pa ito kay Elle at natigilan. “Elle, baka naman puwede kang magluto para kay, Sir Lorenzo. May ideya ka naman siguro kung ano ang gusto niyang pagkain lalo pa at magkasabay naman silang kumakain ng alaga mo minsan,” wika nito. “Po?” aniya. Nagtinginan naman sila at nagsitanguhan. “Oo nga naman, Elle. Basta ako, ayaw ko ng magluto ulit basta para kay, Sir Lorenzo. Alam kong hindi niya rin gagalawin ‘yon, sayang,” sambit ni Nica. “May gagawin ka ba ngayon, Elle? Day-off mo na ba?” usisa ni Felipa. Ngumiti naman nang tipid si Elle at umiling. “Sige na po, ako na po ang magluluto mamaya,” sagot niya. “Ayun,” wika naman ng mga kasama niya at nagpatuloy na sila sa pagkain. Nang matapos nga siyang kumain ay nagsimula na rin siyang magluto. Mga natutunan niya lang iyon sa youtube. Nagustuhan naman iyon ng amo niyang si Maddison noon kaya baka magustuhan na rin ni Lorenzo. Tinutulungan naman siya ng mga kasama niya na maghanda. Pagkatapos nga ay nagpasama na siya kay Nica papunta sa dining area. Wala ang Don at Donya, nagbabakasiyon sa ibang bansa. Ang senyorita naman nila ay tulog na tulog pa. Nasa gilid lamang silang dalawa ng kaibigan niya at nakatanaw sa binatang tahimik na kumakain. Metikuluso ang galaw at tila kalkulado lahat. Pinunasan nito ang gilid ng labi niya at tiningnan silang dalawa. “Grabe ang pogi,” bulong ni Nica sa kaniya. “Umayos ka at baka marinig ka,” sagot niya rito. Nilapitan niya ang binata at nilagyan ng juice ang baso nito. “Thanks,” tipid nitong sambit at uminom. “Kanina pa ba natutulog ang amo mo? Why is she not up yet? Anong oras na ba siya umuwi?” tanong nito sa kaniya. Natigilan naman si Elle at kaagad na iniwas ang tingin sa binata. Magkalapit kasi ang kilay nito at mukhang bad mood. “Pasensiya na po, hindi ko po alam,” sagot niya rito. “Really?” anito at tila hindi naniniwala sa sagot niya. Hindi naman umimik si Elle sa turan ng binata. “Give me the keys,” saad nito. Umayos sa kaniyang pagkakatayo si Elle. “Pasensiya na po talaga. Sinusunod ko lang po ang utos sa akin ng senyorita. Ayaw po niyang magpadisturbo hanggang alas-tres,” seryosong wika niya. Tiningnan naman siya nang mariin ni Lorenzo. “Huwag mong uubusin ang pasensiya ko. Isang hamak na katulong ka lang sa bahay na ‘to. I am your boss too. Give me the key right now,” galit nitong wika. Subalit nanindigan si Elle. Siniko na rin siya ni Nica na ngayon ay takot na takot na. Hinarap niya ang binata at tiningnan ito mata sa mata. “Si Senyorita Maddison lang po ang boss ko at hindi ikaw. Kung ano ang utos niya sa ‘kin iyon lang ang susundin ko. Sana po ay maintindihan niyo. Hindi ko po tinataas ang sarili ko o ginagalit kayo. Sinusunod ko lang ang gusto ng amo ko. Kapag sinuway ko ang utos niya para sa inyo ay mawawalan po ako ng trabaho. Mahal ko po ang trabaho ko, kaya sana maunawaan po ninyo ang dahilan ng pagmamatigas ko,” saad niya rito. Mula sa pagkakakunot ng noo ng binata ay natawa ito nang pagak. Tiningnan siya at tumango. “Fine!” anito at lumabas na ng dining area. Sinigurado naman ni Nica na nakalabas na ang binata t’saka sila nakahingang dalawa. Napahawak si Elle sa puso niya at parang lalabas na iyon sa sobrang kaba. “Diyos ko, Elle!” ani Nica. “Sana binigay mo na lang iyong susi. Baka pag-initan ka nu’n, pero ang pogi-pogi talaga ni, Sir Lorenzo. Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan grabe. Para siyang Hollywood actor,” saad nito at tila kinikilig pa. “Natakot ka ba o kinikilig?” tanong niya rito. “Kasi naman eh, sino ba naman kasi ang aayaw sa guwapong iyon? T’saka ang tapang mo girl. Baka mawalan ka ng trabaho niyan,” ani Nica. “Bakit naman? Sinusunod ko lang kung ano ang utos sa ‘kin ni, Senyorita Maddi,” sagot niya sa kaibigan. “Sa bagay, siya naman talaga ang amo mo rito. Kahit nga ang mga magulang niya walang say sa mga gusto niya,” wika nito. “Girl ha, sa sobrang loyal mo sa amo mo, baka kahit pagnakawin ka niyan susundin mo pa rin,” saad nito at natawa. Napakunot-noo naman si Elle. ------------------------------------------------------------------------ Lumabas na si Elle at tumulong na sa paglilinis nang marinig ang pagtatalo ng amo niya at ng nobyo nito. “I’ve been calling you. And that stupid maid of yours did not even give the keys to your room,” reklamo nito. Natigilan naman si Elle at napatingin sa dalawa na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. Natawa naman si Maddie. “Don’t get mad at Elle, honey. She’s just doing her job. Just like your loyal secretary. Nakalimutan mo na ba na hindi niya rin ako pinapasok sa opisina mo, when you reminded him not to let anyone enter without your consent?” wika ni Maddison. Napakalambing ng boses nito. Kaagad na sinamaan naman ng tingin ni Lorenzo si Elle. “It’s my office, Maddie. It is where I work,” giit nito. Huminga naman nang malalim si Maddison at hinawakan ang mukha ng nobyo. “What do you want? Ang aga-aga pa, pero ang init na ng ulo mo. May problema ka ba?” tanong ng nobya nito. Nagpatuloy naman sa ginagawa niya si Elle. “Can you get the hell out of my sight?” asik ni Lorenzo kay Elle. “P-Po?” “Enzo,” sabat ni Maddi. “She’s making my blood boil,” sambit nito na ikinatigil ni Elle sa ginagawa. Kung hindi lang ito nobyo ng amo niya aba’y kanina niya pa ito nahampas ng feather duster. “Elle,” malumanay na wika ng amo niya. Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili niya. Tiningnan niya ang binata at galit na galit itong nakatingin sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung ano ba ang problema nito sa kaniya. “Come, let’s have a sit,” wika ni Maddi at tinabihan ito sa couch. “Now, talk to me.” “Minamadali na ni, Mom ang kasal natin. May nakapagsabi rin sa kaniya na namataan kang may kasama sa night club kagabi. Maddi, ano na naman ba ‘to? Ilang beses ba kitang dapat sabihan na huwag ka munang gumala?” sambit nito. Tiningnan lamang siya ng nobya at inilingan. “Honey, alam mo naman na bago naging tayo may night life ako. So what kung may nakakita sa ‘kin sa night club? T’saka paano niyo nalaman? Pinapasundan niyo ba ako?” sagot niya rito. “We’re getting married, Maddie. Hindi na puwede ang mga nakasanayan mo noon. You know that my mom is so conservative. You already knew her. Alam mo rin na mainit ka sa mata ng media ngayon dahil public ang relationship natin. Stay away from scandals,” wika nito. “So, ano ba ang gusto mo? Magkulong ako rito sa bahay? Enzo naman,” reklamo niya. “What’s wrong about being in the house? Mommy is expecting you to visit her par—” “For what? Para humarap sa mga bonsai niya all day? I don’t have the time to be with that boring activity. Honey, mababaliw ako kapag kasama ko ang mommy mo. Hayaan niyo naman ako. Give me this time to enjoy myself. Kapag naikasal na tayo, t’saka ko pag-iisipan ang mga iyan. Give me time to breathe. Kapag mag-asawa na tayo hindi ko na hawak ang oras ko. Right now, sinusulit ko lang ang buhay dalaga ko. Hindi ako puppet,” sambit niya sa nobyo. “So, you think I’m being controlling?” kunot ang noong tanong ng binata. Hinawakan naman ni Maddison ang kamay nito at hinalikan iyon. “No, naiintindihan naman kita eh. Ang sa akin lang, intindihin mo rin ako. Kapag naikasal na tayo, promise, sa iyong-sa iyo na ako. Wala ka ng kahati at walang kaagaw,” wika niya at hinalikan ito. Tiningnan naman siya ng nobyo niya. Nginitian niya ito nang matamis at niyakap. Alam niyang okay na agad ito. Alam na alam niya kung paano paaamuin ang binata. Kaya madali lang sa kaniya na lokohin ito. “Kapag nalaman kong pinapasundan mo ako, makikipag-break talaga ako sa ’yo. Wala ka yatang tiwala sa ‘kin,” sambit ng dalaga at bumusangot pa. Kaagad na ngumiti naman si Lorenzo at pinisil ang mukha niya. “So cute,” anito at hinalikan ang kaniyang labi. Ngumiti naman si Maddison at nilalambing na naman ito ulit. “Huwag ka ng magalit, okay? Kung gusto ni, Tita na madaliin ang kasal natin, fine. Kung gusto niya next week, then let’s do it,” wika niya pa. Kaagad na kumislap naman ang mata ni Lorenzo sa sinabi ng nobya. “Really?” “Of course! Sino ba ang aayaw sa pinakasikat, pinakaguwapo, at pinakamayamang lalaki sa buong bansa? Baliw lang ang aayaw sa ’yo,” sagot niya. Tumango lamang ang binata at tumayo na nang makita ang oras sa relo niya. “I still have a meeting to attend to, I’ll just text you when I have spare time,” wika nito. Bumusangot naman si Maddie. “Honey, puwede bang ako muna? Lagi na lang trabaho ang inaatupag mo,” reklamo niya. Hinalikan lamang siya ng nobyo niya sa noo at ngumiti nang tipid. “I have to go, this is very important, bye, love you,” anito at nagmamadaling umalis. Naiwan namang naiinis ang dalaga at padabog na humiga sa couch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD