“Elle,” wika ni Emilia at nagmamadaling nilapitan siya at niyakap. “Ma,” tipid niyang sagot dito. Nakaupo lamang sila sa living room ng bahay at parehong tahimik. Kararating lang ng parents ni Lorenzo. “Enzo, bakit mo namang hinayaang mangyari ‘yon sa ‘yo ulit?” untag ng ina nito. Hindi naman makapagsalita si Lorenzo. Tahimik lang ito at malalim ang iniisip. “Oh God! Magsalita ka naman. Hindi ka ba naaawa sa asawa mo?” singhal ni Emilia sa anak niya. “Emilia, calm down. Wala na tayong magagawa, nangyari na. Hindi na natin kontrolado ang lahat,” sabat ng asawa niya. “Iyon na nga eh, nangyari na. Paano na ngayon? Why does it have to happen again? Hindi ka man lang nakaramdam ng kakaiba?” tanong ni Emilia sa anak niya. “Ma, huwag niyo pong sisihin si Lorenzo. Walang sino man sa atin a

