C-2

2142 Words
Pagdating ni Yvone sa mansyon, agad siyang sinalubong ni Yaya Loty, ang matagal nang yaya ni Apollo. Nakangiti ito habang binubuksan ang malaking pinto para sa kanya. "Tuloy ka, iha. Kanina ka pa hinihintay sa loob," masayang bati ng matanda. "Salamat po, Yaya Loty," magalang na tugon ni Yvone habang tahimik na tinatahak ang daan papasok sa loob ng mansyon. Pagkapasok nila sa maluwang na bulwagan, agad na luminga-linga si Yvone. Hinahanap niya si Apollo. Ngunit wala siyang nakita. Kabaligtaran ng inaasahan niya, ang lumapit sa kanya ay si Ginoong Luther, ang ama ni Apollo, na pilit ang ngiti sa labi. May kung anong kabang bumalot kay Yvone. "Si Apollo po, Tito?" tanong niya, bahagyang nanginginig ang boses. Mapait ang ngiti ng Ginoo habang unti-unting umiling. "Wala siya rito, Yvone. Nasa ospital si Apollo. He got into a car accident last night." Nanghina ang katawan ni Yvone sa narinig. Hindi niya malaman kung paano tatanggapin ang balita. "Nakausap ko pa siya kagabi. Ang sabi niya, kapag nasundo ka na niya, dadalhin ka niya rito para maipakilala ka sa pamilya. Pero hindi na siya nakarating." Tumulo ang luha ni Yvone habang pinipigilan ang panginginig ng kanyang tuhod. Pakiramdam niya, bumagsak ang buong mundo sa paligid niya. "Gusto ko pong makita si Apollo, Tito," halos pabulong pero puno ng sakit ang tinig niya. Nagbago ang ekspresyon ni Ginoong Luther, seryoso at mabigat. "Hindi mo muna siya makikita ngayon, Yvone. He's already on a flight to the U.S. He's in a coma, at doon lang may sapat na teknolohiya para gamutin siya. He needs immediate care." Tuluyang napahagulgol si Yvone. Nabalot siya ng guilt, pangamba, at matinding takot. Bumigay ang mga tuhod niya at napaluhod sa sahig habang umiiyak. Isang matandang babae ang lumapit sa kanya—mabagal ngunit puno ng dignidad. Sa isip ni Yvone, ito ang lola ni Apollo. "So ikaw pala ang bride ng apo kong si Apollo?" banayad ngunit matalim ang tanong nito. "Opo," sagot ni Yvone, halos hindi maitaas ang tingin. "Halika, iha," sabay hawak nito sa braso ni Yvone. "Maupo ka muna. Mukhang hindi mo na kayang tumayo. Baka matumba ka pa." Inalalayan siya ni Lola Norie at ni Yaya Loty papunta sa sofa. Pagkaupo niya, inabutan siya ng tissue. Hindi na niya nagawang magpasalamat—masyado pang magulo ang isip niya. "Ipagdasal na lang natin ang paggaling ni Apollo. Walang magagawa ang pag-iyak. At alam kong iniisip mo na kasalanan mo ang nangyari sa kanya. Kung hindi ka lang nagpasundo kagabi, baka hindi siya naaksidente... tama ba ako, Yvone?" Umangat ang mukha ni Yvone at matamlay na tumitig sa matanda. "I'm sorry po. Alam kong kasalanan ko po ang nangyari. Pero hinding-hindi ko po ginusto 'yon. Mahal na mahal ko po si Apollo, Lola. Kung alam ko lang na maaaksidente siya, sana ako na lang... sana ako na lang ang nasa sitwasyon niya ngayon. Hindi niya deserve ‘to. Hindi niya deserve ang sakit na ‘to." Tahimik ang sandali, hanggang sa may marahas ngunit kalmadong boses na sumingit. "At sa tingin mo, ikaw ang mas deserve na masaktan?" tanong ni Lola Norie, hindi maitago ang sakit sa tono. Hindi agad nakasagot si Yvone. Ngunit bago pa siya makabawi, nagsalita si Ginoong Luther. "Mama, this is not the right time to blame anyone. Ang importante, ligtas si Yvone." "I know that, son," sagot ni Lola Norie, bumuntong-hininga. "Pero ang sakit lang isipin na ganito ang sinapit ng apo ko. Excited pa naman ako sa kasal nila bukas..." Napatitig sa kawalan si Ginoong Luther. "So ano na ang mangyayari ngayon? Mukhang matatagalan pa ang kasal nila. Kailangang hintayin pa ang paggaling ni Apollo—kung kailan pa ‘yon." Napailing si Lola Norie. "Hay naku, Luther. Tumatanda na ako. Gusto ko nang masilayan ang mga apo sa tuhod. Paano kung ako pa ang mawala bago sila ikasal? Hindi ko yata kakayanin ‘yon." Ngumiti ng bahagya si Ginoong Luther. "Huwag kang mag-alala, Mama. Matutuloy pa rin ang kasal ni Yvone... at ni Apollo. Napatingin si Yvone sa Ginoo, may bahagyang pag-asa sa mga mata. "Po? Paano po 'yon mangyayari? Wala po si Apollo..." "Alam ko, pero... may plano ako. I want you to rest first, Yvone. You’ve been through a lot. Bukas, everything will proceed. I hope you enjoy my surprise." "Thank you po, Tito..." halos maiyak na naman siya, pero sa pagkakataong ito, dahil sa pasasalamat. "Thanks, God..." mahina niyang usal habang tahimik na nananalangin sa sarili. “Magpahinga ka muna ngayon, Yvone. And be ready tomorrow for our surprise,” sabi ni Lola Norie. “Dito ka na matulog ngayong gabi. Kami na ang bahalang magsundo sa mga magulang mo bukas. Don’t stress yourself too much.” “Salamat po—” “Lola Norie,” sabat ng matanda na may ngiting pilit. “Yes po, Lola Norie,” tipid na tugon ni Yvone. “Magiging parte ka na ng Madrigal, kaya feel at home ka sa pamilya namin.” Ngumiti lang si Yvone, hindi niya inaasahang ganito kainit ang pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Apollo. “Ihatid mo na siya sa silid niya, Loty,” utos ni Lola Norie kay Yaya na agad namang sumunod. Dinala siya ni Yaya Loty sa silid na pansamantalang ilalaan sa kanya. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanila ang isang maluwag at mabangong kwarto. “Ito ang magiging silid mo, iha. Welcome to the Madrigal family,” nakangiting sabi ni Yaya Loty. “Wow, ang ganda naman po, Yaya,” manghang sambit ni Yvone. “Mas maganda sana kung narito si Apollo, hindi ba iha?” Bumalik ang lungkot sa mga mata ni Yvone. Naalala na naman niya ang nobyong dapat ay asawa na niya kinabukasan. “Sige na, pumasok ka na at magpahinga,” dagdag pa ni Yaya Loty. Matamlay na pumasok si Yvone sa loob ng silid. Naupo siya sa gilid ng kama, pinikit ang mga mata, at binigkas ng mahina ang pangalan ng nobyo: “Apollo…” Tuluyan siyang humiga at umiyak ng kaunti hanggang sa dalawin ng antok. Hindi niya namalayang nakatulog na siya. --- Gabi na nang magising si Yvone. Madilim ang kwarto. Nagising siya dahil sa mahinang ingay mula sa labas. “Apollo?” agad niyang usal, nang marinig ang isang pamilyar na tinig sa may bandang pool. Agad siyang tumayo at lumapit sa terrace. Medyo malabo ang paningin niya, pero naaninag niya ang isang matangkad na lalaki sa may pool area. Nakatalikod ito at tila may kausap sa telepono. Ang akala niya si Apollo iyon, ngunit nang humarap ang lalaki, hindi niya makilala ang mukha. Kumurap siya ng ilang beses, ngunit bigla itong nawala sa paningin. “Sino ‘yon?” tanong niya sa sarili, nagtataka. Biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at si Yaya Loty ang pumasok. “Iha, bumaba ka na at kumain. Inaantay ka na sa ibaba,” paanyaya ng matanda. “Ang haba ng tulog mo. Mukha kang pagod. Ano ba’ng nangyari sa’yo kagabi?” may pag-aalalang tanong nito. “Wala po, Yaya. Siguro hindi lang ako sanay dito. Ang sarap po kasi ng pakiramdam,” sagot ni Yvone habang napakagat sa labi—nagsisinungaling siya. Natawa si Yaya Loty. “Ganun ba? Halika na, bumaba na tayo.” --- Habang naglalakad silang dalawa papunta sa dining kitchen, ramdam ni Yvone ang kaba sa dibdib. Medyo naiilang pa siyang makihalubilo sa buong pamilya ni Apollo. First time niyang makilala ang Lola nito, at ngayon tila naroon na rin ang iba pang kamag-anak, base sa mga tawanan mula sa loob. Malapit na sila sa dining area nang bumagal ang hakbang ni Yvone. Parang gusto na niyang magtago sa likod ni Yaya Loty. “Halika na, iha. Umupo ka na,” tawag ni Lola Norie habang tinuturo ang isang bakanteng upuan sa tabi ng lalaking nakaupo. Napatingin si Yvone sa bakanteng upuan, at doon na niya nakita ang lalaking katabi nito. “Meet my handsome grandson, Lucian Ferros. Siya ang pinsan ni Apollo,” pakilala ng matanda. Nagulat si Yvone. Medyo nailang siya lalo na’t ngumiti si Lucian sa kanya. “Hi, Miss Yvone. Nice to meet you,” bati ni Lucian. Hindi agad nakapagsalita si Yvone. Mabuti na lang at marahan siyang itinulak ni Yaya Loty papaupo. Pagkaupo niya, bahagyang yumuko siya—nahihiya at kabado. Biglang bumulong si Lucian, pero sapat para marinig ng iba. “Tunay kang maganda.” Medyo natawa si Lola Norie. “I know she’s not your type, Lucian. At isa pa, babaero ka.” Umiling si Ginoong Luther. “Lola naman, good boy ako. Hindi ako ganyan,” sagot ni Lucian. “Good boy ka diyan. Ni isang matinong babae nga, wala kang ipinakilala sa amin. Sakit ka lang ng ulo ng mga magulang mo, Lucian Ferros.” Napangiti si Lucian, pero nanatiling kalmado. Tahimik lang si Yvone, ngunit hindi maalis ang kabang nararamdaman niya sa presensya ng lalaking ngayon ay tila magiging mas malaking parte ng buhay niya… kaysa sa inaakala niya. "Okay ka lang ba, iha?" tanong ng matanda. Kanina pa kasi tuliro si Yvone, hindi mawala sa isip niya ang tanong: Siya ba 'yung lalaking kasama ko kagabi? Paulit-ulit niya itong itinataboy sa isipan, pero bumabalik pa rin. "Opo, Lola. Okay lang po ako," mabilis na sagot niya, tila nagulat pa. Tipid na tumawa si Lucian. "Lola, she’s definitely not okay. I mean, with a handsome guy beside her? I wouldn’t be surprised if she loses her appetite." Halos mapadiin ni Yvone ang hawak niyang kutsara’t tinidor. Nakuyom niya ito sa inis. "I’m not talking to you, Lucian," singhal ni Lola Norie sabay buntong-hininga. "Kumain na tayo. At ikaw, Yvone, don’t mind this annoying man beside you." Saglit na tumingin si Yvone kay Lucian at pilit na ngumiti—ngunit halatang hindi galing sa loob. Tahimik siyang nagpatuloy sa pagkain habang lutang ang isipan. "Hindi siya 'yon... Iba 'yung lalaki kagabi. Pero paano kung siya nga? Naalala kaya niya ako?" Nagtatalo ang isip ni Yvone habang pasimpleng sinusulyapan si Lucian. --- Matapos ang katahimikan ng hapunan, si Lucian ang unang tumayo. "I gotta go, Lola, Tito. I have some things to finish," paalam niya. Paglingon niya kay Yvone, ngumiti siya. "And Miss Beautiful, take some rest, alright?" Nagulat si Yvone, pero hindi nagpahalata. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang kanina pa niya dinidrowing si Lucian sa isipan niya. Why am I even thinking about him? Galit siya sa sarili. Is it because of that damn night? Bakit si Lucian ang bumabagabag sa isipan niya? Ngumiti lang siya sa binata bilang respeto sa pamilya ni Apollo. Tumayo na rin siya at nagpaalam na magpapahinga sa kanyang silid. Habang papaakyat, natanaw niya sina Ginoong Luther at Lucian na nag-uusap. Narinig niya ang huling sinabi ng matanda: "Don’t disappear tomorrow. You can’t miss it." Hindi maintindihan ni Yvone kung anong ibig sabihin noon. --- Sa silid, huminga nang malalim si Yvone. Kailangan kong makapag-beauty rest... Bukas ay ang pinakamahalagang araw ng buhay ko. Bago matulog, naisip niyang maligo muna. Pakiramdam ko ang lagkit ko pa rin. Pagkahubad niya ng damit, humarap siya sa salamin... at napasigaw. "Oh my God!" Puno ng hickeys ang kanyang katawan. Sa leeg, balikat, dibdib—lahat may marka ng halik. Ngayon lang niya lubos na na-realize: That man didn’t just take my body… he left his signature all over me. "How can I hide this? How can I face Apollo? I’m getting married tomorrow!" Tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Paulit-ulit ang bulong niya habang nakatitig sa sarili sa salamin: "I'm sorry, Apollo... I'm really sorry." --- Pagkaligo, lumabas siya ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya. Pupunta na sana siya sa closet para pumili ng damit nang tumunog ang cellphone niya. Apollo ang pangalan na lumabas sa screen. Napangiti siya. "Apollo, love..." masayang sambit niya habang sinasagot ito. "Hello, love..." Pero hindi boses ni Apollo ang narinig niya. "Who are you?! Why do you have Apollo’s phone?!" galit na tanong ni Yvone. "Are you the one responsible for his accident?! You bastard! You should've been the one in that hospital bed—not him! You're heartless!" Tumawa ang lalaki sa kabilang linya. "Ouch. That’s harsh, love. You don’t even know me, and you already want me dead?" "And don’t blame me for Apollo’s accident. I had nothing to do with that. You’ll know who I am soon enough, sweetheart." "I hate you! Don’t ever call me 'love'! Not in your dreams! f**k you!" Nanginginig sa galit si Yvone, hindi maintindihan kung bakit pinapatulan pa niya ang lalaking ito. "Hmm... I like that fire, Miss Beautiful." Napabitaw si Yvone sa cellphone. "Lucian..." Siya lang ang tumatawag sa kanya ng Miss Beautiful. "No... no way..." Paano kung siya nga? Paano kung siya ang lalaking nasa kama niya kagabi? At bukas... matatali na siya kay Apollo. Hindi niya alam kung dapat pa bang ituloy ang kasal o hindi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD