GALIT NA GALIT si Samuel sa naging pagbisita niya sa bahay ni Markus. Pakiramdam niya ay ginisa niya ang sarili sa sariling mantika. Pinahiya siya ni Markus. Nagmukhang tanga siya kanina. “Ano ba ang kailangan ninyo sa kapatid ko? At bakit kailangan ninyong bilhin ang bahay na ito?” sunod-sunod na tanong sa kanya ni Mark na ikinagalit niya. Tiningnan niya ito ng masama. “At sino ka para sabihin sa akin ‘yan? Baka nakakalimutan mo na isa ka lang utusan? Ilugar mo ang sarili mo. Akala mo ba hindi ko alam na sinadya mong ipahiya ako kanina sa harapan ng kapatid mo? Sinadya mo ang lahat ng ito. Bakit Mark, bumabaliktad ka na ba?” galit niyang tanong. “Hindi ko alam ang sinasabi mo,” sagot ni Mark sa kanya sa kanya na lalo niyang ikinainis. “Baka nakakalimutan mong hawak namin ang ama mo? B

