NATIGILAN na lamang si Mark sa balitang natanggap niya mula kay Markus. Kung ganun ay may paraan sila upang kumpirmahan na si Drew at Oliver ay si Patrick at Samuel? Babae! Iyon ang dapat niyang hanapin upang magamit laban sa magkapatid. Oras na mapatunayan niyang si Samuel ay si Oliver ay paaaminin niya ito sa kahit anumang paraan. Kailangan siyang bumawi sa kanyang kapatid sa kahit anumang mangyari at uumpisahan niya iyon kay Dane. "Condolence," wika ni Oliver sa kanya. Nasa bahay siya nito. "Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyari," sagot niya kaya natawa ito. Nagbukas ito ng mamahaling alak at nilagay sa center table. "Bakit wala ka bang minana sa peke mong lola?" tanong pa nito na natatawa. "Hindi naman na ako umaasa dahil alam ko naman na ang mangyayari. Tama ka, hindi a

