HINDI MAPIGILANG hindi maiyak ni Markus dahil sa wakas ay nayakap niya ang ina. Yakap na alam niyang wala ng galit at walang pagkukumwari. Hindi niya namalayan ang pagtabi nito sa kanilang kama ni Mark. Ito lang naman ang pangarap niya noon pa. Ang madama ang pagmamahal ng isang ina. Mahigpit na niyakap niya ang ina at muling ipinikit ang mga mata. Umaasa siyang bukas ay maging maayos pa silang lahat. Mas magiging masaya at magkakasama. Nagising si Markus sa pugpog ng halik sa kanyang mukha. Idinilat niya ang kanyang mga mata at mukha ni Patricia ang kanyang nakita. Katabi niya ito sa kama at wala na si Mark at ang kanyang ina. Niyakap niya ang nobya ng mahigpit. "Tanghali na po kamahalan, gising na!" wika pa ni Patricia sa kanya. "Ang sarap naman magising ng ganito. Ang magising na p

