ALOK NA TRABAHO

1181 Words
Namiss ko ang aking opisina, isang buwan akong namalagi sa Maynila dahil sa isang malaking proyekto. "Jordan iho, anung nangyari sa meeting mo doon sa Maynila. Paniguradong magugustsuhan nila, maganda ang napiling lugar at ang disenyo." Tanong ni daddy pagkapasok sa opisina. "Dad, okay naman, natuwa sila sa ganda ng lokasyon at palno kaya pumirma sa kontrata." "Good! Let's celebrate iho. Have a dinner with us at home. Matagal kang hindi nakakasama sa ating family dinner. Matutuwa ang mommy mo kung makaka uwi ka ngayon." "Okay dad. I'll be there!" Kakaalis palang ni daddy nung bumukas muli ang pintuan. "Sir, gusto daw po kayo maka-usap ng HR." Bungad ng aking sekretarya. "Send her in Lauren!" "Is there anything else?" Tanong ko sakanya dahil hindi pa siya umaalis. Atubiling lumapit sabay abot ng isang nakasobreng papel. "Sir magreresign po ako dahil aalis kami ng pamilya ko dito sa Cebu pansamantala." Kinakabahan niyang sagot. "What!! Why so quick hindi mo man lang ako binigyan ng hint that you're going to quit!" "Nasa Maynila po kayo sir. Actually before you're flight naglagay na po ako ng resignation letter sa mesa niyo." "Okay. I'll accept this kapag my mahanap kang kapalit mo na kasing bilis mo magtrabaho at higit sa lahat mabilis makapick up ng sinasabi. You know me! I hate to repeat myself. I need an efficient and reliable secretary!" "Copy boss!" Nakangiti niyang sagot bago lumabas. Isang linggo na noong nagpaalam sakin si Lauren nag-aalala akong wala siyang mahanap sa loob ng isang buwang palugit. Kailangan ko ng maaasahan na sekretarya lalo pat marami akong inaasikaso ngayon. I need a trustworthy secretary in my company! ******* "Pinsan, bakit ganyan ang itsura mo parang hinahabol ka ng ilang kabayo sa pagtakbo." Sita ko sakanya pagkakita kong humahangos papasok ng mansion ni Lola Tere. "Pinsan, nagmamakaawa ako kailangang-kailangan ko ang tulong mo, please!." Habol kabayong hiningang sabi ng pinsan ko. "Magpahinga ka kaya muna bago mo sabihin sa akin ang pakay mo, ikukuha muna kita ng tubig baka lusubin pa kami ni Jessie dito." Sabi ko sabay tumayong pumasok sa loob ng bahay. "Salamat pinsan." Saad niya pagkaabot ng baso at nilagok dahil sa kauhawan. "Oh! Anung tulong ba ang kailangan mo sa akin na hindi pwedeng ipabukas." Natatawa niyang tanong. "Alam mong nagtatrabaho ako sa isang hotel & resort corp dito sa Cebu at isa akong sekretarya doon." "Tapos" Putol ko sakanya. "Hmmp! Pinsan umayos ka hindi pa ako tapos magsalita." Maktol niyang sagot. "Biglaan kasi ang pagtawag ng agency kay Jessie kaya aalis na kami ng bansa. Nagresign ako pero wala akong makuha hanggang ngayon na kapalit ko, kaya pinsan please ikaw nalang ang tuturuan kong papalit sa akin." NAgmamakawa niyang hinawakan ang aking kamay. "Naku hindi ko linya yan pinsan, saka isa pa walang mag aalaga kay Jay-ar." "Pinsan please pag-isipan mo muna para my magiging pagkakakitaan ka dito. My idadahilan ka rin kina tito na hindi makabalik agad ng Maynila tandaan mo hindi pa nila alam ang tungkol kay Jay-ar. Dalawang taon ka nang andito, tuwing andito sila pinapadala mo sa akin si Jay-ar." Mahaba niyang paliwanag para mapa-oo lang ako. "Cge pinsan pag-iisipan ko yan." "Huwag mong patagalin pinsan at dalawang linggo nalang ang palugit ko!" Maganda naman ang alok ni Lauren bakit nga naman hindi ko subukan. Siguro naman hindi mahirap pakisamahan ang boss niya. Magsabi ako kay lola para maghanap kami ng makakatulong niyang mag-aalaga kapag nasa trabaho ako. Napakalikot pa naman ngayon ni Jay-ar. To: Lauren Pinsan, sige papayag na ako. Kinausap ko si lola na maghahanap ako ng mag-aalaga kay Jay-ar kapag nasa trabaho na ako. Fr: Lauren YESSS!... Maraming salamat pinsan. I love you 3000. Hulog ka talaga ng langit sa akin. Sayang naman kasi 'yong oportunidad na dumating kay Jessie. To: Lauren Hahaha. Kwela ka padin pinsan. Mahal din kita kaya tutulungan kita at higit sa lahat mahal ko si Jay-ar kaya magsisimula na akong mag-ipon ulit para sa amin. Fr: Lauren Namiss ko 'yong ganitong pinsan ko laging malakas ang fighting spirit. Si Jay-ar lang pala ang magpapabago sa'yo ng tuluyan. To: Lauren Hehe.. Oo nga pinsan akala ko kakamuhian ko siya, pero nung makita at mayakap kona sobrang saya ko na ayaw kong mahiwalay siya sa akin. Fr: Lauren |Basta pinsan andito lang kami para sa'yo. Kahit malayo na ako liliparin ko para lang sa'yo. Sana huwag mo na ding patagalin ipagsabi kina tito, huwag mong antaying maglakad at magsalita na si Jay-ar dahil sure ako na hindi mo yun magugustuhan. Mukhang matalino ang anak mo at hindi habang buhay iiwas ka sa katotohanan. Tama naman si Lauren kailangan kong harapin ang mga magulang ko para din sa ikakatahimik ng aking kalooban. Dapat kong kalimutan ang matatakutin kong version. Kailangan kong maging matatag, matapang at palaban para kay Jay-ar. Ako lang ang kanyang maaasahan at walang iba pa. Jay-ar anak mahal na mahal kita. Ikaw lang ay sapat na. "Apo darating ngayon yung apo ng dating nangangalaga ng ating manggahan. Siya na ang mag-aalaga kay Jay-ar habang nasa trabaho ka. Mabait at maalagain yong batang iyon kaya makakaasa ka na hindi mapapabayaan si Jay-ar." "Opo lola. Salamat po. Bukas na po ako magsisimulang magtraining sabi ni Lauren." "Oh siya sige apo pagbutihin mo. May tiwala naman ako sa iyo na kakayanin mo yan." "Opo lola." Sabay yakap ko sakanya. Bigla ko tuloy namiss si mommy. Napaiyak nanaman ako. Si mommy ang lagi kong takbuhan masaya o malungkot man ako. Isang yakap at halik palang niya sa akin napapawi na ang lahat ng anumang bumabagabag sa akin. Mommy miss na miss kona po talaga kayo. Sana po kapag dumating ang araw na magkita tayo hindi niyo ako itatakwil na anak dahil sa kasalanan na aking nagawa. Isa mang kasalanan ang gabing iyon, ngayon para sa akin ay isang biyayang hindi ko kailan man makakalimutan. Si Jay-ar ngayon ang buhay ko. Gagawin ko ang lahat mabigyan siya ng magandang kinabukasan at poprotektahan ng buong buhay ko. Hinahaplos-haplos ko ang mukha ng aking anak. Napakagwapo niyang bata, pinakapaborito ko ang kanyang kulay bughaw na malalim na mata. May mahahaba at makapal na pilantik. Maninipis at mapula-pula ang kanyang labi na malamang sakanyang ama nakuha dahil medyo makapal ang aking labi. Anak mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan. Sana paglaki mo hindi mo hahanapin sa akin ang tatay mo dahil hindi ko alam kung sino siya at kung saan siya hahanapin. Anak patawarin mo ako tanging pagmamahal at pag-aaruga ko lang ang kaya kong ibigay sa iyo habang nabubuhay ako. Hangad ko ay lumaki kang masunurin, mabait at may takot sa Diyos. Andito lang akong aalalay sa'yo sa anumang pangarap mo sa buhay. Mahal na mahal kita anak ko. Sabay halik sa kanyang pisngi. Kusang naglaglagan nanaman ang aking mga luha. Anita, kaya mo yan! Ikaw pa ba ang bibigay, mahiyain ka lang pero hindi ka mahina. Laban lang! Nakaya mo ang dalawang taon kaya kakayanin mo pa ang mga susunod pang taon. Para kay Jay-ar lalaban ako sa buhay at alam kong marami pang pagsubok na aming haharapin sa pagpapatuloy ng aming buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD