After two months...
"Hoy! Anita anung nangyayari sa'yo puro ka nalang tulog. Umayos kana nga jan at kakain tayo ng lomi namimiss kona." Sita ng kaibigan kong si Mory.
"Ikaw nalang bakla inaantok pa ako. Guzto ko ng pancake na my choco ice cream sa ibabaw saka isang tub ng rocky road." Sagot habang nakapikit pa.
"Nanaman! Noong isang araw at kahapon kapa kumakain niyan." hysterical niyang sagot sabayan pa ng pagtaas ng kanyang kilay.
"Ewan koba bakla sarap na sarap ako at laging hinahanap ng aking bibig!" Naglalaway kong paliwanag.
"Bakla, kung anu na yan ha! Baka naman my alaga kang engkanto sa tiyan mo! Diyahe ang type na pagkain at wala sa timing eh."
******
Dumaan pa ang dalawang buwan, mukhang hindilang sa pagkain ako nag-iba, pati katawan ko lumulubo na yata. Madalas na akong hingalin.
"Bakla sigurado ka bang okay ka lang jan? Maputla kana gurl. Tara muna sa mall magshopping para sa susuutin natin sa christmas party at mukhang nagbago ang hubog ng katawan mo." Aya ni Mory.
"Sige, sasama ako talagang kailangan ko bumili ng mga bago kung damit at lahat ay masisikip!"
Napabuntong hininga ako sa kapaguran. Buti nalang nakatapos na rin kaming mamili, kakain nalang at nahihilo na ako sa kagutuman.
"Mory, maupo muna tayo nahihilo na kasi ako!" Sabi ko sakanya, para na kasing bibigay na talaga ang katawan ko. Pati paningin ko nadodoble na kahit wala namang kadoble mga nakakasalubong namin.
"Tara! Doon tayo at may bakanteng upuan!" Hindi pa kami nakakaabot sa tinuro niyang upuan ng biglang magdilim ang aking paningin.
"Ay Anita, anung nangyayari sa'yo!.. Tulong.. Tulungan niyo po ang kaibigan ko!" Sigaw ni Mory sa mga taong dumadaan.
"Anita! Anita!..."
"Ms. tara dalhin na natin sa hospital ang kaibigan mo!" Sabi ng isang aleng gwapong kuya na nagmamalasakit.
"Salamat kuya!" Pinigilan kong makilig at ang kaibigan ko walang malay, siya muna ang bida. Charoot!
*******
"Bakla salamat naman at gising kana! Pinag-alala mo ako ng sobra." nag-aalala niyang bungad.
"Pasensiya kana bakla, talagang napagod lang ako sa pag-iikot natin sa mall tapos hindi pa tayo kumakain!" Nanghihina ko pa ring sagot.
Tahimik siyang nakatingin sa akin. "Bakla, baka naman may hindi ka sinasabi sa akin." Malungkot ang kanyang mukha.
"Ha! Anu nanaman yun bakla. Wala akong sekreto sa'yo, kahit nga pati kasingit singitan ko alam mo."
"Talaga!" Taas-kilay niyang sagot. "Kung ganun ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ka apat na buwang buntis pero wala ka namang asawa o jowa!" Asik niya sa akin, sabay taas ng kilay!
Nanlaki ang aking mata, "what!!"
"Yes friend sabi nung doktor na tumingin sa'yo apat na buwan ka daw na buntis at kailangan mong magpatingin sa isang obgyne para mabigyan ka ng sapat na bitaminang kakailanganin niyo."
Kusang naglaglagan ang aking luha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong buntis ako dahil sa isang gabing 'yon. Paano ko sasabihin sa mga magulang ko na buntis ako at walang maiturong ama! Napahagulgol ako sa pag iyak!
"Bakla tama na. Huwag ka nang umiyak, makakasama sa inyo ng anak mo. Sabi nila bawat mararamdaman daw ng ina ay nararamdaman din ng anak." Malambing na sambit ni Mory habang pipispis ang aking likod.
"Ihatid na kita sa inyo para makapagpahinga kana. Saka mo nalang ikwento sa akin ang lahat kapag handa ka na!" Kaya naging kaibigan ko siya, kahit parang bakla umasta at magsalita mabait siyang kaibigan.
Kanina pa ako tinatawag na maghapunan, pero ayaw gumalaw ng aking mga paa. Nakapako ang aking pwet sa aking kama at ayaw tumayo. Hindi ko kayang makita ang sakit na mararamdaman nila kapag malaman nila ang kalagayan ko. Kasi naman Anita, sana ginalingan mo pa ang pakikipaglaban sa manyakis na lalaking yun wala ka sana sa kalagayan mo ngayon. Parang tanga kong sermon sa aking sarili.
"Daddy, pwede ba akong magbakasyon muna kina lola sa Cebu, kahit isang taon lang?" Tanong ko kay daddy habang kumakain kami ng umagahan.
"Wala namang problema anak, pero bakit parang biglaan naman yata na guzto mong pumunta doon?" May dudang tanong ni daddy.
"Gusto ko lang magrelax dad, pagkatapos kasi ng college nagtrabaho ako agad. Gusto ko munang makapagpahinga bago ko pagtuunan ang ating mga nesgosyo." Nakakamatay kong pagsisinungaling.
"Oh, sige anak, kailan mo naman gustong umalis at ihahatid ka namin ng mommy mo?"
"Huwag na dad, kaya ko naman po bumiyahe mag-isa para hindi na po kayo mapagod ni mommy." Ginalingan ko na sa pagsisinungaling. Lord, huwag mo po munang susunugin ang kaluluwa ko. Promise, hulina ito.
******
Nakatayo ako dito sa laabs ng Cebu paliparan. Inaanaty ko ang aking pinsan na susundo sa akin. Sa pagmamadali kong umalis, hindi ko nasabihan si Mory na siya na ulit ang magiging assistant ni daddy.
To: Mory
Bakla, sorry ha hindi na ako nagsabi sa'yo, biglaan ang alis ko bago mahalata ang paglobo ng aking tiyan. Andito na ako sa Cebu ngayon at kina lola Tere ako titira ng isang taon. Depende sa sitwasyon kung kailan ako babalik jan.
Fr: Mory
Baklaaaaa!!!! Kukurutin na kita sa tinggil mo eh! Kaya ko naman maglihim ng sekreto para takbuhan mo ako ng ganyan. Oh, siya dadalawin nalang kita jan para naman hindi ka masiraan ng bait.
To: Mory
Salamat bakla, promise mo yan ha. I love you!
Fr: Mory
Mahal na mahal din kita bakla, kaya ingatan mo ang sarili mo kasi doble kana ngayon.
To: Mory
Opo mommy..hehe
"Apo, kumusta kana? Buti naman naisipan mong dumalaw ulit dito." bungad bati ni lola Tere.
"Lola okay naman po ako. Pasensiya na, kung ngayon lang po ako nakadalaw sa inyo." Tinitigan ako ni lola na parang binabasa ang laman ng aking utak.
"My problema kaba apo, kasi tuwing fiesta at pasko lang kayo napunta dito mag-anak?" Deretsahan niyang tanong. Yun tayo eh. Wala man lang bakasakali si lola.
Tama naman si lola eh! Hindi kami naliligaw dito kung wala naman kaming problema. Si lola kasi magaling magbigay ng payo. Galing talaga umamoy ni lola.. Napapailing nalang ako.
"Lola, dito po muna ako titira ng isang taon o hihigit pa. Depende po sa magiging sitwasyon. Wala po kasing alam sina daddy bakit ako pumunta dito." Walang halong pagsisinungaling kong sagot.
"Ha! Bakit ka naman dito titira ng ganyan katagal?" Gulat na tanong ni lola.
"La, buntis po ako!" malungkot kung sagot.
"Diyos ko kang bata ka! Bakit hindi mo sinabi sakanila apo. Karapatan nilang malaman ang kalagayan mo, hindi ka nila pababayaan." Sermon ni lola.
Umiiyak na ako, "kasi lola hindi ko po kilala ang ama ng anak ko." Humagulgol na talaga ako sa pag-iyak.
Kitang kita ko ang awa sa mukha ni lola. Parang may gusto pa sanang sabihin pero piniling itikom nalang ulit ang kanyang bibig na nakatingin sakin ng taimtim. MAkikita mo ang pagkahabag sa kanyang mga mata.
"Tahan na apo, makakasama sa inyo ng anak mo kapag emosyonal ka. Kung yan ang pasya mo, sige suportahan kita. Hindi kita tatanungin ngayon kung paano nangyari yan sa 'yo, bahala ka magsabi sa akin kapag handa ka nang pag-usapan natin." Sabi ni lola.
"Opo lola, salamat. Pakiusap ko lang po, huwag po sana makakarating sa Maynila ang kalagayan ko hanggat hindi pa po handa ang kalooban ko."
"Makakaasa ka apo. Magpahinga kana sa dati mong kwarto, tatawagin nalang kita kapag hapunan na."
Malungkot at umiiyak si lola Tere habang tinitigan si Anitang masarap ang tulog. Naaawa ako sa iyong kalagayan apo pero wala naman ako magagawa. Mahirap maging isang ina at ama lalo sa panahon ngayon, mapanghusga ang mga taong nakapaligid. Kung mahina ka, bibigay ka. Naniniwala akong mapapatawad ka at matatanggap ng magulang mo ang lahat apo. Magiging matatag ka para sa inyo. Walang kasalanan ang bata para magdusa. Apo, hiling ko din na mahalin at alagaan mo siya sa likod ng nangyari sa'yo. Baka nangyari sa iyo ang bagay na yan para bigyan ka ng isang leksiyon para maging matatag ka sa buhay. Darating ang panahon at lilisanin ko ang mundong ito. Aking dalangin na mahanap mo ang kaligayahan sa iyong buhay apo ko. Sabay haplos sa mukha ni Anita bago lumabas ng kwarto.