I'M NOT hurt. I've lived for twenty years without him, I'll surely survive another twenty without him!
Nabali ni Peanut ang birthday candle na ididikit niya sana sa kahon ng cake na in-order sa kanila ng isang customer dala ng labis na panggigigil. Mabuti na lang at mamaya pa 'yon babalikan kundi ay baka sa harap pa ng customer siya pumalpak. "Shoot..."
"Peanut, ako na d'yan." Hindi na siya hinintay ni Shizu na sumagot. Kumuha ito ng bagong kandila sa basket at ito na ang nagdikit niyon sa kahon gamit ang scotch tape.
Bumuga siya ng hangin. "I'm so sorry, Shizu."
"You're always composed, Peanut. This may sound rude, pero naaaliw akong makita kang ganyan," anito sa tonong nanunukso lamang.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Kung hindi mo napapansin, you have a wall around you, Peanut. Kung naapektuhan ka na ng ganyan ng isang tao, ang ibig sabihin niyan, natibag niya ang pader na 'yon. You're normal again."
"Sinasabi mo bang hindi ako normal?" biro niya.
"Hindi naman talaga normal ang pigilan mo ang emosyon mo, 'di ba?"
"Pasalamat ka kaibigan kita kundi, inaway na kita."
Nakangising nag-peace sign ito sa kanya. "Kaya nga malakas ang loob kong sabihin 'yon dahil magkaibigan tayo."
Natigilan siya. Nakakainis. Tama ang bruha niyang kaibigan. Matagal na niyang pilit na pinapatay ang mga emosyong alam niyang makakasakit lang sa kanya. Pero ang walanghiyang Bread na 'yon, walang kahirap-hirap na tinunaw ang depensa niya!
But he's just like that woman. Iiwan lang din pala niya ko sa huli.
Bukod sa nasaktan siya ay labis din siyang nadismaya. Siguro nga ay totoo ang pinakita nitong pag-aalala at pagmamahal sa kanya, pero hindi 'yon sing tindi tulad ng nararamdaman niya para rito. Maybe she had assumed too much, too, but it still hurt like hell.
Natigilan lang siya sa pakikipagharutan kay Shizu nang mula sa salaming pader ng Harury's Sweets ay may nakita siyang binatilyong nakaupo sa kalsada. Nakatalikod sa kanya ang binatang naka-Amerikana na nakatayo sa harap ng batang lalaki. Kinutuban siya ng masama.
Dali-dali siyang lumabas ng shop. Tinulak niya ang lalaking naka-Amerikana at agad siyang lumuhod sa binatilyong nasaktan para alalayan ito. Nagulat pa siya ng makilala kung sino ang batang 'yon.
"Harry?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.
Harry, even though he couldn't maintain eye contact with her, smiled. And despite his mild speech defect, he still couldn't hide the excitement in his voice upon seeing her. "A-Ate!"
"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" tanong niya rito habang inaalalayan itong tumayo.
"S-si K-Kuya Haru!" At may kung sino itong tinuro sa kanyang likuran.
Pakiramdam niya, nanigas ang buo niyang katawan. Napalunok siya. Iisa lang naman ang lalaki sa likuran niya – ang lalaking walang kaabog-abog na itinulak niya!
"Sir Haru!" Narinig niyang sigaw ni Shizu na lumabas marahil ng shop nang makita ang nangyayari.
Napapikit siya ng mariin. She was dead now.
"Sir Haru, ayos lang ho ba kayo?"
"Yes, I'm okay. They're just little scratches."
Scratches?!
Naglakas-loob na siyang harapin ang kanyang boss na hindi sinasadyang masaktan niya. "I'm sorry, Sir! Akala ko kasi, sinasaktan mo 'yong bata."
"Nah, it's fine," nakangiting wika ni "Haru." "Inakala mong sinasaktan ko si Harry kaya mo ko naitulak. I understand that. Pero ang totoo niyan, nadapa siyang mag-isa at tutulungan ko na sana siyang tumayo nang dumating ka. I'm glad to know you're concerned about my brother."
"Ikaw ang kuya ni Harry?"
Harry pulled Haru's coat to get his attention. "Kuya, Ate was the girl who saved me before."
Lumuwang ang pagkakangiti ni Haru. "Ikaw ang babaeng tumulong no'n sa kapatid ko? Is this what they call 'fate'?"
Pabirong siniko siya ni Shizu. "Magkakilala pala kayo ni Sir Haru."
Nagulat siya. "Kung gano'n..."
"Yes, I'm the owner's son and I'm the new manager of Harury's Sweets," nakangiting wika ni Haru. Nilahad nito ang kamay nito sa kanya. "I'm Haru Villecencio. Puwede ko bang makilala ang babaeng nagligtas sa kapatid ko?"
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "I'm Peanut Illustrano, Sir Haru."
"Nah, let's drop the formality. I don't intend to treat you like an employee anyway," nakangising wika nito, sabay kindat.
"What?"
"I like your name, Peanut." Ngumiti ito at nilapit ang mukha sa kanya. "And I already like you. Will you go out with me?"
"No."
***
NAKAKUNOT ang noo ni Peanut habang binabasa ang hand-out niya. Malapit na kasi ang mid-term exam niya kaya todo aral na siya. Hindi siya puwedeng mawalan ng scholarship.
"Peanut."
Tumigil siya sa pagbabasa nang marinig ang pagtawag na 'yon sa kanyang pangalan. Lumukso ang puso niya pero hindi niya 'yon ipinahalata. "Bread."
Lumapit ito sa kanya. He still was emotionless as he gazed down at her. "How are you?"
"I'm good," matipid na sagot niya kahit gustung-gusto niya itong tarayan.
Sino ba namang babae ang magiging okay pagkatapos ma-reject ng lalaking mahal niya?!
But she couldn't blame him for her heartache. Siya lang naman ang nag-assume na mahal din siya nito dahil lang mabait ito sa kanya. Nasasaktan siya, oo. Pero hindi 'yon sapat para magalit siya rito. And even if she wanted to get mad with him because he didn't feel the same way for her, she couldn't because still loved him with all her heart.
"You don't look good to me." Bumakas ang pag-aalala sa mga mata nito. "You lost weight."
Tumangu-tango siya. Napansin din naman niya 'yon. Hindi 'yon maiiwasan dahil ilang gabi na siyang walang tulog dahil sa pagre-review. "I've been busy," maikling sagot niya.
"No matter how much you've been busy, you still shouldn't have neglected your health," tila sermon pa nito sa kanya. "Let's have lunch toge –"
Itinaas niya ang isa niyang kamay upang pigilan ito sa pagsasalita. "Stop being so nice to me, Bread. Hindi ako immune sa'yo. I'll fall in love with you all over again kahit katiting na pag-aalala lang ang iparamdam mo sa'kin."
His eyes darkened. "Peanut... let's talk."
Hinawakan siya nito sa braso at inakay papuntang Empire Park. Nagpatianod na lamang siya dahil kahit itanggi pa niya sa sarili niya, na-miss niya ito. At gusto niya itong makasama kahit sandali. Sa ilalim ng malaking puno siya nito dinala. Mabuti na lamang at kaunti lang ang estudyante ro'n kaya hindi sila umani ng atensyon.
"Ano bang gusto mong pag-usapan natin, Bread?" tanong niya rito habang binabawi niya ang braso niya mula rito.
Nag-aalangan man no'ng una ay umangat pa rin ang kamay nito upang abutin siya. He looped his pinky with hers. "I'm sorry, Peanut. Nagkamali ako sa mga sinabi ko sa'yo. I really care for you, and I really want to keep you by my side. Siguro masyado akong naging kontento sa sitwasyon natin kaya hindi ko agad napag-isipan kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa'yo.
I've never been in love, Peanut. Lahat ng nararamdaman ko para sa'yo, bago, kaya nalilito pa ko. Natatakot din ako dahil sa hindi magandang nakaraan ko. May isang napakahalagang tao akong hindi nailigtas noon, kaya pilit kong inilayo ang sarili ko sa iba, dahil ayokong masaktan uli at makasakit. But you came, and I find it hard to stay away from you.
I want you in my life, Peanut. Siguro nga hindi ko napaghandaan ang pagdating ng isang tulad mo kaya natataranta ako ng ganito, pero gusto kong pag-aralan 'yon. Give me time. I don't want to lose you. So, while I nourish my feelings for you, puwede bang manatili ka sa tabi ko?"
Pinag-isipan niya ang mga sinabi nito. Kung gano'n, may pag-asa pa naman pala siyang mahalin din siya nito. Base sa mga narinig niya, napagtanto niyang may emotional issue din ito mula sa traumatic past nito. Pero may mga isyu rin siya na humahadlang sa kanya para tanggapin ang kompromiso nito.
Binawi niya ang daliri niya mula rito. "I can't do that. May mga takot din ako, Bread. Paano kung sa huli ay mapagtanto mong hindi mo pala ako mahal gaya ng pagmamahal ko sa'yo? Kung meron mang isang bagay na ayoko nang maranasan uli, 'yon ay ang iwanan. Kaya mabuti pang itigil na lang natin 'to."
"Hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko," matatag na wika nito.
Umiling uli siya. "Siguro naging dependent ka lang sa'kin dahil ako ang unang babaeng nakalapit sa'yo ng ganito. At ayokong makampante sa "siguro" na 'yan. Iniwan na ko ng pinakamahalagang tao sa buhay ko, Bread. Makakaya kong mawala ka – ikaw na hindi siguro kung sino ako sa'yo."
Nilagpasan na niya ito. Her heart was being torn into pieces as she walked away from him. But she needed to protect herself from getting hurt further. Call her coward, pero kung isusugal niya ang puso niya at madurog lang 'yon sa huli, wala nang matitira sa kanya. Matapos siyang iwan ng kanyang ina, tanging ang tibay ng loob na lang niya ang kinapitan niya upang patuloy na mabuhay. Kung pati ang tapang na 'yon ay mawawala sa kanya dahil sa pagkabigo niya sa pag-ibig, baka tuluyan na siyang mawalan ng kumpiyansa sa kanyang sarili.
"Hi, Peanut!"
Natigilan siya sa paglalakad at marahas na nilingon ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yon. Naningkit ang mga mata niya nang makitang nakasandal sa kotse nito na nakaparada sa tapat ng gate ng Empire si Jam. "Yes?"
Lumapit ito sa kanya. "Naalala mo ba ko? I'm Bread's friend, Jam."
"So?"
Nagulat ito sa kagaspangan ng ugali na ipinakita niya rito. Pero bago pa ito makapag-react ay lumagpas na ang tingin nito sa kanya. "Bread."
"What are you doing here, Jam?" tanong ni Bread na nakatayo na sa tabi niya.
Jam smiled shyly. "My mother texted me. Inaaya ka ni Mommy na mag-lunch with us today. Nasa restaurant na sila ni Tita Barbara," anito na marahil ang tinutukoy ay ang ina ni Bread.
Nagpanting ang mga tainga niya sa paulit-ulit na pagtawag ni Jam ng "Mommy" sa ina niya na hindi na niya matawag na gano'n. Walang imik na iniwan na niya ang dalawa. Akmang tatawid na siya nang may magarang itim na sports car ang huminto sa tapat niya.
Bumaba ang bintana ng driver's side ng kotse at dumungaw ang pamilyar na guwapong mukha. "Hello, Peanut!"
Kumunot ang noo niya. "Sir Haru? Ano'ng ginagawa mo rito?"
Ngumiti at bumaba pa sa kotse nito. Sumandal ito sa pinto at humalukipkip habang nakatitig sa kanya. "Well, I'm here to fetch you. Nalaman ko kay Shizu kung saan ka nag-aaral, at ang oras ng uwi mo. Nabo-bored ako sa shop kaya sinundo na lang kita."
Tatanggi na sana siya nang makita niya mula sa gilid ng mga mata niya na nakatingin sa direksyon niya sina Bread at Jam. Hinarap niya si Haru. "Fine. Sasabay na ko sa'yo papunta sa shop. Pero ngayon lang 'to."
Hinimas-himas nito ang baba nito na parang nag-iisip. "I can't promise you that, Peanut."
Nahampas niya ito sa braso sa labis na pagkainis na ikinatawa lang nito. "Umayos ka, Sir Haru."
Tumawa lang uli ito. Hinawakan siya nito sa braso at inakay papunta sa passenger's side ng kotse nito. He opened the door for her. "Ang cute mo kapag nagagalit," nakangiting wika nito.
Inirapan niya lang ito. Natawa lang uli ito saka nito sinara ang pinto ng passenger's side. Ilang segundo lang ay nasa driver's seat na ito. Binuhay nito ang makina ng kotse saka pinaandar iyon. Habang papalayo sila sa Empire ay nanatili siyang nakatingin sa side mirror. Nakatingin pa rin si Bread sa direksyon nila pero hinawakan ito ni Jam sa braso.
She felt a prick in her heart.
"Are you free next, next week, Peanut?"
"No."
He chuckled. "Aw, don't be like that. Gusto kitang isama sa birthday party ni Harry bilang date ko. You care for my brother, and he likes you, too, so you should be there. Pretty please?"
"No."
"Why?"
"Because you're annoying."
"I really like you, Peanut!" tatawa-tawang wika nito.
***
"PEANUT, may bisita ka."
Mula sa workbook niya ay nag-angat siya ng tingin kay Sava. "Sino?"
"She said she's your friend."
Baka si Shizu. "Oh. Thanks." Niligpit na niya ang mga gamit niya at bumaba sa sala. Nagulat siya nang sumalubong sa kanya ang huling taong gusto niyang makaharap. "Jam?"
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa. "Hello, Peanut. Tinanong ko kung Bread kung saan ka nakatira pero hindi niya alam na pupuntahan kita. Puwede ba kitang makausap?"
She motioned her to sit down. Umupo naman siya sa pang-isahang sofa sa tapat nito. "Ano'ng gusto mong pag-usapan?"
Kinuha nito ang plastic bag na nakalapag lang sa sahig kanina at pinatong 'yon sa center table sa pagitan nila. "Let's talk with canned beers."
Nagulat siya. Canned beers nga ang dala nito! "Bakit?"
"We're both twenty. Legal na tayong uminom at light lang naman 'to." Binuksan nito ang isang canned beer at inabot 'yon sa kanya. "Gusto kong maging tapat ka sa'kin."
Bawal ang alak sa dorm nila. Mabuti na lamang at wala pa ang landlady nila.
She took the beer from her. "Fine. Now, talk."
Tinungga muna nito ang alak nito bago ito nagsalita. "Do you like Bread?"
Napahigpit ang hawak niya sa alak dala ng pagkabigla. Oh, she wanted to have a heart-to-heart talk, huh? Tinungga niya muna ang alak bago siya sumagot. "No," pagsisinungaling niya.
"Liar! Nakita ko kayong magkayakap ni Bread outside the bakeshop you're working at." Bigla na lang itong humikbi. "That day, when you quietly went out the shop while Bread and I were talking, he made a really, really sad face. His eyes were filled with longing as he watched you walk away. To think that you've only taken a few steps away from him. Kung nakita mo lang ang itsura niya, parang nasasaktan siya dahil lang lumayo ka sa kanya."
Napalunok siya. May kung anong pumiga sa puso niya dahil sa mga sinabi ni Jam. Gano'n katinding emosyon ba talaga ang ipinakita ni Bread nang araw na 'yon?
Muling tinungga ni Jam ang alak nito. Mukhang naubos nito 'yon dahil nagbukas ito ng panibagong canned beer. "No'n pa lang, na-realize ko na kung gaano ka kahalaga sa kanya. He followed you without even bidding me goodbye. Para bang awtomatiko na sa kanya ang sundan ka at dumikit sa'yo." Tiningnan siya nito ng diretso sa mga mata. "You were jealous, right?"
Nag-iwas lang siya ng tingin dito. Mahirap itanggi ang bagay na 'yon.
"See? You can't deny it. Gusto mo rin si Bread tulad ng pagkagusto niya sa'yo," giit nito.
Hinarap niya ito at tinapunan ng masamang tingin. "'Wag kang magsalita na parang alam mo na ang lahat. Bread himself doesn't know how he feels about me."
Ngumiti ito ng malungkot. "Kapag ang tao ay nalilito sa nararamdaman niya, hindi salita ang magpapangalan ng mga damdamin niya. It would be his actions. Bread may be confused, but his actions never betrayed his feelings."
Natigilan siya. Tama ito. Marahil nga naguguluhan pa si Bread sa nararamdaman nito para sa kanya kaya hindi nito 'yon mapangalanan. Pero hindi ba't sa mga kilos pa lang nito, ramdam na niyang pagmamahal 'yon? Ang tanging pumipigil lamang sa kanya na tanggapin 'yon ay ang takot niya. But she could overcome her fear if she would only trust him.
Her mother's face flashed in her mind.
Mapait na ngumiti siya. "I don't know if I can trust his feelings. Minsan na kong nakaramdam ng labis na pagmamahal. Pero sa huli, iniwan din ako ng taong 'yo –"
"Stop comparing him to that person who had abandoned you!" Tumungga muli ng alak si Jam.
"Alam mo, masuwerte ka nga dahil gano'n ka niya kamahal na kaya niyang harapin lahat ng issue niya para lang makasama ka niya. If I were you, ako na ang pinakamasayang babae. You're so lucky to have him, Peanut. Very lucky." Tuluyan na itong umiyak.
Pinanood niya lang ito habang patuloy ito sa pag-inom ng alak habang umiiyak. Jam must have loved Bread, too. Parang piniga muli ang puso niya. Kung sinabi niya kay Bread noon na ito ang nagligtas sa kanya at hindi siya, he must have fallen for Jam, not for her. Nagtagumpay nga siya sa pag-agaw sa binata mula sa stepsister niya, pero bakit hindi siya masaya? Bakit nasasaktan siyang makitang masaktan ang babaeng dapat ay kinakamuhian niya?
"I love Bread..." umiiyak na wika nito.
Pulang-pula na ang mukha nito. Naka-apat na canned beers ito kaya marahil ay lasing na ito. Himikbi-hikbi ito habang kinukusot ang mga mata. Mayamaya lang ay inihilig nito ang ulo sa armrest ng sofa saka ipinikit ang mga mata. Suminghot-singhot ito habang patuloy sa paghikbi. She looked like a child.
Namalayan na lang niya ang sarili niyang nakangiti habang pinagmamasdan ang inosente at maganda nitong mukha. "Why can't I hate you, Jam? Bakit nag-aalala ako sa'yo lalo na no'ng magpakalat-kalat ka sa Empire ng mag-isa? Bakit nasasaktan ako dahil nasaktan kita? Bakit kahit inagaw mo sa'kin ang mama ko, hindi pa rin kita magawang kamuhian? You're not even my real sister... so why?" Tuluyan na siyang napahikbi. "I can't hate you... I can't hate our mother, too."
Tumayo siya at hinubad ang jacket na suot niya. Pinatong niya 'yon sa katawan ni Jam upang hindi ito lamigin. Nag-squat siya sa harap nito, saka hinawi ang buhok nito na nakatabing sa mukha nito. Malungkot na ngumiti siya. "I'll tell you a secret... I don't hate you. Dahil ang totoo, nagseselos lang ako dahil kasama mo si Mama. At dahil gusto kitang maging kapatid. I've always wanted to have a little sister, you know?"
Natigilan lang siya sa pakikipag-usap sa tulog na Jam nang tumunog ang cell phone nito. Kinuha niya 'yon mula sa bulsa ng pantalon nito.
Mom calling.
Napaiyak na siya ng tuluyan. Her mother was probably worried about Jam now. Nami-miss na niya ang mama niya at ang pag-aalala nito. She really hated that she couldn't bring herself to hate her mother who had abandoned her, and the girl who had taken her place. Because deep down her heart, she loved them so much. They were the family she had always yearned for.