Chapter Six

2692 Words
"HINDI ka ba galit sa'kin?" tanong ni Peanut kay Bread habang namimili siya ng pinakamurang canned corned beef sa estante ng grocery store na 'yon. "Bakit ako magagalit?" Nilingon niya ito. Nakatayo lang ito sa tabi niya habang nakatitig sa mga corned beef sa harap nila. Ito ang may dala ng basket kung saan nakalagay na ang pasta at cheese. "Because I was very immature earlier. And rude, too. Nagtampo ako dahil lang nakipag-usap ka ng matagal sa iba." She didn't know she could be this open to her feelings now. Kanina kasi, habang yakap siya nito, pagkatapos niyang lantarang ipakita rito ang pagseselos niya, pakiramdam niya ay nagkaroon na sila ng pagkakaunawaan. An understanding that did not need to be uttered by words. Dahil nang sundan ay yakapin siya nito, naramdaman niyang pareho lang silang may nararamdamang espesyal para sa isa't isa. She wanted to leave it at that for now. Matagal bago sumagot si Bread. Hindi pa rin ito lumilingon sa kanya. His ear was red, so he was probably blushing again. "I'm matured enough to deal with your tantrums." Eksaheradong sumimangot siya. Pero inaamin niyang kinilig siya. Pinagbibigyan siya nito parati. At gustong-gusto naman niya ang pag-aalaga at pag-aalala nito sa kanya. Being taken care of was new to her, but she was starting to get used to it. "Sorry," malambing na wika niya, saka dumikit dito. Their arms were touching, and the tingling sensation was there again. No'n siya nito nilingon. May pang-unawa sa mga mata nito. "Apology accepted. Pero sa susunod na may magawa akong hindi mo nagustuhan, kausapin mo ko at ipaliwanag mo sa'kin ang problema para maayos natin. We should act like responsible adults that we are." Tumango siya. Tama naman kasi ito sa lahat ng sinabi nito. "Opo." Pinisil nito ang baba niya. "Good." "Okay na tayo?" Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Opo," panggagaya nito sa linya niya. She giggled. Maluwag sa kaloobang okay na sila. "Do'n naman tayo sa spaghetti sauce." Maglalakad na sana siya nang maalalang may kasama siya kaya hindi niya kailangang magmadali. Hinawakan niya sa manggas ng polo nito si Bread. "Maraming tao ngayon sa grocery. Kakapit ako sa'yo para hindi ka mawala." Bumuga ito ng hangin. Inalis nito ang kamay niya sa manggas nito at hinawakan 'yon ng mahigpit. Then, he looked straight into her eyes. "Peanut, if you don't want us to get separated in a crowd, instead of holding on to my clothes, or tying the straps of our backpacks together, let's just hold hands. I assure you, we won't get apart. I won't lose you, because I will never let go of your hand." She wanted to cry but she held back her tears. The moment was too beautiful for her whining to ruin it. Sinabi nito ang mga bagay na matagal na niyang gustong marinig mula sa isang tao. At last, she found someone who wanted to stay with someone like her. "Kung ganyan pala kaganda ang sasabihin mo, sana pumili tayo ng magandang lugar. Hindi 'yong dito sa grocery sa tapat ng mga corned beef," kunwari ay reklamo niya upang ikubli ang kasiyahan niya. Ngumiti lang ito. "Peanut, salamat din sa pag-a-adjust mo sa'kin nitong nakaraan. Katulad kanina. I was too shy to ask if I could come along with you, kaya nakiusap ka pang ihatid kita. I'm sorry if you had to do that for me." He squeezed her hand. "Let me take it from here now." Napatitig siya sa mukha nito. Kinagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang matawa. His face was so red! And he was so cute! "You know what? "Robot" ang tawag sa'yo ng mga schoolmates natin dahil daw madalas ay wala kang emosyon. Who knew robots could blush easily?" Nag-iwas lang ito ng tingin saka siya hinila papunta sa estante ng mga spaghetti sauce. "Para saan nga pala 'tong binibili mo? Is this for dinner?" pag-iiba nito ng usapan. "Yep. Birthday ko kasi ngayon kaya magluluto ako ng spaghetti para sa mga ka-dorm ko." Bigla itong huminto sa paglalakad at nilingon siya. "Birthday mo?" gulat na tanong nito. "Yep. I'm twenty now." "What do you want?" "Ha?" "Anong gusto mong regalo? Please don't say "anything." Wala akong alam na item na "anything" ang brand," anito na may halong pagbibiro sa seryosong boses. Natawa siya ng marahan. Pagkatapos, pumasok sa isip niya ang masayang imahe ng mag-ina no'ng nakaraang araw sa Harury's Sweets. Gumapang ang pamilyar na kurot sa kanyang puso. "A birthday cake," wika niya. "'Yon ang gusto ko." "'Yon lang?" Nakangiting tumango siya. "Iba pa rin ang birthday cake sa ordinaryong cake. Gusto ko 'yong may candle at kakantahan ako ng birthday song. Sa apat na taon ko rito na malayo kina Lolo't Lola na nasa Cebu, hindi na ko bumili ng birthday cake. Mahal kasi 'yon kaya spaghetti na lang ang binibili ko, para mas marami rin ang makakain." "Your parents...?" "'Both gone," aniya sa malamig na tinig. Hindi pa siya handang ibahagi rin ito ang ginawang pang-iiwan ng kanyang ina kaya 'yon na lamang ang sinagot niya. He squeezed her hand. "Sorry." Umiling lang siya. "It's okay." Inilagay na niya ang spaghetti sauce sa basket na dala nito. Naglalakad na sila na magkahawak-kamay pa rin nang mapadaan siya sila sa estante ng mga palaman sa tinapay. Natawa siya nang makitang magkatabi pa ang peanut butter at stawberry jam. "Bread, ano'ng mas gusto mong palaman sa tinapay? Peanut butter o strawberry jam?" Hindi pa rin talaga siya maka-get over sa pagseselos. "Both," kaswal na sagot nito. Mukhang hindi nito napansin ang implikasyon sa tanong niya. Boys could be this dense. She was actually asking him to choose between her and Jam! Alam niyang nagiging childish na naman siya pero gusto niyang marinig na siya ang pinipili ni – Natigilan siya nang maramdaman ang mainit at malambot na mga labi nito sa kanyang pisngi. Nilingon niya ito at sa labis na pagkabigla ay napatitig na lang siya rito. He was looking ahead but his eyes seemed to be shining. "But if I have to choose, I'd pick peanut butter." Napayuko na lang siya nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Na-gets naman pala nito ang pag-iinarte niya. Masarap din pala ang maging childish paminsan-minsan. Especially if Bread was spoiling her. *** MINASAHE ni Peanut ang nananakit niyang balikat. Pagkatapos kasi nilang mag-grocery ni Bread tatlong oras na ang nakakalipas ay agad siyang nagluto ng spaghetti at nagprito ng fried chicken para maging hapunan nila ng mga doormates niyang sina Sava, Mava at Lava. Triplets ang mga ito at pare-parehong magaganda. Higit sa lahat, magkakamukha ang mga ito kaya minsan ay nalilito siya. "Happy birthday, Peanut!" masiglang bati ni Sava sa kanya. Ito ang nagpapahiram sa kanya ng gitara. Pero hindi siya nito maturuan tumugtog niyon dahil busy ito sa thesis nito. "Thank you, Sava," nakangiting wika niya rito. Inabot nito sa kanya ang isang kahon na may ribbon sa ibabaw. "From us – the triplets – with love," anito, sabay kindat. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. "Salamat. Hindi na sana kayo nag-abala. At 'wag mo kong kindatan, baka ma-in love ako sa'yo," biro niya. Natawa ito. "Sira!" "Ay, ito nga pala ang regalo ko sa'yo, Peanut," wika naman ni Mava, sabay abot ng kahon sa kanya. Walang wrapper ang kahon, at walang kadise-disenyo. Sa tatlong magkakapatid, ito ang pinaka-boyish kumilos. Binatukan ito ni Lava. "Ano ka ba naman, Mava! Hindi ka na nahiya kay Peanut! Ni hindi mo man lang binalot 'yang regalo mo kahit sa art paper lang!" "Ha? Kailangan pa ba 'yon?" Natawa na lang siya nang magsimula nang magharutan ang tatlo. Sa apat na taong nakasama niya ang triplets sa dormitoryo ay naging pamilya na niya ang mga ito. Natigilan lamang ang mga ito sa kakulitan nang may nag-doorbell. "Baka si Manang Luz 'yan," ani Sava. "Pero 'di ba ang sabi niya, next week pa ang uwi niya mula sa probinsiya?" nagtatakang tanong niya. "Maybe she wants to surprise you," nakangiting wika ni Mava. "I'll open the door," boluntaryo ni Lava saka lumabas ng kusina. Mayamaya ay sumigaw ito. "Peanut, may bisita ka!" "May inimbitahan ka ba?" sabay na tanong nina Sava at Mava. Umiling siya. "Wala naman." Lumabas silang tatlo sa kusina. Pagdating sa sala ay napasinghap siya nang makita kung sino ang bisita niya – si Bread! May hawak itong bilog na chocolate cake na may kandilang hugis "20" sa ibabaw. Naumid ang dila niya at naramdaman na lang niya ang mabilis na pagpatak ng mga luha niya kahit wala pa itong ginagawa o sinasabi man lang. "Happy birthday, Peanut," anito sa tila walang emosyon na boses, subalit kumikislap naman ang mga mata nito. And then, he started to sing. "Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday Peanut." Nakisabay na rin ang triplets sa pagkanta nito ng birthday song. Isang panaginip na naman niya ang natupad. At salamat 'yon lahat kay Bread. Lalo tuloy siyang napaiyak sa tuwa. Lokong Bread 'to. Naihanda na niya 'to sa loob lang ng ilang oras. "Make a wish and blow your candle, Peanut," udyok ni Bread sa kanya. "And stop crying, okay?" alo pa nito sa kanya sa malambing na boses. Tumango siya at pinunasan ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Lumapit siya rito. She closed her eyes and her heart whispered her wish. Bread, stay with me. She blew the candle, and desperately wished for her wish to come true. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, sumalubong sa kanya ang mukha ni Bread. Sana lang ay totoong nagkakatoo ang mga hiling. "Thank you," she said gently to him. "Mabuti pa, kumain muna tayo," nakangiting wika ni Sava. "Halika sa kusina." At dahil maliit lamang ang sala sa dormitoryo nila, halos magsiksikan na silang lima ro'n habang sabay-sabay na papunta sa iisang direksyon. Nilingon niya si Bread. Hindi na niya kinailangang magsalita dahil naramdaman agad niya ang paghawak nito sa kanyang kamay. He gently pulled her to his side. Hindi na sila kumilos para sumunod sa mga kasamahan nila. Nilingon niya ang triplets na nasa pinto ng kusina habang tila hinihintay siya. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka. She smiled apologetically at them. Mukhang naunawaan agad nina Sava at Lava maliban kay Mava na kinaladkad pa ng dalawa papuntang kusina. "I'm sorry," wika ni Bread. Nagtatakang nilingon niya 'to. "Ha?" Itinaas nito ang magkahawak nilang mga kamay. "For taking you away from your friends." Natawa siya. "Hindi mo kailangang mag-sorry. Siguro nga mali 'to pero... masarap pala sa pakiramdam 'yong kahit marami tayong magkakasama rito, hihilahin mo ko palapit sa'yo dahil ayaw mong malayo ako sa'yo at gusto mo, sa tabi mo lang ako." Tiningnan niya ito sa mga mata. "Tama ba ko o masyado na kong feelingera?" Tinitigan siya nito ng matagal bago ito sumagot. And then his face turned bright red. That was all she needed to confirm she was right. Hindi niya alam na posible palang maging gano'n siya kasaya dahil sa simpleng pamumula ng pisngi ng isang lalaki. And then it scared her. Nakakatakot pala na idepende ang kasiyahan mo sa isang tao. Paano kung dumating 'yong araw na mawala ka sa'kin, Bread? *** "YOU'RE giving this to me?" hindi makapaniwalang tanong ni Peanut kay Bread habang hawak ang acoustic guitar na inabot nito sa kanya. From the looks of it, the guitar was very expensive. And it was brand new! Kasalukuyan siyang nakaupo sa bumper ng kotse nito no'n. Lumabas sila ng dormitoryo dahil ibibigay nga raw nito ang regalo nito sa kanya. "Yes," kaswal na sagot ni Bread. "I can't accept something as expensive as this!" "It's a birthday gift. Hindi mo puwedeng tanggihan 'yan." Of course he was right. Bumuga siya ng hangin. "Kung gitara pala ang ireregalo mo sa'kin, sana 'yong pinaglumaan mo na lang." Kinuha nito mula sa kanya ang gitara saka umupo sa kanyang tabi. "If I used it first then gave it to you, hindi na 'to brand new?" "Ha?" Kinalabit nito ang gitara. Pamilyar sa kanya ang kantang 'yon. It was the song he sang to her on the phone – "I Don't Wanna Miss A Thing." Natulala na lang siya habang pinapanood ang pagkalabit ng mga daliri nito sa strings. His fingers were long and slender, and they seemed to dance with the strings in a harmonious way. "What did you wish for, Peanut?" mayamaya ay tanong ni Bread. Nakababa ang tingin nito sa hawak nitong gitara at natatabunan ng bangs nito ang mga mata nito kaya hindi niya makita ang emosyon nito ng mga sandaling iyon. "I'm not supposed to say my wish, Bread. Hindi matutupad 'yon." "Mas naniniwala akong matutupad ang kahilingan ng isang tao kung sasabihin niya 'yon, kaysa i-wish lang sa isang birthday candle." Nilingon niya ito. Well, he was right. "But don't you believe in miracles?" "I do. But people only resort to miracles when they are hopeless." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. May pag-aalala sa mga mata nito. "Gano'n ba kaimposible ang hiniling mo para umasa ka sa himala?" Napatitig lang siya sa guwapo nitong mukha. Gaano nga ba kaimposible ang hiling niya na manatili ito sa tabi niya? And she wanted to know the answer, now. "Bread, ano ba tayo?" Bigla itong natigilan sa pagkalabit sa gitara. "What do you mean?" Bumuga siya ng hangin. "Ano ba tayo? We hold hands, you hugged and kissed me, I care about you the way you care about me and we can't stay away from each other. Alam kong espesyal ako sa'yo, katulad mo sa'kin. But how special, Bread?" Halos pigil na niya ang hininga niya sa labis na antipasyon. Makasarili na kung makasarili pero kahit masaya siya sa kung anong meron sila ngayon, hindi pa rin niya maiwasang humingi ng higit pa ro'n. And what she wanted was assurance that he wouldn't leave her. "I care for you, Peanut." Sa wakas ay sumagot na rin ito. Pero hindi 'yon ang inaasahan niyang marinig dito kaya nadismaya siya. She let a frustrated sigh. "I know, Bread. I know. Pero gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganito ka kabait sa'kin." "Peanut..." Bumuga ito ng hangin saka muling yumuko. Pinagpatuloy nito ang pagkalabit sa gitara. "I want to be honest with you. There was a girl who was very close to me that I had failed to save in the past. And I regret it, until now. So when you came into my life, I told myself I won't do the same mistake that I had done before. And... and you saved my life." Hinintay niyang dugtungan nito ang sinabi nito tulad nang "Noon 'yon pero nagbago na 'yon ngayon" pero ilang minuto na ang lumipas subalit ang tunog ng gitara lamang nito ang nanatiling bumabasag sa katahimikan ng gabi. Pakiramdam niya, mas lalong lumamig ang simoy ng hangin. "That's it, Bread?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Mabait ka lang sa'kin dahil niligtas ko ang buhay mo? And you're taking care of me dahil natatakot kang masaktan mo ko, gaya ng nagawa mo sa babaeng mahalaga sa'yo noon? Ginagamit mo lang ako para maalis ang guilt na dinadala mo?" Tumigil uli ito sa paggigitara at nag-angat ng tingin sa kanya. Confusion was visible in his eyes. "I don't mean it that way, Peanut. I really care for you." Okay, fine. Siguro nga mali ang huling tanong niya. Pero hindi pa rin nababago niyon na napakababaw ng dahilan nito kung bakit ito mabait sa kanya. He cared for her? The triplets also cared for her! "So, what you feel for me is completely platonic? Mabait ka lang sa'kin dahil ayaw mo kong masaktan?" nanghihinang kongklusyon niya. "I can't believe I've fallen in love with a jerk like you." Muntik na nitong mabitawan ang gitara nito, at natataranta nito iyong niyakap upang hindi mahulog sa kalsada. "What?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. Nilingon niya 'to. "Oo, tama ka ng pagkakarinig. Mahal kita, Bread. I'm in love with you." Tuluyan na nitong nabitawan ang gitara. Lumikha 'yon ng ingay pero tila pareho silang hindi apektado niyon. Mukhang may gustong sabihin si Bread pero sa huli ay tila nagdesisyon itong huwag na lamang magsalita. Sapat nang reaksyon 'yon para makuha niya ang sagot nito. Tumayo siya. "'Wag kang mag-alala, hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa'yo. Kung ayaw mo sa'kin, fine." Then, she walked out on him. Ayaw pumatak ng mga luha niya kahit halos madurog na ang puso niya sa sobrang sakit. Gumapang muli sa kanyang sistema ang trauma niya nang iwan siya ng kanyang ina, kaya naging reflex na niya ang itago ang kanyang nararamdaman. Like she had promised to herself after her mother had left her, she wouldn't beg love to anyone. So I guess no one will ever want to stay with me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD