"KAILANGAN mong pag-aralan ang timing ng paglipat ng chord at ng strum. Sa pag-strum, siyempre, dapat may chord na tutunog. May coordination dapat."
Napapikit na lang si Peanut nang muli na namang gumuhit ang kidlat sa madilim na kalangitang tanaw mula sa bintana ng kuwarto niya sa loob ng dorm.
"Peanut?"
Pilit siyang nagmulat ng mga mata. Mula sa screen ng laptop niya ay nakita niyang nakakunot ang noo ni Bread. Yakap na lang nito ang gitara nito at hindi na iyon kinakalabit. As usual, he was teaching her how to play the guitar through Skype. May part time job siya after class samantalang may House Party naman ito at ang banda nitong HELLO kaya ang social networking site na 'yon pa rin ang tulay nila sa kanilang mga lesson hours.
"Are you okay, Peanut?"
Muli na namang kumidlat at sa pagkakataong 'yon ay may kasama pang dumadagundong na kulog. Napayakap siya sa gitarang gamit niya. Kung bakit ba naman kasi naiwan pa siyang mag-isa sa dorm.
Nasa probinsiya ang kanilang landlady samantalang um-attend naman ng party ang mga doormates niya kaya wala pa ang mga ito. Kadalasan, inuumaga na ang mga ito ng uwi kapag gano'n.
Wala siyang problema sa kulog. Pero kapag nakakakita siya ng kidlat, halos atakihin siya sa puso sa sobrang takot. Marahil ay nakuha niya ang takot na 'yon simula nang may namatay silang kapitbahay noon na tinamaan ng kidlat.
"S-sorry, Bread. H-hindi ko kayang mag-practice ngayon," nagkakandabuhol na sagot niya nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin dito. Nakayukyok pa rin ang ulo niya sa gitarang yakap niya.
"Peanut, are you alone in your dormitory?"
Nagmulat siya ng mata para sana sumagot. Pero sakto namang gumuhit na naman ang kidlat. Walang kasere-seremonyang sinara niya ang laptop niya. Binaba niya sa mesa ang gitara niya at nagtalukbong siya ng kumot.
Niyakap niya ang mga binti niya at niyukyok ang kanyang mukha sa kanyang mga tuhod. Kinuha niya sa ilalim ng unan niya ang isang lumang recorder at in-on 'yon. Iyon ang pinapakinggan niya kapag natatakot siya.
It was her mother's recorded voice. And it was also their recorded conversation.
"Peanut, baby, nasa'n ka?"
"Mama, I'm here. Natatakot ako sa kidlat."
Narinig niyang tumawa ang kanyang ina. Ang tawa na hindi pumapalyang pawiin ang takot niya kahit recorded lamang 'yon.
"Baby, you shouldn't be afraid of lightnings. Nandito si Mama. I will protect you."
"Really, 'Ma?" punung-puno ng pag-asang tanong ng batang version niya.
"Of course. Mama will always be here for you!"
Narinig niyang nagtawanan ang batang Peanut at ang kanyang ina. Kung hindi siya nagkakamali, naghaharutan na ang mga ito. O baka kinikiliti siya nito no'ng mga panahong 'yon. After their bubbly laughters, a sweet music piece coming from a guitar came.
Ang kanyang ina ang tumutugtog ng gitara.
"Peanut, anak, lagi mong tatandaang parating nasa tabi mo lang si Mama. I will protect you, because I love you."
"I love you, too, Mama!"
She heard her mom laugh. "Gusto mo bang turuan kitang mag-gitara?"
"Opo!
Napahagulgol siya ng iyak. Pakiramdam niya, may dumukot sa puso niya at piniga 'yon. Nakakatawang isipin na habang inaalis ng ala-alang 'yon ang takot niya ay nagagawa pa rin siya niyong saktan. Those memories were beautiful, but they were also heartbreaking.
No'ng bata siya, siya ang tinuruan ng kanyang ina na maggitara. Pero ngayon, si Jam na hindi naman nito dugo't laman ang tinuturuan nito. She was jealous. She was angry. 'Yon ang totoong dahilan kung bakit desperada siyang matuto ring maggitara.
"Liar... liar... liar... You said you will protect me. Pero nasaan ka ngayon?" mapait na bulong niya sa sarili.
The image of her mother hugging Jam flashed in her mind. Lalo siyang humagulgol ng iyak.
"I hate you... I hate you... You and your stepdaughter..."
***
MALALAKAS at sunud-sunod na katok ang gumising kay Peanut. Hindi niya alam kung gaano katagal pero mukhang nakatulog siya. Umuwi na siguro ang doormates niya. Nakabalot pa rin ang kumot sa katawan niya nang bumaba siya upang pagbuksan ang mga ito. Bawat hakbang niya ay nananalangin siyang huwag kumidlat. Naririnig niyang malakas ang ulan sa labas. Nakapikit lang siya habang pababa at kinakapa lamang ang dinaraanan niya. Sa apat na taon niya ro'n, kabisado na niya ang buong bahay.
Akmang sisilip na siya sa "eye hole" sa pinto nang marinig niyang magsalita ang kumakatok na 'yon.
"Peanut, this is me, Bread."
Nagulat siya. Bakit naman pupunta ro'n si Bread? Sumilip pa rin siya sa "eye hole." Napasinghap siya nang makitang ito nga ang binata. Pero mas naloka siya nang makita kung gaano kalakas ang ulan sa labas at basang-basa na ito. Agad niya itong pinagbuksan ng pinto.
"Bread! Ano'ng ginagawa mo rito?!" natatarantang bungad niya rito.
Basa na ang buhok nito. Humapit na rin ang polo nito sa katawan nito dahil marahil nabasa ng ulan. Nakita niyang naka-park sa tapat ng dormitoryo ang kotse nito. Pero wala itong dalang payong kaya nabasa ito habang kumakatok sa pinto. Minsan na siyang hinatid nito sa dormitoryo niya kaya alam nito kung saan siya pupuntahan.
Nagkibit-balikat ito. "'Just checking if you're okay. You acted weird earlier."
"Pinuntahan mo ko dahil lang nag-aalala ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.
He just shrugged again.
Napatitig na lang siya sa guwapo nitong mukha. His chin was slightly trembling probably because he was cold. Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin at lakas ng ulan dahil nasa pintuan pa rin sila, hindi niya 'yon maramdaman dahil sa init na gumapang sa sistema niya mula sa pinakita nitong pag-aalala sa kanya. Init na tumutunaw sa puso niya at sa yelo sa paligid niyon.
She wanted to warm his obviously cold cheeks with her hands. And she did. Napakalamig ng mga pisngi nito. "Thank you, Bread."
Tumango lang ito bilang tugon sa pasasalamat niya. "Are you alone here?"
Tumango siya.
Pinatong nito ang malalamig nitong kamay sa mga kamay niyang nakapatong naman sa magkabila nitong pisngi. "Are you scared?"
Tumango lang uli siya.
His eyes grew gentle. "Do you want me to stay?"
"Do you want to?" nag-aalangang balik-tanong niya rito. "CanI?" She smiled apologetically at him. "Of course you can't. This is a girls'dormitory. And we're alone. Kahit wala tayong gagawing masama, hindi pa rintamang mag-stay ka rito. Ayokong masira ang tiwala sa'kin ng landlady namin." Dumaan ang pagkadismaya sa mga mata nito. Nakangiting kinurot niya ang mga pisngi nito. "Hindi naman masasayangang pagpunta mo rito. I was touched, Bread. Hindi mo lang alam kung gaano mo kopinasaya. Kung gaano ako nagpapasalamat ngayon na nandito ka. Your presence meanta lot to me now." Nangislap ang mga mata nito, halatang nagustuhan ang sinabi niya."Naintindihan mo na ba 'yong bagay na gusto kong ipaalam sa'yo?" Tumango siya. Tumingin siya ng diretso sa mga mata nito bago binitawanang mga salitang alam niyang gusto nitong marinig mula sa kanya. "I'm notalone." Tuluyan na itong ngumiti. Ah, that beautiful smile was hers alone."You're not." Inihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha nito. "Umuwi ka na.Pasensiya ka na kung hindi man lang kita maalok magkape. Sandali, ikukuha kitang tuwalya." Tumalikod na siya rito bago pa ito makasagot. Napasimangot siyanang makita sa wall clock na 2:30 AM na pala. Madaling-araw na pero pinuntahanpa rin siya nito. How sweet is that?Nakakatawang habang umaakyat siya pabalik sa kuwarto niya ay pumapatakang mga luha niya. Pero kahit umiiyak siya, hindi masakit sa dibdib. Gano'npala ang tinatawag na "tears of joy." Maluwag sa kaloobang pag-iyak. She didn'tknow being that happy could bring her to tears. Lahat ng salitang binitawan niBread, tumanim sa puso niya. Mahirap nang hukayin 'yon. Pinunasan niya muna ang mga luha niya bago siya bumaba uli. Natawa siyanang marahan nang makitang tila hindi gumalaw sa posisyon nito si Bread. Paraitong robot. Guwapong robot.Sinabit niya sa leeg nito ang tuwalya. "Go dry yourself in your car. Maydala ka bang spare shirt?" Tumango ito. "I always have it in my compartment." "Good. You can go now. Thank you again." Tumango uli ito. "No problem. Good night." He started to walk away. May sasabihin pa sana siya nang biglang kumidlat. Naisara niya tuloy ngwala sa oras ang pinto. Dali-dali siyang umakyat sa kuwarto at nagtalukbong ngkumot. Ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin siya makatulog.Unti-unti na rin namang humihina ang ulan ng mga sandaling 'yon, pero hinditalaga niya narinig ang pag-alis ng kotse ni Bread. Lakas-loob siyang bumangon at dahan-dahang hinawi ang kurtina ng binata.Pagsilip niya sa labas, nakita niyang nakaparada pa rin ro'n ang kotse niBread. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ito. "Pea –" "Bakit hindi ka pa umuuwi?" galit na tanong niya rito. Nagagalit siyadahil nag-aalala siya. "Nabasa ka ng ulan pagkatapos nagbababad ka pa rin saaircon ng kotse mo? Gusto mo bang magkasakit?" "Nakapagpalit naman na ko ng dam –"
"Kahit na! Bread, madaling-araw na. Hindi ka puwedeng tumambay sa lugar na hindi ka naman pamilyar. Isa pa, Porsche 'yang sasakyan mo. Sa tingin mo ba hindi pag-iinteresan 'yan ng mga sira-ulo sa kalsada?"
"May kasama akong bodyguard ngayon."
"Kahit pa! Anak ka pa rin ng congressman. Paano kung tangkain kang dukutin? Ano ang laban ng isang bodygu –"
"Are you worried, Peanut?" tila naaaliw na tanong nito.
Natigilan siya. Ngayon lang niya na-realize na natataranta pala siya kaya parang machine gun ang bunganga niya. Sa sobrang pag-aalala niya rito, mas nauna pa niyang isipin ang kapakanan nito kaysa sa takot niya sa kidlat.
"I'm not," kaila niya.
"Oh."
"You're teasing me," akusa niya rito.
"In what way?"
"You sound like you don't believe me! I'm not really worried!"
Matagal siyang walang narinig mula sa kabilang linya. Until she heard a strange noise.
Napasinghap siya. "Pinagtatawanan mo ba ko, Braiden Alden Wycoco?!"
Narinig niya itong tumikhim. "Hindi, ah."
"Sinungaling!"
"Do you feel better now?"
Bumuga siya ng hangin saka muling humiga sa kanyang kama. "Kapag nag-aalala ka ng sobra sa isang tao, makakalimutan mo na ang sarili mong takot." Lalo na kung mahalaga ang taong 'yon.
"What are you afraid of, Peanut?"
She closed her eyes. "Takot ako sa kidlat. I can deal with thunder, but I'm really afraid of lightnings."
"Natatakot ka pa rin ba?" nag-aalalang tanong nito.
Natawa siya ng marahan. "Inalis mo ang takot ko, Bread. Pinag-high blood mo ko, eh!"
"Is that a good or a bad thing?"
"I think it's a good thing." Nakaramdam na siya ng antok. "You should go home, Bread."
"I will. Hihintayin ko lang na makauwi na ang mga ka-dorm mo. Kapag nasiguro kong may kasama ka na, I'll go home."
"Paano kung mamayang umaga pa sila umuwi?"
"I'll wait."
"Hindi ka ba inaantok?"
Matagal bago ito nagsalita. At dinaan nito sa kanta ang sagot nito! "I could stay awake, just to hear you breathing. Watch you smile while you are sleeping. While you're far away, I'm dreaming. I could spend my life in this sweet surrender. I could stay lost in this moment, forever. Well, every moment spent with you is a moment I treasure..."
She giggled. Bread's soothing singing voice brought her slowly to sleep. That was the most peacful sleep she had had during a lightning filled night. For the first time after so many years of loneliness, she found joy in another person's presence.
I'm not alone. Thank you, Bread.
***
ISA'T KALAHATING kilong pasta, cheese, corned beef, spaghetti sauce. Hmm... saka isang kilong manok na ipiprito na lang siguro.
"Peanut, nakikinig ka ba?"
Mula sa sinusulat niya sa maliit niyang notebook ay umangat ang tingin niya sa katrabaho niya sa Harury's Sweets na si Shizu. "Hmm?"
Umiling-iling ito. "Ang sabi ko, dumating na mula Paris ang anak ng may-ari nitong Harury's at ito na ang magiging bago nating manager."
"Paano na si Mr. Jacob?" gulat na tanong niya na ang tinutukoy ay ang manager nila.
"Ililipat na yata siya ng ibang branch."
Nalungkot siya. "Sayang. Mabait pa naman siya."
"Mabait din naman ang anak ng boss natin."
"Nakilala mo na ba?"
Ngumisi ito. "Hindi, pero nakita ko na si Sir. Hindi mo kasi shift ng araw na nagpunta siya rito kaya hindi mo siya nakita. Ang guwapo niya," kinikilig na wika nito.
Natawa na lang siya, sabay pabirong hinila ang buhok nito na ikinatili nito. Silang dalawa lang ang bantay sa shop at wala pa silang customer ng mga sandaling 'yon kaya nakuha nilang magharutan. Tumigil lang sila nang tumunog ang chime, indikasyon na may dumating.
Sabay silang napalingon ni Shizu sa pinto ng shop. Napansin niyang napasinghap ng malakas ang kaibigan niya habang nakatingin sa mga customer nila, samantalang siya ay napangiti na lamang.
"Good afternoon, customers," nakangiting bati niya sa HELLO Band.
Yes, the four gorgeous members of Empire's elite band graced their humble shop. Marahil ay "nabighani" si Shizu sa taglay na kaguwapuhan ng apat. Gano'n din siya no'ng unang beses na makita niya ang banda.
"Peanut Illustrano?" gulat na tanong ni Connor, ang leader ng banda kahit back up lang ito ng lead vocalist na si Riley. Pagkatapos ay nakangising nilingon nito si Bread. "You knew she's working here. Kaya ba inaya–" Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang takpan ni Shark ang bibig nito.
"Connor, you could really be tactless sometimes," iritadong wika ni Shark habang kinakaladkad nito at ni Riley papunta si Connor papunta sa mesa.
Naglakad naman diretso sa kanya si Bread. Pinatong nito ang mga braso nito sa counter. "Hi, Peanut."
The imaginary butterflies rammed against the wall of her tummy. Hindi niya alam kung paanong ang simpleng "hi" ay nakapagpa-"high" sa kanya. Pagkatapos nang gabing puntahan siya nito at i-"hele" sa pagtulog sa pamamagitan ng pagkanta nito ay tuluyan na nitong naokupa ang pinakamalaking bahagi ng puso niya.
"Hello, Bread. I mean, Sir," nakangiting bati niya rito.
Tumikhim si Shizu. "Peanut, ako na muna ang aasikaso kina Sir. Tapos naman na ang shift mo, 'di ba?"
Ngumiti lang bilang pagpapaalam kay Bread saka siya umalis sa likod ng counter. Pagbukas ng backdoor ay may maiksing pasilyo siyang nilakaran. Nadaanan niya ang storage room. Ang pangalawang kuwarto ay ang locker room ng mga service crew. Do'n siya pumasok para magbihis. She changed into a casual pink blouse, skinny jeans and doll shoes.
Nagulat siya ng paglabas niya ng locker room ay nakita niyang nakasandal sa pader si Bread habang nakapamulsa. And dang, he looked so hot in that angle. Tinapik niya ito sa braso upang kuhanin ang atensyon nito. Dumiretso ito ng tayo at inalis ang earphones sa mga tainga nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya rito.
Nagkibit-balikat ito. "Hinihintay ka."
"Pero hindi mo naman kailangang dito maghintay." Bruha ka talaga, Shizu! Tama ba namang papasukin mo ang customer sa staff room? "Baka hinahanap ka ng mga kaibigan mo."
Nagkibit-balikat lang ito. "Uuwi ka na ba?"
Umiling siya. "Kailangan ko munang dumaan sa supermarket."
"Ahm..." Nag-iwas ito ng tingin pero napansin niyang namula na naman ang mga pisngi nito. He gave her a sideway glance. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi-sabi.
Ngumiti siya kahit bahagyang kumunot ang noo niya. Mukhang alam na niya kung anong iniisip nito base sa ikinikilos nito. "Bread... puwede mo ba kong ihatid sa supermarket?"
Dumaan ang pagkadismaya sa mga mata nito subalit agad din iyong nawala. Tumango ito. "Sure."
"Okay ka lang?"
Tumango lang ito.
He didn't look fine to her. Mukha itong matamlay. Kinulong niya ang mukha nito sa pagitan ng mga kamay niya. "Bread, tell me. Anong problema?"
"Wala."
"Bread."
Bumuga ito ng hangin. "Medyo masakit lang ang ulo ko."
Nag-alala naman siya para rito. Marahil ay sumama ang pakiramdam nito nang mabasa ito ng ulan matapos siya nitong puntahan sa dorm niya. Sinalat niya ang noo nito. Normal naman ang temperatura nito. "Siguro dapat ay umuwi ka na lang at magpahinga. Kaya ko namang mag-isa –"
Umiling ito. "No. Ihahatid kita," anito saka nagpatiuna na sa paglalakad.
Napangiti na lang siya habang pinapanood itong lumakad. Parang bata na naman itong nagmaktol dahil lang sinubukan niyang tanggihan ang balak nitong pagsama sa kanya. He was so cute! "Bread."
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. Lumapit siya rito, hinawakan ito sa magkabilang balikat saka siya tumingkayad para bigyan ito ng magaang na halik sa pisngi. No'n niya nakitang namula ng husto ang buong mukha nito.
Napangiti siya. "Thank you, Bread." Nagpatiuna na siyang lumabas dito.
Pero natigilan siya sa sumalubong sa kanya. Bukod sa nakita niyang nakasalampak sa sahig si Connor habang tila takot na takot sa babaeng nasa harap nito na ang nakababatang kapatid ni Shark sa kanyang pagkakaalala, ay nakita niya rin si Jam. At sa direksyon pa niya ito nakatingin.
Naikuyom niya ang kanyang mga kamay. She still hated this girl. Calm down, Peanut.
Naglakad ito palapit sa kanya. Nakangiti ito subalit bahagyang nakakunot ang noo. "Hello, Miss. You look familiar. Nagkita na ba tayo noon?"
Marahil ay namukhaan siya nito dahil nagkita na sila noon sa Empire. "Hindi pa," pagsisinungaling niya.
Akmang may sasabihin pa ito nang lumagpas ang tingin nito sa kanya. Napasinghap ito sa gulat. Pero nang makabawi ay nangislap ang mga mata nito. "Bread!"
Nilingon niya ang dalawa. Lumapit si Jam kay Bread at masiglang kinamusta ang binata. Marahil ay tipid sumagot si Bread pero makikita namang nakikinig talaga ito sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit pero tila parehong wala pang alam ang dalawa sa tunay na nangyari no'ng gabing muntik nang malunod si Bread. Dahil kung nabanggit na 'yon ni Jam dito, dapat ay kinuwestiyon na siya ni Bread kung siya ba talaga ang nagligtas dito.
Hindi niya maintindihan kung ano talaga ang nangyayari, pero isa lang ang alam niya – sumisikip ang dibdib niya habang pinapanood na magkasama ang dalawa. They looked good together. Kapag nalaman na ng mga ito ang totoong nangyari – na si Jam ang totoong nagligtas kay Bread – ay siya na naman ang magmumukhang kawawa. Masyado nang masakit. So she just quietly left the shop.
Naiinis siya sa sarili niya. Dapat nagmaldita siya. Dapat hinila niya si Bread at pinakita kay Jam ang lalim ng samahan nila ng binata. Pero kapag sobrang sakit pala, nababali ang sungay niya. Dahil alam niyang sa kaibuturan ng puso niya, hindi kanya si Bread. At nagseselos siya kay Jam.
"Peanut."
Napilitan siyang huminto sa paglalakad nang hawakan siya ni Bread sa braso. Inis na pumihit siya paharap dito. "What?"
Bahagyang kumunot ang noo nito. "Bakit iniwan mo ko?"
"Mukha kasing nag-e-enjoy ka makipagkuwentuhan sa babaeng 'yon." She couldn't contain her jelaousy in her voice.
"Jam's a friend. It would have been rude if I didn't greet her."
Naiinis siya. Hindi naman nito kailangang magpaliwanag sa kanya, pero natuwa siya sa narinig niya. Natunaw agad ang inis niya.
"I'm sorry," he said gently to her.
Tiningnan niya ito saka sinimangutan. "'Wag kang mag-sorry. Feeling ko, ang sama-sama ko."
He just shrugged, smiled, and pulled her by the arm. The next thing she knew, she was being enveloped in his warm and gentle embrace. "Silly, don't you ever think that again."
Bumuga siya ng hangin. Akmang kakalas na siya sa pagkakayakap nito sa kanya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao sa paligid nang mahagip ng tingin niya si Jam. Kunot-noong nakatingin ito sa kanila ni Bread mula sa salaming pader. There was a pained look in her eyes. Posible kayang may gusto rin ito kay Bread?
Nakaramdam siya ng takot na baka maagaw din nito si Bread sa kanya. Hindi niya kaya 'yon. She hugged him back and closed her eyes.
I won't let go.