PINANOOD lang ni Bread si Peanut habang naglalakad ito sa harapan niya. Paglabas nila sa station, napansin niyang tila nakalimutan na nitong may kasama ito. And walking with her but without her by his side seemed wrong. Mukhang sa maiksing oras na nakadikit ito sa kanya kanina sa loob ng tren ay nasanay agad siya sa presensiya nito.
Hindi naman na nakapagtataka 'yon para sa kanya. She was the first girl he had let to invade his personal space. Because unlike other girls, he was comfortable with her. Hindi nito pinipilit ang sarili nito sa kanya. And, he wished he was wrong, but it felt like even though she was at his arm's length, she was still too far.
Akmang hihilahin na niya ang dulo ng damit nito upang hilahin ito pabalik sa tabi niya nang huminto ito sa paglalakad. Binaba niya ang kamay niya nang lingunin siya nito. Bumalik ito sa tabi niya at nilingon siya. Nadismaya siya. Ito na naman ang nag-adjust para sa kanya.
"Pasensiya ka na. Sanay kasi akong mag-isa kaya nakalimutan kong kasama pala kita," paumanhin nito.
Pansin ko nga. "Ah," sagot na lamang niya.
Hindi kasi niya alam kung anong mararamdaman sa sinabi nito. Nakalimutan nitong kasama siya nito. Did it mean his presence didn't affect her the way she affected him? Nakakasama ng loob.
"Hindi ba't ang sabi mo, ang mommy mo ang kasama mong mag-dinner? Ang sweet mo namang anak," wika nito upang marahil basagin ang katahimikan sa pagitan nila.
"My mother invited her friend, too. Gusto kasi ipakilala ni Mommy sa'kin ang anak ng kaibigan niya."
"Oh. Maybe your mom wants you to date her friend's daughter," tukso nito sa kanya.
"I don't think so. My mom never meddles with my personal life," kampanteng sagot niya. Alam ng ina niyang wala pa siyang balak makipagrelasyon.
"Well, who's the lucky girl?" patuloy na panunukso nito sa kanya.
Somehow, her teasing didn't annoy him. Parang gusto pa nga niya ang kakulitan nito. "Jamia Andrea Lozario. She's the daughter of my mom's bestfriend – Aunt Pillar."
Natigilan sa paglalakad si Peanut. "Jamia Andrea Lozario? Pillar Lozario?" mahinang usal nito. "Sila ang ka-dinner ng pamilya mo ngayon?"
Nagtataka man ay sumagot pa rin siya. "Yes. Why?"
There was her far away look again. It seemed to make her look unreachable. "Oh. Napanood ko kasi si Jamia Andrea Lozario sa isang talkshow noon. Nagulat lang ako na kilala pala siya ng pamilya mo," sagot nito. "Hanggang dito na lang kita ihahatid. Mauna na ko sa'yo."
Kumunot ang noo niya. "Ihahatid? You mean to say, hinatid mo lang ako at wala ka talagang pupuntahan na malapit dito?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Napasinghap ito. Mukhang nadulas lang ito. Sa huli ay ngumiti na lang ito at nagkibit-balikat. "Katulad nga ng sinabi ko kanina, ayaw kong makonsensiya kapag naligaw ka. Mauna na ko, ha?"
Pinigilan niya ito sa braso. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero hindi naman ito nagpumiglas. "Peanut... bakit masyado kang mabait sa'kin?"
Natawa ito. Ang tawa na wala namang buhay. "Hindi ako mabait, Bread. Tumatanaw lang ako ng utang-na-loob sa'yo." Marahang binawi nito ang braso mula sa kanya. "Sige na. Hinihintay ka na ng pamilya mo." Tuluyan na itong naglakad palayo.
He sighed as he watched her walk away. Peanut Illustrano was probably the most amazing girl he had met in his life, second only to her mother. Alam niyang mabuti ito kahit ilang beses nitong itanggi 'yon. And her kindness was slowly worming inside his heart.
Sinaway niya ang kanyang sarili. Mabilis siyang naglakad papasok sa Saturn's Mansion. Bumungad agad sa kanya sa restaurant ang kanyang ina.
"Oh. You're late, Bread," sermon sa kanya ng kanyang ina.
Humalik siya sa pisngi nito. "I'm sorry, Mom."
Iwinasiwas nito ang kamay nito saka umabistre sa kanyang braso. Halos hilahin na siya nito sa mesa kung nasaan naroon ang kaibigan nito at anak niyong babae. Matagal na niyang kilala si Aunt Pillar dahil madalas itong kasama ng kanyang ina. Pero ang anak nito, hindi niya sigurado kung nakita na niya.
Humalik siya sa pisngi ni Aunt Pillar bilang pagbati. "It's been a while, Aunt Pillar."
Ngumiti ito. Hindi niya alam kung bakit napatitig siya sa mukha ng ginang. Parang may kamukha ito na hindi niya matandaan kung sino.
"Ang tangkad-tangkad mo na, hijo. At ang guwapo pa," nakangiting wika ni Aunt Pillar. "Anyway, this is my daughter Jam. Nagkita na kayo two years ago no'ng debut niya, pero sa tingin ko, hindi na nasundan ang pagkikita niyong 'yon."
Tumingin siya kay Jam. Ah, yes. He remembered her now. "It's nice to see you again, Jam," bati niya rito, saka inabot ang kamay niya rito.
Tinanggap nito ang kamay niya saka tipid na ngumiti. "Same here, Bread."
Tumikhim ang kanyang ina. "Kids, excuse us. We're just going to use the restroom."
Humagikgik naman si Aunt Pillar. "Kayo na ang bahalang um-order para sa'min."
And they were gone. He couldn't believe his mom. She was matching him with Jam! Nang silang dalawa na lamang ng dalaga ang naiwan ay nailang siya sa katahimikang bumalot sa kanila. Isa pa, wala rin naman do'n ang isip niya.
Lumingon siya sa glass wall ng restaurant. It was almost seven PM and it was already dark. Pagkatapos, mag-isa pang bumiyahe si Peanut pauwi. Kababae nitong tao, ito pa ang naghatid sa kanya. It should be the other way around.
"Ahm... Bread... can I ask you something?" tila nag-aalangang tanong ni Jam.
Nilingon niya ito. "Go ahead."
"Are you... a member of the swimming team in your university?"
Kung nagtaka man siya sa tanong nito, hindi niya 'yon pinahalata. "No. Why?"
Nagulat ito sa sagot niya. "Really? Kung gano'n, nagagawi ka ba sa pool side ng school niyo?"
Natigilan siya. Kapag umamin siya rito, at kapag sinabi nito iyon sa ina nito, na maaaring sabihin naman sa kanyang ina, makakarating sa ama niya na lumapit siya sa pool. His father had forbidden him to go near the pool, or the sea. Alam kasi nito ang nangyayari sa kanya kapag nasa tubig siya. Ayaw niyang mag-alala pa ito.
"No. I'm always in the clubroom," pagsisinungaling niya. "Bakit mo naman natanong?"
Ngumiti ito subalit bahagyang nakakunot ang noo. "Wala naman... I just wanted to know if you're into sports."
"Ah..." Muli na namang dumako ang tingin niya sa labas. Hindi talaga siya mapakali. Nilingon niya muli si Jam. "Jam..."
MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Peanut sa pole upang kumuha ng balanse. Nakasakay siya ng LRT train at pauwi na siya.
Kanina, matapos pumasok ni Bread sa Saturn's Mansion ay palihim na sinundan niya ito. Mula sa glass wall ng restaurant at nakita niya si Pillar Lozario – ang kanyang ina. She looked happy, healthy and contented with her life. Kasama pa nito ang stepdaughter nitong si Jam. Kung umasta ang mga ito ay animo'y tunay na mag-ina.
Sa kabila ng ngitngit niya, hindi naman niya naiwasang gumawa ng teorya. Kung magkaibigan si Pillar Lozario at ang ina ni Bread, matagal nang kilala ni Jam ang binata. 'Yon kaya ang dahilan kung bakit tila nataranta ito nang makita ang mukha ni Bread pagkatapos nitong i-perform ang mouth-to-mouth resuscitation dito?
Oh no! Kapag nabanggit ni Jam ang tungkol sa nangyaring 'yon, mabubuking ni Bread ang kasinungalingan ko.
Natigil lang siya sa pag-iisip nang may kung sinong harabas na dumikit sa kanyang braso. Kunot-noong nilingon niya ang may-edad nang lalaki na nakatayo sa tabi niya. Siguro nga okupado na ang mga upuan sa tren, subalit maluwang naman ang espasyo para sa mga nakatayo kaya hindi nito kailangang dumikit ng gano'n sa kanya.
Naiinis siya dahil naka-T-shirt siya no'n. Dumidikit tuloy ang braso niya sa braso ng matanda. Nandidiri siya dahil nakakaramdam siya ng iba sa paraan ng pagdikit nito sa kanya.
Humugot siya ng malalim na hininga bago nilingon ang matanda. "Miste –"
"Move," wika ng kung sino sabay hawi sa matandang pasimpeng nanantsing sa kanya. Tahimik na umalis ang bastos na lalaki na animo'y walang ginawang mali.
Ang tanda-tanda na, bastos pa!
Nilingon niya ang lalaking nagligtas sa kanya. And it was none other than Bread. Nakatingin ito pababa sa kanya habang tila hinahabol nito ang hininga. May butil din ng pawis sa gilid ng noo nito.
"Bread... tumakbo ka ba?" kunot-noong tanong niya.
Tumango ito. "Akala ko hindi na kita maaabutan. So when I saw you waiting for the train near the platform, I ran towards you. Mabuti na lang at naabutan kita."
Nagtagal din naman kasi siya ng konti sa panonood sa kanyang ina sa loob ng restaurant kaya marahil naabutan pa siya nito. Maaari ring kaaalis lang niya nang lumabas din ito ng Saturn's Mansion para sundan siya.
"Bakit, Bread?"
"Ihahatid kita."
"What?" gulat na tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko maatim na hayaan kang umuwing mag-isa pagkatapos mo kong ihatid lalo na't malalim na ang gabi."
Napatitig siya rito. He was annoyed for some reason. Sinundan siya nito para lang ihatid siya. Natawa siya ng malakas. Wala na siyang pakialam kung pinagtinginan sila ng mga tao ro'n dahil siya lang ang maingay.
"Para tayong mga tanga. Naghatiran lang pala tayo," natatawang wika niya. "Buti pinayagan ka ng mommy mong umalis?"
"Hindi ako nagpaalam."
Tumigil siya sa pagtawa. Napailing siya. "Pilyo ka talaga, Bread."
Nagkibit-balikat lang uli ito.
Ngumiti lang siya saka tinakpan ng mga kamay niya ang bibig niya nang mapahikab siya. Ngayon niya naramdaman ang pagod. Kapag mag-isa siya, parati siyang alerto para makaiwas siya sa masasamang loob. Pero ngayong kasama niya si Bread, panatag siya at komportable. Pakiramdam niya, kahit makatulog siya ngayon ay ligtas pa rin siya.
Nagtaka siya nang mawala si Bread sa tabi niya. Nang sundan niya ito ng tingin, nakita niyang kinausap nito ang dalawang binatilyong nakaupo. Inabutan nito ng pera ang mga ito. Then, the two boys stood.
Binalikan siya ni Bread at hinawakan sa braso. Inakay siya nito paupo. Nagpatianod na lang siya dahil pagod na talaga ang mga paa niya. Tumabi ito sa kanya.
Nilingon niya ito. "Bread, hindi sinehan ang LRT train na binabayaran ang upuan."
"But you're tired. Gusto kong makapagpahinga ka kahit sandali," katwiran nito.
Hindi na siya nakipagtalo rito. Sa maikling oras na nakasama niya 'to, nalaman niyang hindi niya dapat ito kinokontra kapag may ginagawa ito para sa kanya dahil parang bata itong magtatampo. And he looked so cute when he was mad. Ang ending tuloy, napapasunod siya nito sa mga gusto nito. Na hindi naman masama dahil para rin naman sa kanya ang mga ginagawa nito.
He was clearly taking care of her. Pero nalulungkot siya kapag naaalala niya kung bakit ito ganito kabait sa kanya. Iniisip nitong siya ang taong nagligtas dito. But that was a lie. Kung meron mang taong dapat ay pinag-aalayan nito ng kabutihan nito, si Jam 'yon at hindi siya.
Isang kalokohan tuloy ang pumasok sa isip niya upang libangin ang kanyang sarili. "Bread, anong mas gusto mong palaman sa tinapay? Peanut butter o strawberry jam?"
Nilingon siya nito. Bakas ang pagtataka sa mga mata nito. "Hmm?"
Nakangiting umiling siya. "I'm tired. Puwede ba kong gawing unan ang balikat mo?"
Nag-iwas ito ng tingin at tinakpan ng kamay ang mukha nito subalit nahuli naman niya ang pamumula ng magkabila nitong pisngi. "You didn't have to ask, Peanut."
Natawa lang siya ng marahan saka inihilig ang ulo niya sa balikat nito. She closed her eyes as soon as she sniffed in his masculine scent. Now that she was sitting next to him, she felt like she was in the safest place in the world.
She absent-mindedly smiled. "I always thought being alone is better. Walang kang aalalahaning ibang tao at ang sarili mo lang ang iisipin mo. I almost forgot how it feels it like to be with other pepole. It's actually relaxing."
"I prefer to be alone most of the time, too. But when I like the people I'm with, I'm comfortable."
Lumuwang ang ngiti niya. "Are you comfortable now?"
Matagal bago ito sumagot. "Yes."
Her heart was enveloped by warmth. Kung komportable ito ngayon, ibig sabihin, gusto siya nito. Hindi romantically, pero hindi 'yon ang mahalaga. All her life she felt unwanted because her mother had left her. Simula no'n, hindi na siya umasang may taong gugustuhing makasama siya kung ang mismong ina nga niya ay iniwan siya. Kaya ang malamang may isang taong komportableng kasama siya, nakakatunaw ng puso. Nabuhay ang pag-asa sa puso niya.
Maybe there's someone out there who wants to be with someone like me.
***
NAKATINGIN si Peanut sa lalaking nagi-gitara sa tapat niya. Nasa isa sa mga concrete benches siya no'n sa Empire University Park habang nagre-review. Pero napukaw ng lalaki ang atensyon niya. Mahusay itong kumalabit ng strings habang tinutugtog nito ang kantang "Basta Para Sa'yo."
"Nagagalingan ka ba sa kanya?"
Marahas na nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Tumambad sa kanya si Bread. Nakatayo ito sa likuran niya, walang kaemo-emosyon sa mukha habang literal na nakatingin pababa sa lalaking kausap niya. May nakasukbit na guitar case sa balikat nito.
Ngumiti siya. "Mas magaling pa rin ang tutor ko."
Umaliwalas ang mukha nito, halatang nagustuhan ang sinabi niya. "Thanks."
Natawa lang siya saka sinalansan ang mga gamit niyang nasa mesa. Tinapik niya lang ito sa balikat bilang pamamaalam bago niya ito lagpasan.
Pero nagtaka siya nang maramdamang nakasunod pa rin ito sa kanya. At nang lingunin niya ito, tama nga siya. He was following her. Huminto siya sa paglalakad at hinintay itong makaabot sa kanya.
"Bread, nasa kabilang dulo ang Law Building," aniya. Political Science ang kurso nito kaya malayo iyon sa college building ng Communication Arts kung saan siya papunta.
Nagkibit-balikat ito. "May utang ako sa'yo. Babayaran lang kita."
Kumunot ang noo niya. "Utang?"
"You paid the MRT ticket for me."
Natawa siya ng marahan. That was a week ago. Pero ngayon lang sila nagkita ng personal kaya marahil ngayon lang nito nabanggit uli 'yon. Nitong nakaraang linggo kasi ay panay sa Skype lang sila nag-uusap sa tuwing bibigyan siya nito ng free guitar lessons.
"Okay." May naisip siya. "Follow me." Pero bago pa siya makalakad ay hinila na siya nito sa strap ng backpack niya. Kunot-noong nilingon niya si Bread. "What?"
"It's rude."
"Ha?"
"Hindi tamang mauna kang maglakad kung may kasama ka."
Natigilan siya. Napaka-istrikto ng boses nito na para bang sinasabi sa kanya na seryoso ito sa panenermon sa kanya. Hindi siya ang tipo ng tao na nagpapadikta sa iba. Pero himbis na mainis, tila natutuwa pa siya sa pagdidisiplina nito sa kanya. Ngayon lang kasi niya naranasan 'yon.
Ngumiti siya. "Sorry. Will you let me walk next to you, Bread?"
Walang imik at walang emosyong kumilos ito at pinagbuhol ang mga strap ng backpack nila. Napuwersa tuloy siyang dumikit ng husto ngayon. She was now standing very close to him, with their arms touching. There goes the tingling sensation again that could somehow make her calm. And there goes that strange feeling which could make her heart beat fast.
"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong ni Bread nang naglalakad na sila palabas ng unibersidad.
"Sa tapat ng main gate," kaswal na sagot niya habang pilit pinapakalma ang kanyang puso. "Bakit ba kailangan mo pang itali ang mga bag natin?"
"So you won't escape."
"What?"
Nagkibit-balikat ito. "Madalas kasi, nakakalimutan mong may kasama kang ibang tao. You should learn to appreciate other people's presence."
Hindi siya kumibo. Getting used to other people's presence was like leaving your heart in their hands for them to either take care of, or break. Nakakatakot 'yon. She had felt that after her mother had left her. Ayaw na niyang maranasan uli 'yon kaya pilit siyang lumalayo sa ibang tao. Bagay na hindi maiintindihan ng tulad ni Bread na buo ang pamilya at may mga kaibigan.
"Peanut?" untag ni Bread sa kanya.
No'n lang siya natauhan. Nasa labas na pala sila ng Empire. "Tawid tayo."
Habang tumatawid sila kasabay ng ilang mga kaeskwela nila ay saka lang niya napansing pinagtitinginan pala sila ng mga tao. Maybe because Bread was very good-looking girls just couldn't take their eyes off him. O puwede ring nagtataka ang mga ito kung bakit magkasama sila ng binata. At kung bakit magkabuhol pa ang mga bag nila.
Like I care.
"Kung gusto mo kong bayaran para sa MRT ticket, ibili mo na lang ako ng ice cream," wika niya nang nasa tapat na sila ng sorbeterong nagtitinda ng "dirty ice cream." "Fifteen pesos, 'yong nasa cone."
Bahagyang yumuko ito sa tainga niya at bumulong. "If you want to eat ice cream, there's a ice par –" Tinaas niya ang kamay niya upang pigilan ito sa pagsasalita.
"Gusto ko ang ice cream dito," giit niya.
Nagkibit-balikat ito. "'Kay." Hinarap nito ang Manong na sorbetero. "Dalawang chocolate ice cream po. Sa apa."
Ilang minuto lang, kumakain na sila nito ng ice cream sa tabi ng ice cream cart ni Manong Sorbetero. Pinanood niya si Bread na kumain. Hindi ito kakikitaan ng pandidiri o pag-aalangan. It seemed that he was enjoying his "dirty ice cream."
He gave her a sideway glance. "Not bad," wika nito na ang tinutukoy marahil ay ang lasa ng ice cream.
Napangiti siya. May kakaibang init na hatid sa puso niya ang pagngiti niyang 'yon. It was probably because she was genuinely happy seeing him eat with so much gusto. "I'm glad you liked it."
"You know, Peanut... you look prettier when you smile from your heart."
Nilingon niya ito. "Hmm?"
Nagkibit-balikat ito saka nag-iwas ng tingin. Pero nakita niyang namumula ang tainga nito kaya marahil ay namumula rin ang mga pisngi nito.
Napatitig na lang siya rito. They were sharing a comfortable silenceagain – there was no need to fill empty conversational space when they weretogether. Sa sobrang payapa ng nararamdaman niya ng mga sandaling 'yon, tilanaging malinaw sa kanya ang kahulugan ng mabilis na t***k ng kanyang puso. Makahanap nga ng gitarang mapupukpok sa uloko mamaya.