NAKAHINGA si Peanut ng maluwag nang makalagpas siya sa mga guard ng Empire. Nawawala kasi ang school ID niya kaya ang lumang ID niya ang ginamit niya pagpasok.
Papasok na siya sa building ng College of Communication Arts nang dumako ang tingin niya sa parking lot. Walang bubong ang kotse kaya kitang-kita niya kung sino ang guwapong lalaking nagmamaneho niyon. It was Braiden Alden Wycoco. He looked so good on his sunglasses! He was handsome, he had a nice car, he was rich.
Siguro naman hindi kawalan sa kanya kung pagbibigyan niya kong humingi ng free lessons. Babayaran ko naman.
Bitbit ang maliit na pag-asang 'yon na maaaring pagbigyan siya nito, lumapit siya kay Braiden. Sakto naman dahil kababa lang nito ng kotse nito. Sa taas niyang 5'6 ay masasabing matangkad na siya. Subalit ngayong malapit na siya sa binata ay kinailangan pa niyang tumingala rito dahil di hamak na mas matangkad ito sa kanya.
And boy, he smells good.
"Ahm, hi, Braiden," bati niya rito nang lingunin siya nito.
Nilingon siya nito. Tinaas nito sa ulo nito ang shades nito. "Yes?"
Aww... such adorable chinky eyes!
Hindi niya alam kung bakit gustung-gusto niya ang mukha nito. Singkit ang mga mata nito, natural ang pagkabagsak ng itim na itim na buhok nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi, maputi at makinis ang balat.
Marami naman siyang guwapong kaklase dahil Broadcasting ang course niya, kaya nakakatawang na-"starstruck" pa siya sa isang lalaking ni hindi nga yata marunong ngumiti.
Maybe because she could see how sad his eyes were. Like the night when he almost got drowned. Gusto niyang alisin ang kalungkutan na 'yon dahil nakikita niya ang sarili niya rito –
"Yes?" untag muli sa kanya ni Braiden.
Tumikhim siya. "Ahm, isa ako sa mga nabigyan mo ng guitar lesson. Kung matatandaan mo, ako rin 'yong nagtanong sa'yo kung puwedeng..." Naglakas-loob siyang salubungin ang tingin nito. "Kung puwedeng kumuha pa rin ako ng guitar lessons sa'yo pero sa katapusan ko na bayaran?"
Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Subalit wala siyang emosyong mabasa sa mukha nito. Pero ang tingin nito, para bang unti-unting tinutunaw ang mga tuhod niya. Dapat siguro, gawing illegal ang maging gano'n kaguwapo. Maraming babae ang magfa-fangirl mode ng wala sa oras.
"You're Peanut Illustrano, right?"
Napasinghap siya. "Ah, yes. I'm Peanut Illustrano. Pasensiya ka na kung nakalimutan kong magpakilala sa –"
Tinaas nito ang kamay nito upang pigilan siya sa pagsasalita. "Peanut, calm down."
Tinutop niya ang kanyang bibig saka siya tumango. "Pasensiya na."
Sinenyasan siya nitong maghintay. May kinuha itong paperbag mula sa passenger side ng kotse nito at pagbalik nito, inabot nito 'yon sa kanya. Nagtataka man ay tinanggap niya 'yon.
"Para sa'kin 'to?" nagtatakang tanong niya.
"Sa'yo 'yan," kaswal na sagot nito.
Sinilip niya ang nasa loob niyon. Napasinghap siya nang makitang 'yon ang jacket niya. Nag-angat siya ng tingin dito. "Paano mo nalamang sa'kin 'to?"
May dinukot ito sa backpocket ng pantalon nito at inabot 'yon sa kanya. It was her school ID. "Nakita ko ang ID mo sa bulsa ng jacket mo. Ikaw ang nagligtas sa'kin, Peanut. Thank you," sinserong wika nito. Hindi man ito ngumiti ay nangislap naman ang mga mata nito.
"Pero hindi ak–"
"If giving you free guitar lessons is the only way I can repay you for saving my life, so be it."
"Ha?"
Tumango ito. "I owe you my life. I'll do anything and everything to repay you."
Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya. Alam niyang inosente ang pagkakasabi niyon ni Braiden. Pero iba pa rin ang dating sa kanya. His honest words said carelessly yet sincerely seemed to make the butterflies in her stomach go berserk.
Ang suwerte ni Jam dahil may isang lalaking gagawin ang lahat para sa kanya bilang pasasalamat sa pagliligtas niya sa buhay nito.
Nagliyab na naman ang pamilyar na galit sa kanyang puso. Madadagdagan na naman pala ang mga taong magmamahal sa babaeng 'yon. Handang gawin ni Braiden ang lahat para rito, samantalang siya, kailangan pa niyang lumabas na kaawa-awa para lang makiusap dito na bigyan muna siya ng libreng guitar lessons at bayaran na lamang ito kapag may pera na siya.
"Peanut?" untag sa kanya ni Braiden.
Dumako ang tingin niya sa hawak niyang school ID, paperbag at saka siya muling tumingin ng diretso sa mga mata nito. May kakaibang emosyong namuo sa dibdib niya. Negatibo subalit hindi niya magawang supilin 'yon.
She looked straight into his eyes. "Oo... ako nga ang nagligtas sa buhay mo. Nakita kitang tumalon sa pool pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi ka pa rin umahon. Nag-alala ako kaya tinalon na kita sa tubig. You almost drowned. I'm glad I was there to help you."
"And I'm really grateful to you because of that." Nilahad nito ang kamay nito sa kanya. "I haven't formally introduced myself. I'm Braiden Alden Wycoco, but you can call me 'Bread.'"
"Okay, Bread." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Peanut Illustrano. Call me 'Peanut.' Not 'Pea', not 'Nut', they sound weird."
Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na wala pa ring ekpresyon sa mukha. How could he appear so indifferent when here she was, completely affected by the warmth of his hand, by the gentleness of his grip, and by those disarming gaze of his?
Alam niyang nagsinungaling siya rito. Pero wala siyang pagpipilian. She had to do it to get her free guitar lessons. Hindi lang ang simpleng pagkatuto maggitara ang pinaglalaban niya ngayon. Gusto niyang pumantay kay Jam.
Inagaw nito sa kanya ang ina na dapat ay siya ang inaalagaan. Kaya ngayon naman, aagawin niya ang taong dapat ay sinusuklian ang kabutihan nito– kabutihan na aangkinin niya.
***
NAPAPIKSI si Peanut nang tumama ang daliri niya sa matulis na edge ng kahon ng cake na kasalukuyang tinatalian niya ng ribbon. Kasalukuyan siyang nasa Harurry's Sweets – ang bakeshop na pinagtatrabauhan niya.
"Here's your cake, Ma'am. Thank you and please come again," nakangiting wika niya pagkaabot niya ng cake sa ginang.
Isang tipid na ngiti lang ang sinagot nito sa kanya bago binalingan ang anak nitong babae na edad sampu. Nalaman niya 'yon dahil hugis 10 ang kandilang binili nito kasama ng cake. "O, anak. Happy birthday! Ang laki-laki ng cake mo. Masaya ka ba?"
"Opo, Mama! Thank you!" The girl kissed her mother on the cheek.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang pinapanood ang mag-ina na lumabas ng bakeshop. Naiinggit na naman siya sa magandang samahan na nakikita niya sa dalawa. And that birthday cake... she wish she had one.
Umiling na lang siya saka muling umupo sa stool sa likod ng counter. Nag-break ang kasamahan niya sa trabaho na si Shizu kaya mag-isa lang siya sa shop. Mag-a-ala sais na ng gabi at matatapos na ang shift niya. Sabado niyon kaya buong araw siyang naroon. Kapag weekdays naman, tatlong oras lang dahil may klase siya sa umaga. Mag-a-anim na buwan na rin siya sa Harury's Sweets. Kapag natapos na ang kontrata niya ro'n, maghahanap na naman siya ng bagong papasukan.
Maybe I should try working at a gasoline station.
Binubuklat niya ang notebook niya kung saan nakasulat ang mga notes niya sa guitar lessons niya nang matigilan siya. Tiningnan niya ang mga kamay niya. Puno ng kalyo ang mga daliri niya at masakit ang mga 'yon. Isang linggo na siyang tinuturuan ni Bread maggitara sa pamamagitan ng Skype. Sa gabi sila nag-o-on line pareho pagkatapos ng lesson nito sa iba.
Tumunog ang chime sa pinto ng shop na indikasyong may customer. Nagulat pa siya nang pag-angat niya ng tingin ay sumalubong sa kanya si Bread.
Napangiti siya. "Good evening, Sir."
Wala pa ring emosyon sa mukha nito habang nakatitig sa kanya. "Good evening, Peanut. I didn't know you work here."
"Now you know. Anyway, Sir, ano'ng cake ba ang kailangan mo?"
Umiling ito. "I'm not here to buy cakes." Napakamot ito ng kilay. "Actually... I went inside this shop to see if you can let me make a phone call. May landline kayo dito, 'di ba?"
"Yes, Sir. Na-lowbatt ba ang phone mo?" usisa niya.
"Yes. Magpapasundo lang sana ako kina Connor. Don't worry, I'll pay –"
Tinaas niya ang kamay niya upang pigilan ito sa pagsasalita. "Hindi mo na kailangan magbayad. It's just a phone call anyway."
Tumango ito saka lumapit sa counter kung saan nakapatong ang landline. Sinenyasan niya itong maaari na nitong gamitin ang telepono. Upang bigyan ito ng privacy, tumalikod siya at kunwari ay inayos ang mga cake sa loob ng ref.
Ilang minuto rin ang lumipas nang marinig niyang marahas na bumuga ng hangin si Bread. Nang lingunin niya ito, nakita niyang tapos na pala itong makipag-usap. Mukha itong problemado kaya hindi na niya napigilang mag-usisa.
"Ano'ng problema, Bread? Baka may maitulong ako," alok niya.
Tumingin ito sa kanya. "Kailangan ko kasing pumunta sa isang restaurant dahil may dinner kami ng mom ko. Pero nagloko ang makina ng kotse ko. Mabuti nga at dito malapit sa shop niyo tumirik ang sasakyan ko. I asked Connor and the boys if they can fetch me, but they can't."
Napaisip siya. "Ano'ng restaurant ba ang pupuntahan mo?"
"'Saturn's Mansion'."
"Oh. I know that place. Kailangan mo lang mag-MRT. Then, puwede mo na lang lakarin mula ro'n ang Saturn's Mansion."
Bahagyang kumunot ang noo nito. Mukhang may gusto itong sabihin pero tila nahihiya itong sabihin 'yon.
Kumunot din ang noo niya. "'Wag mong sabihing hindi ka marunong mag-commute?"
Hindi ito umimik at sa halip ay namula lang ang magkabilang pisngi.
Natawa siya ng marahan. "Well, ano pa bang aasahan ko sa isang taong ipinanganak sa yaman."
"It's not like that," depensa nito.
Natawa lang uli siya habang hinuhubad ang green apron niya na bahagi ng uniporme niya. "Ihahatid na kita."
"But –"
"Papunta rin naman ako sa mall na malapit sa restaurant na 'yon kaya walang problema. Isasabay lang naman kita. Kapag naligaw ka, konsensiya ko pa 'yon," nakangiting wika niya.
Lalong namula ang mukha nito. "Thank you."
Hmm... this boy is so cute!
***
"HERE'S your ticket." Inabot ni Peanut kay Bread ang ticket nito.
Agad naman dinukot nito ang wallet nito mula sa backpocket ng pantalon nito. "I'll pay you –"
Nilahad niya ang palad niya rito. "Give me twenty pesos."
Natigilan ito. Napatingin ito sa kanya at napalunok.
Natawa siya. "Wala kang gano'ng kaliit na halaga, 'di ba? Pasensiya ka na pero hanggang limang piso lang ang kaya kong isukli. Sa susunod mo na lang ako bayaran," aniya saka sinenyasan itong sumunod sa kanya.
Umagapay ito ng lakad sa kanya. "I'm sorry for the trouble."
"No problem. Oo nga pala, nakikita mo namang maraming tao rito sa station kaya 'wag kang lalayo sa'kin, ha?"
"I'm not a child," tila nagmamaktol na wika nito.
She giggled. She must have wounded his pride as a man. Para humingi ng despensa rito, dumikit siya rito at nakangiting nilingon ito. "Kung gano'n, puwede bang bantayan mo ko at siguraduhing hindi mawawala sa tabi mo?"
Nawala ang kunot ng noo nito. "Of course."
Boys are really simple-minded. Natawa na lang siya sa naisip niya. Pinakita niya rito ang hawak niyang card. "Bread, listen to me. Nakikita mo ang arrow na 'to sa card na 'to? 'Yan ang ipapasok mo rito. Like this." She inserted the magnetic card inside the machine. Nilingon niya ito nang lumabas muli ang magnetic card na katulad ng sa bread toaster. "And don't forget to pick it up again." Hinintay niya itong gayahin ang ginawa niya.
She thought she saw a glimpse of heaven when his face lit up in so much delight when he inserted the magnetic card in the machine. When it popped out, his face beamed again and even though he wasn't smiling, it was obvious that he was happy. Napangiti siya. Marahil ay excited ito dahil iyon ang unang pagkakataong sasakay ito ng MRT.
He's like a child – innocent and kind.
When he was walking towards her, there was a smug look on his face. Marahil ay pinagmamalaki nitong mabilis itong natuto. Natawa tuloy siya at pumalakpak. "Not bad for a first timer!"
"Thank you," sagot nito na halatang sinasakyan lang ang kalokohan niya na ikinatawa niya.
Nagulat siya nang hawakan siya nito sa braso at akayin malapit sa platform kung saan marami nang taong nag-aabang sa pagdating ng tren. Sineryoso nga nito ang sinabi niyang bantayan siya nito kaya hinayaan na lang niya. Isa pa, gusto rin naman niya ang pakiramdam na inaasikaso.
"Maalala ko lang, Bread. Sa pagkakaalam ko, parating may bodyguard na nakabuntot sa'yo, 'di ba?" Nilingon niya 'to. "Nasa'n sila ngayon?"
"Tinakasan ko sila kanina. Hindi ko naman akalaing titirik ang kotse ko," he answered monotonously.
"I see. Pilyo ka rin pala." Inipit niya sa likod ng kanyang tainga ang buhok niya.
"Your fingers..." Bago pa siya makapagtanong ay kinuha na nito ang kamay niya. Maingat nitong ininspeksyon ang mga daliri niyang may kalyo na. Tila umamo ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Alam kong masakit ang mga 'to. But you have to bear with it, okay?"
Ah, such gentleness in his adorable chinky eyes. Bakit ba nag-aalala ito sa kanya?
Kasi po inaakala niyang ikaw ang nagligtas sa kanya.
Nalungkot siya. Maaaring 'yon nga lang ang dahilan kung bakit ito mabait sa kanya. At ang dahilang 'yon, peke pa dahil hindi naman talaga siya ang nagligtas sa buhay nito. She didn't know why she felt disappointed.
Mabuti na lang at may dumating na distraction – ang tren!
Napasinghap siya at mabilis na hinawakan sa kamay si Bread. "Bread, this is war. Pagbukas ng pinto ng tren, bilisan mong tumakbo, ha?"
"Ahm –"
Bago pa ito makasagot ay bumukas na ang pinto ng tren. Mabilis niya itong hinila papasok, at sinama niya ito sa pakikipagsiksikan sa mga tao. Subalit nabigo pa rin siyang makakuha ng upuan. Nanatili tuloy silang nakatayo.
Bumuga siya ng hangin. "Pasensiya ka na, Bread. Naunahan tayo sa upuan, eh."
Sumimangot ito. "You don't need to apologize. Ako nga ang dapat gumagawa nito, hindi ikaw."
Natawa siya. "Bread, hindi na uso ngayon 'yan. Sa panahon ngayon, pantay na ang mga babae at lalaki. May nakikita ka bang mga lalaking nag-aalok ng upuan sa mga babaeng nakatayo? Wala na. Pare-pareho tayong nagbabayad dito kaya pantay-pantay tayo rito."
Hindi pa rin naalis ang pagtatampo sa mukha nito. "If I have a seat in this train, I would definitely give it to you once I saw you standing."
May mainit na bagay na bumalot sa kanyang puso. Mukhang gusto talaga nitong may magawa para sa kanya. Kahit nalulungkot siya sa dahilan nito kung bakit ito mabait sa kanya, tatanggapin niya dahil siya rin naman ang nagsimula niyon.
Kumapit siya sa manggas ng checkered polo nito. Ngumiti siya nang lingunin siya nito. "Can I hold you like this? So I won't fall?"
Nag-iwas ito ng tingin saka tinakpan ng isa nitong kamay ang bibig nito. "Please."
Natawa siya. She didn't know he was a shy boy! A comfortable silence ensued after. Pasimple siyang lumingon sa paligid. Out of place ang itsura ni Bread dahil sa kaguwapuhan at height nito.
He had an obvious air of wealth around him. Binantayan niya itong maigi. Medyo maraming tao sa tren kaya hindi siya magtataka kung madukutan ito. And then she saw a hand slowly pulling Bread's wallet from the backpocket of his pants.
Kinalabit niya si Bread. "Bread, 'yong wallet mo."
Awtomatikong kinapa nito ang wallet nito na mabilis binitawan ng mandurukot nang magsalita siya.
"Ano? Wala akong ginagawang masama!" angil ng lalaking nagtangkang mandukot kay Bread. Nang dumaan ito sa gilid niya upang lumipat ng puwesto ay tinulak pa siya nito.
Muntik pa siyang mawalan ng balanse kung hindi lang siya nasalo ni Bread. Pero huminto ang tren no'n at dahil wala itong kinakapitan, napaupo ito sa sahig, bringing her down with him. Nagsiiwas ang mga tao upang hindi nila madaganan. In the end, she fell on top of him, with their noses barely touching.
Nagulat siya dahil sa posisyon nila. Parang malulunod na rin siya sa itim na itim nitong mga mata. Now that he was this close did she realize how gorgeous he really was. And that minty breath of his... she wanted to close her eyes and she wouldn't care about the world anymore. Gano'n kalakas ang epekto nito sa kanya.
"Peanut, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Bread.
No'n siya natauhan. Mabilis siyang humiwalay dito at tumayo. Siya naman ang umalalay dito sa pagtayo nito. "Okay lang ako. Ikaw?"
"I'm fine," sagot nito saka siya hinawakan sa braso. Marahan siya nitong hinila at sinandal sa pader ng tren. Itinukod nito ang mga kamay nito sa magkabilang panig ng ulo niya upang marahil protektahan siya sa mga tao. "Are you sure you're not hurt?"
Umiling siya. Nag-iwas siya ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. "Ngayon ko lang na-realize na nakakahiya 'yong nangyari sa'tin. Buti na lang, hindi tayo kilala ng mga 'yan."
"I agree."
Nilingon niya ito. Nakataas ang isang sulok ng mga labi nito. He was smiling! Nahawa yata siya sa maganda nitong ngiti kaya napangiti na rin siya.
"Maybe we can be friends," wika niya.
Tumango ito. "Let's be friends."