Chapter Nine

2493 Words
"PEANUT, open the door." Yakap-yakap ni Penut no'n ang mga binti niya nang marinig ang boses ni Bread mula sa labas ng kuwarto. Nang makita niya kanina ang kanyang ina ay dali-dali siyang umakyat at nagkulong sa kanyang silid. "Bread... kasama mo ba siya?" tanong niya rito sa basag na boses na ang tinutukoy ay ang kanyang ina. Hindi na kasi napigilan ang mapaiyak dala ng samu't saring emosyon na namuo sa dibdib niya. She was happy, scared, sad and angry. "No. But she's still downstairs." Napahagulgol na naman siya ng iyak. "Tell her to leave. Please." "Peanut, open the door first. I hate it when you cry by yourself when I'm here," anito sa masuyo at tila nagmamakaawang boses. Siyempre, natunaw agad ang puso niya. Hindi niya ito kayang tiisin. Tumayo siya at pinagbuksan ito ng pinto. Sumalubong sa kanya ang nag-aalala nitong mukha. She held his hand and pulled him inside the room before she gently closed the door. "Peanut, is Aunt Pillar really your mother?" halos pabulong na tanong ni Bread. Tumango siya. "Yes." Tumingala siya rito. "Bread, what should I do? Should I talk to her?" Kinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. "Handa ka na ba?" Hinawakan niya ang mga kamay nito. "I don't know. Pero... pero gusto ko siyang makausap. It's just that... I'm scared." "Don't be. I'm here for you," matatag na wika nito. Dahil sa mga salitang 'yon ay agad natahimik ang kanyang kalooban. His presence made her stronger. Niyakap niya ito. "Samahan mo ko, ha?" He kissed her on the forehead. "You didn't have to ask, baby." Ilang sandali rin silang nanatili sa gano'ng posisyon. Nang makaipon na siya nang sapat na lakas ng loob upang harapin ang kanyang ina ay nag-aya na siyang bumaba. They went down the living room with their hands linked. And there was her mother, crying yet smiled when she saw her. "Peanut... anak..." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Bread. Ang bilis at lakas ng t***k ng puso niya dahil sa kaba. "A-ano'ng ginagawa niyo rito?" "A-ang totoo niyan... h-hindi ko alam na nandito ka. N-nagpunta lang ako rito dahil gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan ni Jam. Hindi ko inaasahang magkakilala pala kayo..." Lumapit ito sa kanya. Umiiyak pa rin ito. "Peanut... ang laki mo na. Pero kahit gano'n, hinding-hindi ko makakalimutan ang maganda mong mukha..." Nag-aalangan man no'ng una pero umangat pa rin ang mga kamay nito. She cupped her face and smiled even though her tears kept falling. "You look more beautiful now, daughter." No'n na muling pumatak ang mga luha niya. "Daughter? You still call me that after you abandoned me?" sumbat niya rito. "Hindi ba't iniwan mo ko para lang magkaroon ka ng maginhawang buhay? The moment you've abandoned me was also the moment you've forfeited your right to be my mother." Humagulgol ito ng iyak. "I'm sorry, Peanut... I'm sorry. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko nang mga panahong 'yon. Nang mamatay ang papa mo, halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano ka bubuhayin. Nang dumating si Arlando – ang ama ni Jam – nagkaroon ako ng bagong pag-asa..." "Kaya mas pinili mo siya kaysa sa'kin?" Unti-unti siyang bumitaw kay Bread upang alisin ang mga kamay ng kanyang ina sa mukha niya. "Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Mas pinili mo kaysa sa'kin ang lalaking 'yon. Iniwan mo ko para mag-alaga ng anak ng iba. Alam mo ba kung gaano ako naiinggit kay Jam dahil no'ng mga panahong kailangan ko ng isang ina, nasa tabi ka niya?" "Alam ko, Peanut. Alam ko." Pinunasan nito ang mga basang pisngi nito gamit ang mga kamay nito subalit hindi naman huminto sa pagpatak ang mga luha nito. "Naging mahina ako. Simula nang magsama kami ng papa mo, siya ang nagtaguyod sa pamilya natin. Kaya nang mawala siya at ako na ang kumayod para sa'ting dalawa, nakaramdam ako ng pagod. And that was when Arlando came. Gusto niya kong pakasalan pero tutol ang mga magulang niya na isama ka sa pamilya nila. Sa maniwala ka man o hindi, tumutol akong iwan ka. Naghiwalay kami ni Arlando dahil hindi ako pumayag sa kagustuhan ng pamilya niya. Nagtungo siya sa Amerikana no'n upang makalimot. Nang mga panahong wala siya sa Pilipinas, nagkaroon ka ng dengue. Hindi ko alam kung saan kukuha ng perang pampagot sa'yo no'n dahil walang-wala rin ang lolo't lola mo. No'n ako napilitang lumapit kay Arlando. Pero ang mga magulang niya ang nakaharap ko. They wanted me to marry their son dahil napariwara raw ang buhay ni Arlando nang iwan ko 'to. At kapalit no'n, bibigyan nila ako ng pera upang maimpambayad sa ospital kung saan ka naka-confine. I had no choice but to accept their offer." Natigilan siya. Ngayon lang niya narinig ang kuwentong 'yon. Iniligtas siya ng pera ng mga Lozario pero bilang kapalit no'n, napilitan ang kanyang ina na talikuran siya. Still, knowing that didn't lessen the pain. Napaiyak muli siya. "Bakit hindi mo ko binalikan o dinalaw man lang?" "Pagkatapos naming magpakasal ni Arlando no'n, kinailangan niyang bumalik sa Amerika. Jam had a heart failure when she was a kid, at kinailangang do'n siya operahan. Sumama ako sa kanila no'n. Ilang taon din kaming nanatili ro'n. Nang magkolehiyo si Jam lang kami nagpasyang bumalik ng Pilipinas. At nang mga panahong 'yon, tinangka kong magpakita sa'yo. Pero inilayo ka sa'kin ng lolo't lola mo. Galit sila sa'kin kaya ayaw ka nilang ipakita sa'kin. And... and I'm afraid. Natatakot akong masaktan ka kung babalik ako sa buhay mo." "So you took care of Jam when you were in America? Kaya ni hindi mo man lang ako nagawang dalawin ni minsan?" Malungkot na ngumiti siya. "Siguro no'ng mga panahon palang pinapalipas ko lang ang birthday ko dahil walang panghanda sina lolo't lola, kumakain kayo sa mamahaling restaurant ni Jam. Siguro no'ng mag-isa akong umakyat sa stage no'ng graduation ko, sa ibang parte ng mundo, ikaw pa ang nagsabit ng medalya kay Jam. At sa tuwing kikidlat, alam mo ba kung ilang beses kong nahiling na sana, naro'n ka sa tabi ko, yakap ako, at sasabihing huwag akong matakot. Siguro, sa mga gabing 'yon, nasa tabi ka ni Jam habang pinapanood itong matulog. Sa tuwing iisipin ko 'yon, ang sakit-sakit. I am your real daughter, pero ibang anak ang inaalagaan mo." Muli na namang humagulgol ang kanyang ina. "Inaalagaan ko ng mabuti si Jam dahil umaasa akong gano'n din ang ginagawa nina Inay sa'yo," anito na ang tinutukoy ay ang lola niya. "Hindi lumilipas ang araw na hindi kita naiisip. Hindi lumilipas ang gabi na hindi ko ipinagdadasal na sana nasa mabuting kalagayan ka. Mahal na mahal kita, anak. Sana mapatawad mo ko. Please..." Nilingon niya si Bread. Pain was evident in his eyes. Maybe he was hurting, too, because she was hurting. And she didn't want him to feel that pain. Marahang umiling siya upang ipaalam dito na hindi niya gusto ang nakikita niyang sakit sa mga mata nito. Ngumiti ito kahit bahagyang nakakunot ang noo. She smiled a little, too. Hinarap niya ang kanyang ina na nakatakip ang mga kamay sa bibig habang patuloy sa pag-iyak. "Pagod na ko. Pagod na kong pilitin ang sarili kong magalit. Dahil kahit anong gawin ko, hindi naman galit kundi pangungulila ang nasa puso ko. I can't hate you. Because I love you so much. Wala akong ibang gustong mangyari kundi makasama ka uli. Puwede na ba 'yon..." Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya. "Mama?" Her mother burst out crying once again. Patakbo itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Of course, daughter! Kung hindi man kita naipaglaban no'n, patawarin mo ko. Pangako, babawi ako sa'yo. Babawiin natin ang walong taong lumipas. Mahal kita, Peanut. Mahal na mahal." "Hindi natin agad maibabalik ang dati nating samahan. Pero umaasa ako na unti-unti nating malalapatan ang lamat na dinulot ng sakit ng nakaraan." She closed her eyes and let her tears fall. Ninamnam na rin niya ang init ng yakap ng kanyang ina. She missed her so much. "Mama... Mama..." "Thank you for giving me another chance, my daughter, my baby," umiiyak na wika ng kanyang ina. She opened her eyes and turned to Bread. Wala na ang sakit na nakita niya sa mga mata nito kanina. Napalitan na 'yon ng saya. He was probably happy for her and for her mother. She reached out her hand to him. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at pinisil 'yon. "I love you, Peanut," he mouthed to her. I love you, too, Bread. And I'm sorry. *** BUMUGA ng hangin si Peanut nang mula sa glass panel ng Harury's Sweets ay nakita niyang aali-aligid si Jam sa tapat ng shop. Mukhang may ideya na siya kung bakit ito naroon kaya nilabas na niya ito. "Jam, para kang pusang hindi maihi d'yan," aniya rito. Natigilan ito nang makita siya. Biglang nangilid ang luha sa mga mata nito. "Peanut..." Bigla siya nitong niyakap. "I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry!" Bumuga siya ng hangin. Tama ang hinala niya. Alam na nito kung sino siya sa buhay ng kanilang ina. "Bakit ka nagso-sorry, Jam?" "I heard it. Alam ko na kung bakit iniwan ka ni Mommy. My grandparents wanted me to have a new mother, at gusto nila ako lang ang anak nina Mommy at Daddy. Nagdusa ka dahil naging makasarili ang pamilya ko para lang pasayahin ako." Pumiyok na ito at humikbi. "I'm sorry, Peanut." Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat saka ito marahang tinulak palayo sa kanya. "Hindi lang ikaw ang dapat humingi ng tawad. Sumunod ka sa'kin." Pumasok na siya sa shop kahit hindi pa ito sumasagot. Umupo siya sa pangdalawahang mesa. Umupo si Jam sa tapat niya. "May dapat din akong ihingi ng tawad sa'yo." Kumunot ang noo nito habang pinupunasan ng tissue ang magkabilang pisngi nito. "What do you mean?" Nilabas niya ang phone niya. Dahil may free wi-fi ang Harury's ay nabuksan niya ang f*******: account niya. Inabot niya ang cell phone niya kay Jam upang ipakita rito ang account niya kung saan naka-save din ang palitan nila ng maaanghang na salita. Napasinghap si Jam. "Ikaw si "Little Miss Basher"?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Ikaw 'yong parating nang-aaway sa'kin sa f*******: at Twitter?" She smiled apologetically at her. "Ako nga. I'm sorry, Jam. Naging isip-bata ako. Dahil malaki ang inggit ko sa'yo, 'yan ang naging outlet ko para gumaan ang pakiramdam ko. Kung gusto mong magalit sa'kin, sige lang." Marahan itong umiling. "Hindi ako galit sa'yo, Peanut. Naiintindihan kita." Pinatong nito ang kamay nito sa kamay niya. Ngumiti ito. "Kalimutan na natin ang nakaraan. Pamilya na tayo. Ngayong kukunin ka na ni Mommy, magiging parang tunay na magkapatid na tayo." Pumanaw na pareho ang lolo't lola ni Jam kaya wala nang tututol sa pagsama niya sa kanyang ina sa mansiyon ng mga Lozario. Tanggap din siya ng ama nito. Pero sabi ng kanyang ina, kahit daw buhay pa ang mga lolo't lola ni Jam ay ipaglalaban pa rin siya nito. And that made her happy. Pansamantala lang siyang titira sa mga mansyon ng Lozario. Gusto lang niyang pagbigyan ang kanyang ina at upang mas masulit nila ang bawat araw na magkasama. Pero sinabi niyang kapag may stable job na siya ay bubukod na rin siya. Kahit pa kasi anong gawin nila, hindi naman maitatangging sina Jam na ngayon ang pamilya ng kanyang ina dahil kasal ito kay Arlando Lozario. Tanggap na niya 'yon at nagpapasalamat na lang siyang nagkaayos na silang mag-ina. Maayos na ang lahat, maliban sa isang bagay. "Jam, may ipagtatapat ako sa'yo," wika niya. "Hmm?" Dumako ang tingin niya sa pinto ng Harury's Sweets nang tumunog ang chime niyon. It was Bread. Nagtama ang mga mata nila. Palapit na ito sa kanila at nang masiguro niyang maririnig na nito ang mga sasabihin niya ay mas nilakasan pa niya ang boses niya. "Ako 'yong babaeng tumulong sa'yo nang gabing iligtas mo si Bread na muntikan nang malunod." Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak. Natigilan sa paglalakad si Bread. Halatang nagulat ito sa sinabi niya. "You mean, si Bread nga ang lalaking 'yon?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jam. "Hindi ako sigurado no'n dahil madilim at nang tanungin ko siya, ang sabi niya ay hindi naman siya nagpunta sa pool side ng Empire nang gabing 'yon." "Hindi ko alam kung bakit niya itinanggi 'yon pero siya ang lalaking iniligtas mo." Nag-iwas siya ng tingin kay Bread nang dumaan ang sakit sa mga mata nito. "Nagpanggap ako na ako ang babaeng nagligtas sa kanya dahil gusto ko siyang agawin mula sa'yo. Dahil ayokong madagdagan ang mga taong magmamahal sa'yo. At nang mapansin kong may gusto ka sa kanya, ginawa ko ang lahat para mahulog ang loob niya sa'kin. Para kapag ako ang minahal niya, masasaktan kita." "You manipulated me, Peanut?" punung-puno ng paghihinanakit na tanong ni Bread. "Was your love a lie?" Tumayo siya at sinalubong ang tingin nito. "Narinig mo na ang lahat, Bread. Wala na kong dapat sabihin pa." *** "PEANUT, I'm not yet done talking to you." Napilitang huminto sa paglalakad si Peanut nang hawakan siya sa braso ni Bread. Hinarap niya ito. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya. "I'm sorry, Bread. I'm really, really sorry." There was a pained look in his eyes again. "Talagang ginamit mo ko para lang pasakitan si Jam?" Tumango siya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha niya. "Oo. Nagpanggap akong ako ang babaeng nagligtas sa buhay mo para makuha ko ang gusto ko sa'yo. No'ng una, para lang bigyan mo ko ng free guitar lessons, at para hindi ka mapalapit kay Jam. Pero nang madiskubre kong may gusto siya sa'yo, ginusto kong maging akin ka para masaktan siya." Binitawan siya nito. Mariing pumikit ito at pinisil ang pagitan ng mga mata nito. "You only used me. And you made me fall for you just to hurt Jam, I see." Bumuga siya ng hangin. "Totoo 'yon. Pero Bread, I love you. I really did fall for you." He opened his eyes and gave her an accusing look. "Minahal mo ba ko dahil lang mahal mo ko? O minahal mo ko dahil ayaw mong mapunta ako kay Jam?" Natigilan siya nang makita ang matinding sakit sa mga mata nito. That was the first time she saw him in so much pain. And it hurt to know she was the person behind the pain in his eyes. "Alam mo, Peanut, ang pinakahuling bagay na gusto kong pagdudahan sa mundo ay ang pagmamahal mo sa'kin." Nag-iwas ito ng tingin. "Pero masyadong masakit isipin na ginusto mo lang akong makuha dahil ayaw mong mapunta kay Jam." "Bread, I –" Marahang umiling ito upang pigilan siya sa pagsasalita. "I love you, Peanut. Pero sa tingin ko, hindi ang pagmamahal ko ang kailangan mo para magamot ang sugat sa puso mo." Then, he started to walk away. Nakagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang sarili niyang humikbi habang pinapanood itong maglakad papalayo sa kanya. His retreating form was both beautiful to look at, and painful to watch. Siguro nga ito ang kaparusahan ko sa nagawa kong p*******t sa ibang tao. Bread, si Jam ang tunay na nagligtas sa buhay mo. Siya ang dapat mong pinasalamatan no'ng una pa lang. If I didn't lie to you, siya kaya ang minahal mo himbis na ako? Malungkot na ngumiti siya. "Maybe bread goes better with jam after all."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD