Chapter Ten

1578 Words
HINAMPAS ng malakas ni Peanut si Haru sa braso na ikinasinghap nito nang masiguro niyang walang ibang nakatingin sa kanila. "Sira ulo ka! Bakit hindi mo sinabing ganito kabongga pala ang birthday ni Harry? Ang sabi mo, maliit na dinner lang 'to with your family and some close friends!" "Ang ganda-ganda mong babae, napaka-bayolente mo," tatawa-tawang reklamo nito. "If I told you the truth, hindi ka sasama." "Hindi talaga!" "See? Kaya hindi ko sinabi sa'yo." Kasalukuyan silang nasa isang private beach resort no'n sa Batangas. Napakadaming bisita at sa tingin niya ay bigating mga tao pa ang mga 'yon. Nasa tabing-dagat sila kung saan nagkalat ang mga mesa at upuan. May improvised stage pa nga ro'n at wine bar. Hindi kasi kasya sa maliit na bar ng resort ang mga bisita kaya nasa outdoor silang lahat ngayon. "Just enjoy the party, Peanut," nakangising wika ni Haru, saka siya inakbayan. Pabirong siniko niya ito sa sikmura. "Sumama ako rito dahil kay Harry, at dahil sinama mo rin sina Shizu, Sava, Mava at Lava, so don't act intimate with me." Nasa'n na ba ang mga bruhang 'yon? Ang mga kaibigan niyang 'yon, mukhang nakahanap na agad ng group of friends. Marami kasi sa mga bisita ay kasing edad nila. Kung hindi siya nagkakamali, mga kaibigan ni Haru ang mga guwapo at magagandang nilalang sa paligid. "Relax. I'm sure matutuwa ka kapag dumating na ang banda na inupahan ni Mommy," pang-aalo ni Haru. "Banda?" kunot-noong tanong niya. "You know them – Empire's HELLO Band." Nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Kung gano'n, naroon din si Bread? "Kaibigan ni Mommy ang may-ari ng beach resort na 'to – si Tita Mercedes Sylvestre. Sa pagkakaalam ko, anak ni Tita Merced ang drummer ng banda na si Shark Anthony Sylvestre kaya napakiusapan nito ang banda ng anak nito na tumugtog sa party na it – Peanut, saan ka pupunta?" Mas binilisan niya ang lakad. Kapag nagkita sila ni Bread, baka maiyak na naman siya. Isang linggo na rin silang hindi nagkikita nito. Baka galit pa ito sa kanya. Hindi kakayanin ng puso niya kapag lantaran siya nitong hindi pinansin. She had tried reaching out to him. Nag-message siya rito sa f*******:, sa Twitter at kahit nga sa Skype ay parati niya itong inaabangan. Pero hindi pa rin siya nito kinikibo. "Wait up, Peanut!" Nasa swimming pool na sila ng resort nang abutan siya ni Haru. "Bakit bigla mo namang naisipang pumunta rito?" "Gusto ko nang umuwi." Lumingon-lingon siya sa paligid. Mukhang nagkamali siya ng daan. "Paano ba lumabas ng resort?" Nahagip ng mga mata niya ang dalawang pigura na nasa kabilang panig ng pool. Kung hindi siya nagkakamali, ang matangkad na lalaking 'yon ay si Riley –ang vocalist ng banda. May kasama itong maliit na babae na hindi niya kilala. Juskopo! Nandito nga talaga ang HELLO! "Crayon, ihahatid na kita," mahinahong wika ni Riley sa kasama nitong babae. "Hindi ka puwedeng umalis dahil magpe-perform ang banda niyo mayamaya. I'm just going to wait for Logan," mataray na wika ng babaeng nagngangalang "Crayon" nang hindi man lang nag-aangat ng tingin kay Riley dahil abala ito sa pagte-text. "Hinatid ko lang naman ang pinsan ko rito. I'm going now." Pag-alis ni Crayon ay dali-dali itong sinundan ni Riley. Pero biglang huminto ang binata at nilingon siya. Walang emosyon sa mukha nito kaya hindi niya alam kung anong iniisip nito. But he turned away and followed the snub girl. "Sa tingin ko, gusto ng lalaking 'yon 'yong masungit na babae," nakangising wika ni Haru habang nakatingin sa direksyong tinahak nina Riley at Crayon. Nakaupo na ito sa pool side. "Ano naman ang pakialam mo sa kanila?" "Alam mo, ang sungit mo ngayon," natatawang puna nito. "Magpalamig ka nga ng ulo." "Wha – aaahhh!" Napasigaw na lang siya nang hilahin siya ni Haru sa kamay at ihulog sa tubig ng pool. May kalaliman ang parteng iyon kaya nataranta siya. Ipinalupot niya ang mga braso niya sa leeg nito upang hindi siya lumubog. Matangkad kasi ang bruho kaya nakakatayo ito sa pool. "Walanghiya ka, Haru! Makaahon lang ako rito, sisipain kita papuntang Jupiter!" Natawa lang ito habang nakaalalay ang mga kamay sa kanyang baywang. "Relax ka lang, Peanut. Napansin ko kasing malungkot ka. And I hate seeing you sad. I'm serious when I said I like you." Napatitig siya sa mga mata nito. He was indeed serious. "Haru, seryoso rin ako nang sabihin kong hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." Ngumiti ito, halatang tanggap naman ang desisyon niya. "You're cruel. It's okay, I'm cool." She matched his grin. "I'm glad." "And I'm annoyed!" Sabay silang napalingon ni Haru sa pinanggalingan ng galit na boses. Nasa kabilang dulo ng pool si Bread na magkasalubong ang kilay habang nakapamaywang. Nataranta siya kaya mabilis siyang humiwalay kay Haru, pero nang hindi maramdaman ng paa niya ang sahig ng pool ay kumapit lang uli siya sa binata. "Peste! Wala bang hagdan sa pool na 'to?" "Chill, Peanut. I'll bring you there," natatawang wika ni Haru. "Dude, get your hands off my girlfriend!" galit na sigaw ni Bread. "I can't, dude! She's gonna drown!" tila nang-aasar na sagot ni Haru. Sasawayin niya sana si Haru nang marinig niya ang paglagaslas ng tubig. Napasinghap siya nang makitang tumalon sa pool si Bread at ngayon ay lumalangoy na papunta sa kanila! "But he can't swim..." hindi makapaniwalang bulalas niya. Ilang sandali lang ay tuluyan nang nakalapit si Bread sa kanila. Agad nitong itinulak si Haru na natawa lang. He wrapped his arms around her waist so she was forced to snake her arms around his neck so she wouldn't sink in the water. Tinapunan ni Bread nang masamang tingin si Haru. "Back off, buddy." Tatawa-tawang itinaas ni Haru ang mga kamay nito bilang tanda ng pagsuko. "Take care of Peanut, dude. She's a treasure." "I know." Ngumiti lang si Haru saka umahon ng pool, leaving her alone with Bread. "Anong ginagawa mo rito kasama ang lalaking 'yon?" angil agad ni Bread sa kanya. Hindi ito galit – mas nangingibabaw ang pagseselos sa boses nito. She pouted. "Wala kaming ginagawang masama. He was just probably cheering me up." "I don't like it when other guys do that. Kung may lalaki mang magpapasaya at magpapangiti sa'yo, ako lang 'yon." Nag-angat siya ng tingin dito. She gently touched his cheek. "Bago ka magselos, sabihin mo muna sa'kin kung napatawad mo na ba ko." Umamo ang mga mata nito. "I can't stay mad at you, Peanut. Nabigla lang ako sa nalaman ko kaya ako nagalit no'n. Masakit isipin na gusto mo lang ako dahil ayaw mong mapunta ako sa iba. Ngayon lang ako nasaktan ng gano'n, kaya naisip kong lumayo muna." Sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito at niyakap ito ng mahigpit sa takot na baka mawala na naman ito sa kanya. "Bread, I love you. I really do." "I'll ask you again, Peanut. Mahal mo ba ko dahil mahal mo lang ako? O mahal mo ko dahil lang ayaw mo kong mapunta kay Jam?" Napahikbi siya. Tumingala siya rito. "Mahal kita dahil lang mahal kita, Bread. Walang ibang dahilan kung bakit gusto kitang maging akin lang kundi dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Tila nakahinga ito ng maluwag. Ngumiti ito. "Thank you." And he gave her a quick yet deep kiss on the lips. "And I love you, too, Peanut. Nagpapasalamat ako kay Jam dahil iniligtas niya ang buhay ko. Pero kahit nalaman ko 'yon, hindi pa rin nagbago ang damdamin ko. Ikaw pa rin ang mahal ko. I love you not because you saved my life, but because I simply love you." Napaiyak siya. Such sweet words said in the gentlest way possible melted her heart. Pero isang bagay pa rin ang pinag-iisipan niya. "Bread, kailan ka pa natutong lumangoy?" "Marunong na kong lumangoy noon, Peanut. Nagkaroon lang ako ng takot sa tubig nang... nang mamatay si Barbie, ang nakababata kong kapatid. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya dahil ako ang nag-aya sa kanyang lumangoy. So whenever I'm in the sea, or even the pool, I remember her and the guilt in my heart seemed to drown me. Hindi ako nakakagalaw para makalangoy." Natahimik siya. Ngayon lang nito 'yon naikuwento sa kanya. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Nang masaksihan ko kung gaano mo pinatawad ang mama mo sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan mo simula nang iwan ka niya, lalo akong humanga sa katapangan mo. Kaya ginawa kitang inspirasyon para mapatawad ko na rin ang sarili ko. Nitong isang linggong lumipas, nagtungo ako sa dagat kung saan pumanaw ang kapatid ko. Do'n ko unti-unting sinimulan ang pagpapatawad ko sa sarili ko. Humingi ako ng tawad kay Barbie. I don't know if you'll believe me, pero habang nasa tabing dagat ako at nakikipag-usap sa kanya, naramdaman ko na lang ang malakas na puwersang tila tinulak ko. Pagkatapos, namalayan ko na lang ang sarili kong nakakalangoy nang muli. Wala na ang takot sa puso ko." She kissed him on the cheek. "Napatawad ka na ng kapatid mo, Bread. At sigurado akong matagal na niyang ginawa 'yon, pero ngayon mo lang napansin dahil ngayon mo lang pinatawad ang sarili mo." Ngumiti ito at marahang hinaplos ang pisngi nito. "Ngayon ka lang kasi dumating para bigyan liwanag ang buhay ko." Natawa siya dahil kinilig siya. Mukhang na-corny-han na na-sweet-an din ito sa sinabi nito dahil sa kabila ng kadiliman ay napansin niyang namula ang magkabila nitong pisngi. And because he looked so cute, she insinuated the kiss that time. She didn't wait that long before he responded to her kiss. Ah, finally, they were together again. She broke the kiss when she tasted something on her lips. "Bread, kumain ka ba ng peanut butter?" His eyes darkened. "Bread tastes better with peanut butter." And he kissed her again. Bread and Peanut matched each other best. Case closed. -WAKAS-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD