GENERAL’s 8

1562 Words
•GEN. HARRISTONE MONTESALVE• “Heneral nandito na po tayo sa bahay kung saan itinatago yung asawa't anak niyo.” -saad sa akin ng tauhan ko, dito sa loob ng itim na van na sinasakyan namin. pero hindi ko na siya sinagot pa dahil dali dali akong bumaba ng van at nagtungo sa gate ng bahay na sinasabi niya, at ilang beses akong nag doorbell pero wala pa rin ng bubukas kaya naman kinalampag ko ng napaka lakas yung gate. “Bullshitttt! open that f*****g gate” -nang gigigil na sigaw ko. pero natigil ako sa pagkalampag ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mama ni Safiro at halata pa sa mukha niya ang gulat, dahil sa hindi niya inaasahang makita ako kaya naman napangisi ako sa kanya. pero hindi ko na siya pinansin at dali dali akong pumasok sa loob ng gate, upang hanapin ang itinatago nilang asawa't anak ko. “Safiro lumabas ka na jan at uuwi na tayo ngayon din.” -sigaw ko habang patungo sa pinto ng bahay ngunit may humarang sa akin sa pinto, kaya napatigil ako para tuluyan pumasok at nakita ko ang nanlilisik na mata ng kuya ng asawa ko pero sinamaan ko din siya ng tingin. “anong ginagawa mo dito heneral?” -seryosong tanong niya sa akin. “Ilabas niyo ang asawa't anak ko dahil kukunin ko na sila.” -galit na utos ko. “wala na sila dito!” -madiing saad niya akin. “bullshit! you.” -galit na sabi ko sa kanya. saka ko siya tinulak para tuluyan na akong maka pasok sa loob ng bahay. “Putang ina Safiro lumabas ka jan.” -sigaw ko sa loob ng bahay. paakyat na sana ako ng hagdan patungo sa mga kwarto ng bahay, ng bigla akong sumalpak sa sahig dahil bigla akong sinapak ng putang inang kuya ng asawa ko, kaya naman bigla akong tumayo ang binigyan ko din siya ng isang sapak sa mukha. “f**k you ashhhhhole! hindi mo na makukuha ang kapatid.” -sigaw niya sa akin at bigla niya muli akong sinapak. kaya naman gumanti ako at nagpalitan kami ng suntok sa isat isa, pero nang mapahiga ito sa sahig ay agad ko siyang pina ibabawan at saka ko siya pinaulanan ng suntok sa mukha. at naririnig ko pang nagtititili si Mrs. Balmores na kakapasok lang ng bahay pero hindi ko pinansin. “f**k you toooo” -mura ko sa kanya. sasapakin ko pa sana siya. pero na patigil ako ng may biglang nagsalita sa taas ng hagdan. “anong kaguluhan ang pinunta mo dito Heneral.” -saad ng papa ni safiro habang nasa taas ng hagdan, kaya naman tumayo ako sa pagkakadagan sa anak niya at hirarap ito. agad-agad namang dinaluhan ni Mrs. Balmores yung anak niya saka ito tinulungang tumayo at narinig ko pang minura ako ng kuya ni safiro ng makatayo ito. “Ilabas niyo ang asawa't anak ko Mr. Balmores?” -seryosong sabi ko sa kanya habang nagtitimpi ng galit. “wala na siya rito!” -matigas na sabi niya. “putang ina! wag na tayong maglokohan dito Ilabas niyo sila.” -galit na sabi ko sa kanya. pero tinitigan niya lang ako at ngumisi pa ito. “Safiro! Safiro! lumabas ka jan at wag mo kong hintaying magalit pa.” -sigaw ko dito sa loob ng bahay. pero tumawa lang yung papa ni Safiro. “kahit sumigaw at magwawa-wala ka pa dito ay wala kang makikitang safiro dito, dahil kakaalis lang nila ni Akiro patungong airport upang bumalik na agad ng ibang bansa.” -seryosong sabi niya sa akin. “f*****g bradford! papatayin ko talaga yang hayop na yun.” -galit na ani ko. pero bago ako lumabas ng bahay na to ay tiningnan ko muna sila. “oras na hindi ko makuha ang asawa't anak ko at pinaglolo-loko niyo ako, I swear na pababagsakin ko lahat ng kompanyang pinaghirapan niyo.” -banta ko sa kanila saka tumakbo palabas ng bahay at tinungo yung van kung saan nandon yung mga tauhan ko at nag paiwan pa ako ng dalawang tauhan sa labas ng bahay. dahil wala akong tiwala sa mga yan. “sa Airport tayo.”-utos ko sa driver ng van. “I track mo yung Number ng asawa ko kung bakit mo siya natunton dito ngayon din.” -madiin na utos ko sa imbistigador na tauhan ko. ————————————————— •SAFIRO BALMORES MONTESALVE• Nandito kami ngayon sa kotse ni kuya na hiniram ni Akiro sa kanya, dahil hindi daw kami maihahatid ni kuya sa airport, pero kukunin din naman niya mamaya yung kotse sa parking lot ng airport pagkatapos ng mga ginagawa niya. “May problema ba aki?” -tanong ko kay akiro. para kasing hindi siya mapakali sa pagmamaneho, buti na lang talaga at mahimbim na natutulog si baby Rhyser sa likod ng sasakyan habang naka setbelt. siguro ay nakatulugan nanaman niya yung pinapanood niyang peppa pig sa ipad niya, habang naka suot pa ng earphone sa magkabila niyang tenga. “Para kasing sumusunod sa ating yung itim na nasa likod natin.” -seryosong sabi niya habang tumitingin pa sa side mirror. kaya naman sumilip din ako pero nagitla ako ng bigla itong humarurot ng mabilis at bumuntot sa likod ng sasakyan namin. kaya naman binaba ko yung salamin ng sasakyan sa tapat ko. upang sitahin yung driver ng itim na van pero magsasalita pa lang sana ako ng biglang bumukas yung pintuan ng van at dumungaw don yung mukha ni Heneral na nanlilisik na nakatingin sa akin. “Ipahinto mo yang sasakyan niyo ngayon din. safiro!” -matigas na utos niya sa akin. kaya naman nakaramdam ako ng takot dahil natunton na kami ni heneral. “Akiro bilisan mong magpatakbo.” -ani ko sa kanya habang natataranta. pero naririnig ko pang nagmumu-mura si heneral sa galit nang biglang patakbuhin ni akiro yung sasakyan ng mabilis, kaya naman naghahabulan kami na parang nasa karera. buti na lang talaga at maluwang yung kalsada at walang gaanong dumadaan ngayon na mga sasakyan. pero nagitla ako ng biglang napapreno si Akiro, dahil nag overtake yung van na sinasakyan ni heneral at huminto sa harap namin. at biglang lumubas si heneral sa pinto ng van kasama ang mga ilan niyang tauhan, at tumapat pa sila sa harapan ng sasakyan namin upang harangan, at nakita ko pa yung nang-gagalaiting mukha ni heneral na nakapagitna sa kanila na nakatingin sa aming dalawa ni Akiro. “Safiro!!! bumaba kayo jan ng anak ko, kung ayaw mong patayin ko yang lalaking yan.” -galit na utos ni heneral sa akin, habang nakaturo pa ang kamay niya kay Akiro. akmang tatanggalin ko na sana yung setbelt ko upang babain yung baliw na heneral ng bigla akong pinigilan ni akiro. “wag! dito ka lang sa loob, at ako na lang ang kakausap sa kanya.” -seryosong sabi niya. kaya naman tumango ako sa kanya at saka siya lumabas ng sasakyan. kaya naman sumulyap ako sa backset upang silipin ang biik kong anak at nakita kong nakatulog pa rin ito habang subo subo na ang hinlalaki niyang kamay, buti na lang talaga at tulog mantika tong anak ko tuwing bumabyahe kami. pero natauhan ako sa pagtitig sa anak ko nang may narinig akong daing, m kaya napaharap ako at saka biglang nagulat dahil nakita kong pinagtutulungan ng mga tauhan ni heneral si Akiro na bugbugin. “lalabas ba kayo jan safiro or papatayin ko to?” -madiin na tanong sa akin ni heneral habang nakatingin ng masama. lalabas na sana ako ng sasakyan ng biglang sumigaw si Akiro. “wag kang lalabas Safiro! jan ka lang!” -nahihirapang sigaw na utos ni akiro sa akin, pero bigla siyang tinadyakan ni heneral sa tiyan kaya bigla itong namilipit sa sakit. “Sigeeee! Ayaw niyo talaga bumaba huh!” -madiing banta niya akin, at saka siya bumunot ng baril sa tagiliran niya at itinapat kay akiro. kaya sa takot ko ay agad agad akong bumaba sa sasakyan. “wagggggg pleasee! ibaba mo yan sasama na kami sayo.” -nanginginig na saad ko sa kanya habang nagpipigil ng iyak. “good! masunurin ka rin pala, asawa ko.” -nakangising sabi niya sa akin at ibinalik na sa tagiliran niya yung baril. kaya naman sumulyap ako kay akiro at nakita ko itong nakahiga sa sahig habang nakahawak pa sa tiyan niya na may dugo pa ang bibig niya habang nakatingin sa akin. kaya naman bigla akong naluha dahil sa awa sa kanya, dahil kung kundi sa akin ay hindi siya hahantong sa ganto. “kuhanin niyo na ang anak ko at aalis na din tayo dito sa cebu ngayon din at pakitawagan si Ben na ihanda na ang mga chopper na gagamitin natin sa pag-uwi.” -narinig ko pang utos ni heneral sa mga tauhan habang nakatingin parin ako kay akiro. lalapitan ko na sana si Akiro nang bigla akong hinawakan ng madiin ni Heneral sa kamay, kaya nagpupumiglas ako pero nagitla ako ng bigla niyang takpan yung ilong ko ng panyo, kaya bigla akong nahilo at nawalan ng ulirat dahil sa amoy ng panyong itinakip niya sa akin. pero sa pag pikit ko ng aking mata ay nakita ko pang may tumulong luha sa mata ni Akiro, na hindi ko alam ang dahilan kung sa sakit ba na natamo niya sa bugbog nila heneral o baka nang dahil sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD