GENERAL’s 7

1267 Words
•SAFIRO BALMORES MONTESALVE• Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil may nararamdaman akong may humahalik sa pisnge ko. kaya naman napadilat ako ng mata at nakita ko yung biik kong anak na nasa tabi ko na napaka dungis ng mukha habang may hawak-hawak pang napaka laking tsokolate sa kamay niya na diko alam kung saan ng galing. “mornin mimi hihihihi” -bungisngis niya. “morning din baby! saan mo kinuha yan?” -turo ko sa tsokolateng hawak hawak niya. “Kay Toto Cob mimi” -kaya naman napabalikwas agad ako sa pagkakahiga dahil nalaman kong mukhang dumating na si kuya, pero naririnig ko pa ding tumatawa yung anak ko at nakatingin sa mukha ko, kaya naman napakunot yung noo kong tumingin sa kanya. “bakit moko tinatawanan baby?” -seryosong tanong ko sa kanya. “hihihi panget mo na po mimi ko hihihi” -turo niya sa mukha ko at saka bigla-biglang tumakbo palabas. kaya naman bigla akong nagpunta sa tapat ng salamin dito sa kwarto ko at nakita ko yung mukha ko na puro tsokolate, kaya naman pala parang may nararamdaman akong malagkit kanina. “ahhhhhhhh busit ka talagang biik ka, kung hindi lang kita anak baka kinatay na kita.” -inis na sigaw ko dito sa loob ng kwarto. alam kong napagtripan na naman ako ng anak ko dahil minsan kasi sinusulatan niya pa yung mukha ko, tuwing umaga o kaya naman iihian niya pa ako minsan tuwing kinakarga ko siya. agad agad akong nagpunta sa CR at naghilamos. habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si kuya na nilalaro yung anak kong madungis parin haggang ngayon. “kuyaaaaaaaaaaaaaaa” -sigaw ko sa kanya saka ako tumakbo at niyakap siya at saka ko siya hinalikan sa pisnge. “ohhhhhhh hindi mo naman ata ako namiss niyan princess.” -nakangising sabi niya sa akin, kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran. ouccchhhhh -daing niya. “syempre naman namiss kita kuya, anim na buwan din tayong hindi nagkita ano?tapos hindi mo naman na ako dinadalaw ulit sa amsterdam.” -nagtatampong sabi ko sa kanya at kunwaring tinalikuran siya. “hahaha wag ka ngang magtampo jan princess, sige bahala ka hindi ko na ibibigay sayo yung pasalubong na binili kong Bag at pabango from Gucci na gustong gusto mo.” -saad niya sa akin. at biglang nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya, kaya naman humarap agad ako sa kanya at nginitian siya nang napaka laki. “ito naman si kuya hindi mabiro, nasan na ba yung pasalubong mo sa akin kuya?” -nakangiting sabi ko sa kanya. pero inirapan niya lang ako “tssssskkkkk.. nasa kwarto ko mamaya mo na lang kunin.” -saad niya sa akin. magsasalita pa sana ako ng bigla kong nakarinig yung hagikgik ng biik kong anak, kaya biglang naalala ko na naman yung ginawa niya sa akin kanina. “hoyyyy biik kong anak, wag mo kung tinatawanan jan at may kasalanan kapa sa aking bata ka.” -pagsusungit na sabi ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot bagkus ay dinilaan niya ako. kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. ”pinagtripan ka na naman ba nitong makulit kong pamangkin huh?” -ani ni kuya sa akin at saka niya binuhat yung anak ko at inamoy amoy yung kili-kili kaya napahagikgik ito. “maligo kana young man at mabaho kana.” -saad ni kuya sa anak ko. kaya naman inamoy amoy ng anak ko yung sarili niya, at bigla na lang ito nagpupumiglas kay kuya. at tumakbo papunta sa kwarto ko, kaya naman natawa kaming dalawa ni kuya sa asal ng anak ko. “nga pala kuya nasan sila mama at papa at kumusta na yung kompanya sa manila?” -tanong ko sa kanya. “nagpunta sila mama at papa sa palenke para bumili ng iluluto natin mamaya, dahil naisip naming mag handa dahil nabuo ulit tayong lahat. at about naman sa company stable naman siya yun nga lang nanggugulo araw-araw yung heneral mong asawa sa akin, at tinatanong niya kung saan daw namin kayo tinatagong dalawa ng anak mo. pero hindi ko siya pinapansin pero minsan inaasar ko lang sinabi kong sumama kana kay Akiro at nakipag tanan, kaya ayon nagwawa-wala siya na akala mong torong galit na galit hahahha” -sagot niya sa akin at hawak pa yung tiyan niya habang tumatawa. “tskkkk ewan ko sayo kuya.” -sabi ko sa kanya, saka inirapan. mag dadalawang linggo na din pala bukas simula nong nagpunta kami dito sa Cebu nila mama upang magtago sa baliw na Heneral na yun, at sa isang linggo naman na pagtatago namin dito ay naging payapa ako dahil walang nang gugulo sa amin. “wag kang mapanatag na hindi niya kayo mahahanap Safiro, dahil nalaman kong kumuha siya ng ilang magagaling na imbistigador na humahanap sa inyo ng anak mo at saka tandaan mo si Heneral yun. makapang yarihang tao, at maraming pera baka nga bukas o sa isang araw nandito na yun at kunin kayong bigla ng anak mo.” -seryosong sabi niya sa akin. kaya naman hindi ko mapigilang mapaluha sa nalaman ko kay kuya, dahil akala ko panatag na kami dito ng anak ko. dahil mag dadalawang linggo na din kami dito sa Cebu, kaya naiisip ko na baka dito sa lugar na to hindi na kami matunton ng baliw na heneral na yun. “kuya ayaw kong sumama sa kanya, dahil natatakot ako sa kanya baka kung anong gawin niya sa akin pag nahanap niya kami, dahil iba pa naman magalit yun kuya.” -ani ko na parang nagsusumbong habang umiiyak, kaya naman niyakap ako ni kuya habang hinahagod ang likod. “shhhhhh.... wag kang mag alala princess dahil hindi ko kayo hahayaang makuha ng heneral na okay! kahit na alam kong mas doble ang yaman non kumpara sa akin. di ba nga sabi ko sayo ako yung superhero mong kuya na laging mag tatanggol sayo anytime kaya tumahan kana ok.” -nakangiting saad sa akin kuya habang hinahalikan ang noo ko. “salamat kuya!” -ani ko sa kanya “walang anuman princess! oo nga pala mamaya ay nandito na din si Akiro, at napag usapan din namin na bumalik na kayo bukas agad sa Amsterdam para hindi na kayo mahanap ni Heneral dito sa Cebu.” -ani ni kuya sa akin ng seryoso, kaya naman napatango na lang ako sa kanya bilang pag sang ayon. “Totooooo! bakit mo pinapaiyak ang mimi ko! bad ka bad ka! di na kita bati huhuhu.” -sulpot ng biik kong anak sa harapan namin ni kuya na umiiyak, habang nakahubo pa dahil bagong ligo ito, at dala dala pa ang damit niya upang mag pabihis sa akin. kaya naman natawa na lang kaming dalawa ni kuya dahil sa itsura nang biik kong anak. ————————————————— •GEN. HARRISTONE MONTESALVE• “Heneral! natunton na po namin kung saan itinago ng byenan niyo yung asawa at anak niyo nasa Bayan po sila ng Talisay Cebu.” -bugad na sabi ng tauhan ko sa akin na kakapasok lang. “Good! paki sabi sa kaibigan kong si Villamore na hihiramin ko muna yung limang private chopper niya para sunduin yung asawa't anak ko bukas, dahil kasalukuyang inaayos pa lang yung mga chopper ko.” -utos ko sa aking tauhan. “masusunod po Heneral.” -ani niya sa akin at saka umalis. hindi ko mapigilan mapangisi dahil sa wakas ay natunton ko na din ang lungga kung saan nila itinatago ang asawa ko. “Be ready Safiro dahil sa oras na makuha ko na kayo ng anak natin, ay hinding hindi na kayo makakawala pa sa ating palasyo.” -nakangiting kausap ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD